May humahawak sa kamay ko pero noong tinangnan ko kung sino ay wala akong makita. Malabo ang kanyang mukha. Sino kaya sya? Bakit nya hawak ang aking kamay? Close ba kami! Pero kakaiba kasi parang ang gaan sa pakiramdam ng paghawak nya. Parang masaya kahit na hindi ko sya kilala.
Is it weird to find comfort at others especially a stranger? Pero mas kumportable ako sa pagiging mag-isa ko dahil maraming bagay ang nabubuo sa isipan ko, mga plano at pangarap ko sa bahay. Sa pagiging mag-isa dun ko mas lalong nakikilala ang sarili ko.
Napamulat ako kasi pakiramdam ko hindi na panaginip ang lindol kasi tunay na may yumuyugyog sa akin para gisingin ako. Ang lapastangan na si Abby ang nakita ko. Ang aga nya nambubulabog. Gisingin mo na ang lasing, wag lang ang taong nananaginip.
Tiningnan ko sya, yung tipong nakamamatay. Kaso hindi sya tinablan pero talaga ang mas kinaiinisan nang bagong gising ay ang pagdagan nya sa akin. Di pa ako nahihimasmasan sa panaginip ko kasi talagang gusto ko pang ituloy. Tinulak ko sya kasi nahihirapan ako sa bigat nya. Tumalikod ako sa kanya at pumikit ulit.
"Amor, labas tayo. Punta tayo sa park. Mag-jogging kaya tayo. Bumangon ka na dyan" parang nagmamakaawa boses nya. Bahala sya dyan kasi ayoko pa gusto ko pang matulog. Ni hindi pa nga sumisikat ang araw. Kutusan ko sya dyan.
Di ko sya pinansin. Kampante na ako na hindi na nya talaga ako gigisingin pero ilang minuto lang lumipas ay niyugyog nya ako na parang walang katapusan. Matatanggal ata ang utak ko. Bumangon na ako para batukan sya. Hindi sapat para matanggal ang utak nyang maliit.
" Aray ah!! Amor please jogging tayo. Sayang naman outfit ko. Tingnan mo" tumayo sya tas umikot para ipakita sakin ang suot nya. Ayos ang get-up ah. Pero tiningnan ko lang sya.
"Amorrrrr"
"Fine. Pwede ba wag kang maingay. Tsaka sinong nagpapasok sayo sa bahay?" Tanong ko pagkatapos kung tingnan yung orasan.
"Si aling Rita. Buti nga pinapasok ako kasi tulog mantika pa daw yung pinuntahan ko. Ano bang oras ka natulog kagabi?" Sus! Paki nya ba kung anong oras ako natutulog gabi-gabi. Kung makatanong naman 'to akala mo si mama.
"Paki mo ba. Di ka man lang nagsabi na pupunta ka dito ng maaga." Eh di sana nagsabi ako kay aling Rita na wag kang papasukin." Abby naman ang aga pa, gusto ko pang matulog. Wala naman tayong pasok ngayon. Bakasyon. Rest time para gumising na maaga." Ganyan ako kapag nagrereklamo na bongga, nagrereklamo ng wagas. Aba! Sino ba naman kasi ang matutuwa.
"Exactly! Maaga para mag-exercise. Nagtext rin ako sayo kagabi. Anong silbi ng cellphone mo. Nagcellphone ka pa kung di mo naman babasahin mga text messages ko. Panu pala kung emergency yun. Di mo na ako mapupunthan at matutulungan kapag nangutang ako sayo" dakdak nya sa akin. Ang sarap ibaon ang bibig sa unan.
Kung iisipin nga naman wala talagang silbi ang cp ko kasi ang narerecieve ko (madalas) ay mga group message ng mga klasmeyts ko. Hindi rin ako mahilig magtxt kahit na may pang-load ako. Nagti-text lang ako kung importante ang itatanong sa kanila. Di ako mahilig sa text mate kasi nga madalas napapahamak ka dyan. Kung sa iba nga di ako nakikipag-usap sa text pa kaya. Isa pa, tinatamad ako pumindot. Nakakatamad ang mag-isip kung ano ang reply mo sa katext mo.
