“Ano ba kasing problema at ayaw mo na saluhin ni Doc. Mia ‘yong case ni Kaizer? Ikaw na mismo ang may sabi na gusto niyang tulungan ‘yong bata. Wala naman sigurong masama kung siya nga ang hahandle non since busy ka naman.”
Konti na lang ay umapoy na ang ilong ni Kaiden sa inis dahil nagpupumilit si Mia na siya na lamang ang umako sa case ni Kaizer. Nainis pa siya lalo noong sabihin ni Doc. Wade na payag siya nang sa ganon ay kaagad ng magawa ang operasyon sa bata. Hindi siya makakapayag na magkita sina Kaizer at Mia.
“Hell! No way, Wade. Mapapatay talaga kita kapag pumayag ka diyan sa gusto ni Mia.”
Narinig niya ang pagtawa ng kapwa doktor sa kabilang linya. Dahil sa naging usapan nila ni Mia ukol kay Kaizer, nawala ‘yong excitement na naramdaman niya sa pamamasyal nilang magpapamilya kanina. Lalo pa at todo pagpupumilit ni Mia sa kanya na sabihin kay Wade na siya nalang ang tatanggap sa case ni Kaizer. Hindi niya namalayan ang oras at natauhan na lamang siya nong tawagan siya ni Wade at ipinaalam sa kanya na kinausap siya ni Mia ukol sa case nong bata.“Alam mo, nawiwirduhan na talaga ako sa’yo, pre. Ano ba kasing mayron at problemadong-problemado ka sa pasyente ko?”
“Damn! Wala ng maraming tanong, Wade. Gawin mo na lang ang pinag-uutos ko.” Hindi na niya hinintay na makasagot pa si Wade at binabaan na niya ito ng tawag.
Padabog niyang ibinato sa kama iyong selpon niya at walang gana na ibinagsak ang katawan sa sofa. Nararamdaman niyang kumikirot ang kanyang ulo dahil sa dami ng kanyang iniisip. Sinisisi niya ng sobra ang kanyang sarili, sana hindi na lamang niya sinagot ‘yong tawag ni Wade nong nasa byahe sila at nagkataon pa na nagtanong si Mia.
“Sir, kakain na po, pinapatawag na kayo ni Madam.”
Napatingin siya sa may pintuan ng kanilang kwarto nang dumungaw ang isa nilang kasambahay upang yayain ito para kumain.
“Sige, Manang, susunod na lang ako.”
Nagpalit una si Kiaden ng damit at naghilamos ng mukha para mabawasan ‘yong kirot ng kanyang ulo. Pagkatapos ay bumaba na siya sa may dining table upang kumain. Nadatnan niya ang kaniyang mag-ina na masayang nagkwekwentuhan habang kumakain.“Daddy, eat na po tayo.” Masayang anyaya ni Zach sa kaniya. Gamit ang maliliit na kamay ni Zach, hinila niya si Kaiden para saluhan sila nong salubungin siya nito.
Sinubukang umakto ng normal si Kaiden, mabilis pa naman makaramdam ng kakaiba si Mia. At kagaya ng gusto ng anak, sinaluhan niya ang mga ito. Walang humpay na pagkwekwento ni Zach sa naging ganap niya sa playground kanina. May mga bago siyang mga kaibigan na nakilala roon. Sa pagiging lutang ni Kaiden, hindi niya napansin kanina na nakipaglaro si Zach sa mga batang naroon.
“Kai, hingin mo naman kay Wade ‘yong medical record ni Kaizer para mapag-aralan ko ng mabuti ‘yong case niya.”
Napaangat kaagad ng tingin si Kaiden nang buksan ni Mia ang topiko na iyon habang kumakain sila. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain at kumakabog na naman sa kaba ‘yong puso niya.
“Just leave that case to us. Kami na ni Wade ang bahala ron.”
“I just want to help that poor babyboy. Hindi biro ‘yong sakit niya, Kai. Wala naman akong gagawin nextweek e kaya maaasikaso ko siya. Hihingi pa ako ng tulong sa mga magagaling na doktor sa ibang ospital para makasigurado tayo na gagaling siya.” Seryosong usal ni Mia pero hindi magawang matuwa ni Kaiden.
“Mia, kaya na namin ni Wade ‘yon, inaasikaso na namin.”
“O, akala ko ba hindi ka pa payag? Kaya nga inaako ko na dahil sabi mo marami kang ooperahan at hindi mo siya maisingit. Para hindi na kayo mamoblema ni Wade, ako na ang aasikaso sa case nong bata.” Pagpupumilit pa rin ni Mia.
Napabuntong-hininga ng malalim si Kaiden at konti na lang ay mauubos na ang kanyang pasensya.
“Pumayag na ‘ko.” Palusot niya para manahimik na si Mia. “Asikasuhin mo na lang ‘yong mga pasyente mo. Ako na ang bahala don sa bata.”
“Call me if you need help.”
Nakahinga siya ng maluwag nong hindi na ulit nangulit si Mia sa kanya. Kumain na lamang sila at hindi na sinubukan ni Kaiden na buksan ang topiko na ‘yon dahil baka kung ano pa ang maisipan ni Mia na gawin.
Habang magana silang kumakain, napapasulyap siya kay Zach na ganadong kumakain sa kanyang harapan. Walang yaya na nakaalalay sa kanya dahil sinasanay na nila itong kumain ng mag-isa para matuto. Napapako ang kanyang tingin sa mukha ng kanyang anak, nandoon ang paghanga niya sa taglay nitong kagwapuhan pero mayron sa kanya ang pagtataka dahil ni isang katangian niya ay hindi niya makita sa mukha.
“Ba’t ganyan ka makatitig sa anak mo?” Namutawi ang boses ni Mia sa kanyang pandinig, mukhang napansin nito ang pagtitig na ginagawa niya sa kanilang anak.
Napaiwas siya ng tingin pero ramdam niya na nasa kanya ang titig ni Mia na mukhang naghahanap ng kasagutan sa pagtitig na iyon nito kay Zach.
“Mukhang sa’yo lang nagmana si Zach, lawit lang yata ang nakuha niya sa’kin e,” natatawang tugon nito. “Konti na lang ipapa-DNA test ko na siya e.”
Mula noon, napapansin na niya na wala ni isang katangian o features niya ang nakuha ni Zach. Nagtataka noon sina Oheb kung siya ba talaga ang tatay nito dahil hindi naman talaga sila magkamukha. Mas kamukha ni Zach ang kanyang ina na si Mia, maski sa ugali ay dito niya rin nakuha.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...