How to move on~
by: justonfire
Her advice:
"Ang tunay na pag-ibig ay hindi cheesy, sweet, at humahappy ending katulad ng mga nasa sine. Ang tunay na pag-ibig ay masakit at mapait." -Ramon Bautista
Paano nga ba kapag hindi narereciprocate ang feelings? Isa marahil to sa mga katotohanang kahit kailan ay hindi natin matatakasan.
Maraming beses ko na ring naranasan yung ganyan kalupitan ng tandahan. At talagang masasabi ko napakasakit kapag ikaw ang nariyan sa ganyang situation.
Yung talagang mapapa-putangina ka na lang sa mga nangyari. Alanganin kasi yung pag-ibig. Ikaw lang yung kakadama. Pero sa kanya, para wala lang.
How to survive the Alanganing Pag-ibig apocalyse:
1. Avoid connection to prevent lamentation.
Hangga't maari, iwasan ang mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya. Yung paborito niyang kulay, mga kanta na madalas niyang pakinggan, pagkain na gusto niya, amoy ng kilikili niya kapag pawis. Jk. Pero kidding aside, iwasan mo muna lahat ng mga bagay na nagcoconnect sa inyong dalawa. Sa ganitong bagay, maiisip mo na hindi naman siya gaanong kalaking kawalan sayo. Na tipong bonus na lang ang pagdating niya sa buhay mo. Tandaan mo na meron nang ikaw kahit wala siya.
2. Cry and cry until the feelings die.
Lunurin mo ang sarili mo sa pag-iyak. Ilabas mo lahat ng nararamdaman. Umiyak ka hanggang sa lumuwa na yang mata mo at mamatay ka na. HAHAHA. Joke. Iyak lang. Pagurin mo ang sarili mo sa kakaiyak. Sa ganong paraan, mapapagod na rin ang puso mo kakamahal sa kanya at marerealize mo na marami pang taong pwedeng mahalin bukod sa kanya.
3. Inhale the good stuffs (Memories) and exhale the bad shits. (Regrets, hatred and bitterness)
Memories? Paano makakaroon ng memories kung wala ngang nangyari? Meron yan. Pilitin mo. Ituring mong memories niyo ang unang pagkakataon na nakita mo siya, nakilala, nakausap. Yung mga tipong bagay. Pero huwag mong pahintulan yung sarili mo na magregret o maging bitter sa kanya. Yung tipong sasabihin mo na, "Hayop na to, ang panget panget naman neto pero na-inlove ako." Huwag ganon. Hindi ika-gagaan ng loob mo ang pagsasabi ng kung ano anong bagay tungkol sa kanya. Instead, magiging bitter ka lang at naiaapply mo sa ibang tao yang naranasan mo.
4. Make sense of what still remains.
Siya lang ang nawalan. Hindi ikaw. Make yourself better, not bitter. Magpaganda ka. Mag-aral mabuti. Basta ayusin mo ang sarili mo. Pero huwag na huwag kang magbago sa kadahilanang gusto mo lang gumanti. Kasi hindi tama yun. Isipin mo na baka hindi ka niya minahal dahil hindi mo natutunang mahalin ang sarili mo. Ibuhos mo sa sarili mo yung mga nasayang na pagmamahal na binigay mo sa kanya para kahit man lang dun, makabawi ka.
5. Accept and move forward.
Pagtanggap. Yan na lang ang maari mong gawin. Kumbaga, last option mo na yan. Hindi mo maaring pilitin ang isang tao para mahalin ka nila. Ang maari mo na lang gawin ay tanggapin na may mga bagay na sadyang hindi para sayo. Hayaan mo na lang na si God ang kumilos para sayo. Pray, yan ang isa sa pinakamabisang pamamaraan para makalimutan ang mga sugat ng nakaraan.
Nagustuhan nyo ba?
Vote and Comment! :))
Soft copies are available.
BINABASA MO ANG
How to move on. (her advice)
FanfictionMove on move on din pag may time. Di lang sya ang una at huling tao dito sa mundo. </3 Soft copies are available. ;)