"Hoy! Emergency, neknek mo. Kwento mo sa pagong baka sakaling paniwalaan ka sa kadramahan mo. Pagnangungutang ikaw ang lumapit, ikaw ang may kailang hindi ako." Sabi ko sa kanya. Naiirita na ako. Wag na kayo magtaka kung mainitin ulo ko, maikli ang pasesnya ko sa mga madadaldal!
" Ang sungit mo! Tsaka ayusin mo na sarili mo. Magmomog ka rin. Bad breathe!" Aba't nakikiamoy na nga lang sya dyan. "Bilisan mo dahil may naghihintay sa atin sa sala." May kasama sya? Hinigit nya ako para bumungan at tinulak sa cr para mag-ayos. Pero di ako nagpatulak sa kanya. Hinarap KO sya.
"Sinong kasama mo? Bakit di mo agad sinabi na may kasama ka pala?" Tanong ko sa kanya. Sino naman yun? Si Abby talaga di agad nagsasabi. Hindi ako sanay sa tao dahil mahina ang loob ko. Hindi ako kumportable sa iba. Nandito ba sya sa pamamahay namin? Malinis at maayos naman ang bahay namin pero baka sa isipan nya nilalait na nito kami.
"Papakilala ko sya sayo mamaya pgkatapos mong magmomog at maghilamos" utos nya sakin habang pinagpapatuloy ang pagtulak sa akin.
"Di ako magmomog,magto- toothbrush ako. Gaya mo pa ako sayo"
"Excuse me!"
Nagulat ako kasi hindi talaga nagjojoke si Abbygail Beth Chavez. Hindi na ako naging kumportable sa pamamahay ko pagkatapos kung lumabas ng kwarto ko. OK lang Sana kung babae ang kasama ni Abby pero lalaki. Male specie. Para akong tanga habang naglalakad papunta sa kinauupuan nung dalawa sa sala. Tinintingan ko lang si Abby kasi nahihiya ako dun sa kasama nya. Boyfriend nya ba? Tumingin ako Kay Abby with a big question mark on my head.
Nang makalapit na ako ay ngumuti lang si Abby sa akin pagkatapos lumingon sa lalaki. Napalingon din ako sa kanya at di na naupo. Nakita ko na ba sya? Tinitingnan ko sya , baka sakaling maalala kung nakita ko na ba sya pero wala. Narinig ko na lang si Abby na tumikhim.
"Ahmm. Amor si Eduardo. Haha. Charot! Ahemm. Si Mike Rodriguez. Mike si Jane Amor Monterey." Masaya nyang pagpapakilala sa amin.
"Hello" si Mike.
"Hi" nahihiya kong tugon sa kanya. Mukha naman syang harmless kasi di sya nangangagat tulad ng aso.
Aso?! Sya?! Sya nga! Siya yung may-ari Kay Bear. Small world ng ganito kaaga. Sumama yung timpla ko. Kasi Hindi sya mukhang mabait. Nagbabalat-kayu lang sya. At panu ni Abby naging kaibigan 'to. Pero isa lang ang masasabi ko. Never in my wildest dream that he will become my friend. Di kami close. Suntukin ko sya sa ngala-ngala nya para mawala ngiti nya. Ayoko sa mga ngiti ng lalaki parang may gustong iparating. Bastos ang dating sa akin.
Tse! Talk to my hand. Sayo na yung hello mo,di ko kailangan.
BINABASA MO ANG
A lost stars
Teen FictionAn introvert girl meets an extraordinary people, (she thought they are) makes her life in chaos. In just a simple phrases her world become alienated. What word did she utter that makes her life crazy and obnoxious for her? Who are they to make her...