Author: Hello, my dear readers! Welcome sa Episode 1! Konting paalala lamang po na ang manunulat ng kwentong ito ay hindi propesyonal na manunulat. Gayunpaman, maraming salamat sa walang sawang pagsuporta at pagtangkilik sa aking mga likha! Read well! <3
"You're still pursuing that guy you met online?" Hindi makapaniwalang tanong nitong kaibigan ko na parang kahapon lang ata ako nakilala. Diyos ko, pailang tanong na n'ya 'to ngayong buwan!
"Para ka namang hindi kaibigan...oo nga kase!" Kakainis naman 'to. Parang pinamumukha n'ya't pinagdidildilan pa na wala talaga akong pag-asa doon sa bebe loves ko!
"So...anong balita? Akala ko kase tumigil ka na. Since sinabi mo kahapon samin ni Mitchelle na new life ka na? Anong "new" d'yan sa ginagawa mo?" Aba't tatawa-tawa pa talagang nang-aasar 'to? Eh sa hindi ko pa kayang maka-get over doon sa tao eh!
"Alam mo, Allison? Hindi ko na kasalanang attractive, charismatic, at mukhang mabango't expensive 'yung tao 'no? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi rin akong nahuhulog sa kanya--ARAY NAMAN ALLISON!" Diyos ko! Tampalin ba naman ang ulo ko, eh ang bigat-bigat pa naman ng kamay nito! Nako talaga, kapag hindi ako nakapagpigil gagantihan ko na 'to!
"Te, sa araw-araw na ginawa ni Lord, palagi kang shunga! Ilang beses na kitang sinabihan d'yan sa mga crush-crush mo na 'yan. Wala kang mapapala d'yan. Especially d'yan kay Kyle na mukhang wala namang pakielam at walang balak na puntahan ka." Napatahimik na lang ako sa mga nasabi n'ya na totoo naman.
"Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan ka pa kumukha ng lakas ng loob na bumangon sa araw-araw at magpakaloka sa lalaking hindi man lang magawang bigyan ka ng kahit konting atensyon. Real talk lang, ha? Magalit ka na, but that guy doesn't even deserve you. He can't even give the same energy as you! Wake up, Violet!" O-ouch naman, masyado yatang tumatagos 'tong mga sinasabi sa akin ng babaeng 'to.
Hindi ko rin naman alam kung bakit baliw na baliw ako doon sa lalaking 'yon. Hindi naman s'ya ganito noong una. Actually, he's my dream guy. But after confessing to him, bigla na lang nag0iba 'yung ihip ng hangin. But that doesn't change my feelings towards him. Especially I know what's his real personality.
I just couldn't let go of that little memory we had on a mall where we met.
Back then when we met at the mall... 5 months ago.
Haaay~ ano kayang magandang pasalubong kay Allison at Mitch? Nabo-bored na ako rito sa mall.
Mukhang maganda ang mga items doon sa department na 'yon, doon na lang muna siguro ako titingin hehe.
Sa kalalakad ko ng mabilis, hindi ko napansin ang isang maliit na bola na gumulong sa dadaanan ko...and from there ay halos makita ko na ang mataas na gate ng kalangitan.
"A-ahh... aray..." Diyos ko, Lord! Ano po bang kasalanan ko noon sa inyo sa past life ko? Bakit sa kalagitnaan pa po ng mall ako inabot ng disgrasya?!
"Miss! I'm so sorry, shit!" Mabuti na lang talaga at andito 'tong si kuya para alalayan ako!
"Dahan-dahan lang, miss. Kumusta pakiramdam mo? I know you're not okay." Wow, in all fairness mabait at considerate si kuya. Pero sandali lang, di ko pa s'ya matingnan kase nahihiya pa ako at ang sakit pa rin ng pwet ko huhuhu!
"I-I'm okay, Thank you--Holy...." Oh my...Oh my freaking heaven and hell! Nasa langit na ba ako?
No, impossible! Sa dami kong kasalanan ay hindi man lang ako magkakaroon ng chance na makita ang langit. Pero sino 'tong anghel sa harap ko? Lord... pinapatawad mo na ba ako?
BINABASA MO ANG
Habulan Series: The Days After Six Months
RomanceA story about Violet and her long distance crush. Violet is currently pursuing her long distance crush for 5 months already, she told her crush na after 6 months at hindi pa rin nahuhulog ang loob nito sa kanya ay titigil na s'ya from pangungulit. T...