"Kayo na di ba? Itinatago niyo lang sakin dahil ayaw niyong masaktan si Andrea. Tama?!" Nakakatakot yung taong kausap ko ngayon. Nanlilisik sa galit yung mga mata niya. Nakakamatay yung mga titig niya.
"Hindi kami." Sagot ko. Aalis na sana ako ng bigla niyang hatakin yung braso ko. Hindi ako makalaban dahil ang lakas niya.
"Anong akala niyo, hindi ko alam? Hindi ko alam na may namamagitan sa inyo? Ganun ba ko Katanga ha?!" Nasasaktan na ko sa sobrang higpit ng hawak niya sakin. Ayokong manlaban dahil baka makasama sa baby ko. Hinihiling ko na sana sumating si Boss.
"Andrea, hindi. Mali ang iniisip mo. Walang nmamagitan samin ni boss." Giit ko. Ayokong masira ang plano ni T.K ng dahil sa katangahan ko.
"So, ano? Ako pa sinungaling ngayon?! Puta ka!" Nabigla ako ng sampalin niya ko. "Yan dapat sayo! Hindi ka nababagay kay Kent dahil simula pa lang sakin na siya! Malandi ka! " Sinampal niya na naman ako sa kabilang pisngi.
Baby kapit ka lang ah. Wag kang bibitaw. Mahal na Mahal ka ni mommy. Aayusin lang ni mommy to para di masira yung plano ni Daddy.
"Ano tataanga ka na lang ba dyan, huh?! Sarili mo nga hindi mo maipagtanggol, mahina ka! Gold digger! At higit sa lahat, Pok Po-----
*pak* "Sobra ka na Andrea!"
*pak* "Edi lumabas din ugali mo! Malandi ka! Mangaaagaw!" Sinabunutan niya ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero hindi ako si Fritzy kung hindi ako palaban.
Sinabunutan ko din siya. Madiin. Kulang na lang matanggal na yung anit niya. Kahit dito manlang makaganti ako sa mga ginagawa niya sakin.
Nagulat na lang ako ng pumaibabaw siya sakin at pinagsasampal at pinagsasabunutan ako..
Yung baby ko ..
Inikot ko siya kaya sa isang iglap ako na ang nasa ibabaw niya.. Pinagsasampal ko siya at pinagsasabunutan.
Wait lang baby, gaganti si Mommy...
Naramdaman ko na lang na may kamay na humawak sa braso ko.. Ang diin, sobra. Parang konti na lang mawawalan na ito ng dugo. Pero mas ikinagulat ko ng makita ko kung sino ang nagmamayari ng kamay na ito..
"Boss, Ma-masakit." Kung madiin yung pagkakahawak sakin ni Andrea kanina mas doble ito kung paano ako hawakan ni Thunder ngayon.
"WTF! Fritzy! Why did you slap her?! Huh? Tell me?! Dammit!" Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi niya naiintindihan ang nagyari, na mali siya ng iniisip.
Baby, wag kang magtatampo kay Daddy.
Hindi lang niya alam yung tunay na nangyari. Kapit lang...
BINABASA MO ANG
Inlove ako kay Sungit (on-going)
Romance"Everything you need will come to you at the perfect time." Kelan nga ba yung perfect time? Yan ang katanungan na nabuo sa utak ni Fritzy. Para sa kanya merong namang FOREVER. Forever Single Forever Alone At Forever Sawi. Padalos-dalos mag-isip, pra...