Chapter 68: Bukingan ng Sikreto

357 11 2
                                    

"Wala kang anak sa'kin, Zander, anak namin ni Kaiden 'yon kaya pwede ba, lubayan mo na 'ko."

Pilit nagpupumiglas si Mia sa yakap na iginagawad ni Zander sa kanya. Ayaw niyang napapalapit siya rito o kahit na maramdaman ang presensya nito. Nandidiri siya. Naiirita siya ng sobra sa lalaki.

"Hanggang kailan mo ba uutuin ang doktor na 'yon? Hanggang ngayon ba, paniwalang-paniwala pa rin siya sa pagsisinungaling mo?"

Pinagdilatan siya ni Mia. "Hindi ko siya inuuto, anak namin si Zach at hindi sa'yo. Itigil mo 'yang kahibangan mo bago pa 'ko may gawin na hindi mo magugustuhan." Pagbabanta ni Mia pero pinagtawanan lamang siya ng lalaki.

"Pwes, patunayan mo sa'kin na hindi ko siya anak."

"Zander, pinakita ko na noon ang paternity test result, ano ba ang hindi malinaw sa'yo?" Nag-iimpit sa inis na singhal ni Mia.

"Gago ako pero hindi ako bobo, Mia. Alam ko na peke 'yon. Alam ko rin na dinaya mo rin 'yong paternity test na binigay mo kay Kaiden. Alam ko lahat ng kasinungalingan mo kaya bago pa 'ko mapuno, ipakilala mo na ako sa anak ko." Nakipaglaban si Zander sa titigan kay Mia.

"Huwag mo 'kong susubukan, Zander, at baka hindi talaga kita pagbigyan diyan sa gusto mo."

"Sige lang, magpakasaya ka sa piling ng doktor na 'yon. May araw din na uulanin ka ng karma mo. Walang sikreto na hindi nabubunyag." Tumawa-tawa pa ito ng nakakaasar bago tuluyang nilayasan si Mia na nilalamon ng inis.

Hindi lamang iyon ang unang beses na kinulit siya ni Zander na ipakilala niya si Zach rito. Alam niya na si Zander 'yong tumatawag sa kanya noon na sinisita ni Kaiden. Kahit na anong pagtakas ang gawin niya kay Zander, nasusundan at nasusundan pa rin siya nito. Hinihiling niya na sana hindi magkrus ang landas nilang dalawa ni Kaiden.

"Dinaya mo ang paternity test result noon?"

Para bang humiwalay ang kaluluwa ni Mia pagkarinig sa boses ni Dreams sa likuran nito. At mukhang narinig niya lahat ng pag-uusap nila ni Zander.

Hinarap niya si Dreams na gulat na gulat sa kanyang mga nalaman.

"Bakit mo 'yon ginawa, Mia? Bakit mo pinalabas na ako ang masama? Bakit pinapaniwala mo ngayon si Kaiden na anak niyo si Zach kahit ang totoo hindi naman talaga?"

Pinagtawanan lang siya ni Mia at maarteng tinitigan.

"Oo, dinaya ko ang paternity test result noon. Oo, pinalabas ko na niloko mo si Kaiden at oo, hindi niya tunay na anak si Zach. E, ano naman ngayon? Magsusumbong ka? Kahit magsumbong ka, hindi ka niya papaniwalaan."

"Ibang klase talaga ang kademonyohan mo at pati anak ko, dinamay mo. Ano bang kasalanan ko sa'yo, Mia? Kailanman hindi naman kita sinaktan o binastos. Ni dulo ng kuko ko hindi dumapo dyan sa pesteng balat mo." Gigil na gigil na usal ni Dreams at kahit gusto niyang pagbuhatan ng kamay si Mia ay pinigilan niya ang kanyang sarili.

Pinagtaasan siya ni Mia ng kilay at muli itong nagsalita. "Sino ba ang unang umepal sa atin, hindi ba ikaw?"

"At anong pang-eepal naman ang ginawa ko sa'yo? Saka lang naman tayo nagkikita non kapag nagpapacheck-up ako sa'yo ah."

"Isa kang hamak na mang-aagaw!" Pagdidiin ni Mia sa kanyang salita.

Salubong ang mga kilay ni Dreams. "Ano naman ang inagaw ko sa'yo? Kailanman hindi ko ugaling agawan 'yong alam kong kapantay ko lang."

"Tsk! C'mon, Dreams, huwag kang umakto na parang 'di mo alam. Mula nong umepal ka sa buhay namin ni Kaiden, nawala na rin 'yong maganda naming samahan dahil sinira mo. Ahas ka! Mang-aagaw! Uhaw na uhaw ka sa atensyon niya dahil malandi ka!"

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon