1. Meet Saoirse

6 1 0
                                    

Saoirse P.O.V

"Krrring!"

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa napakasarap kong tulog. Bwisit! Kung kaylan naman malapit na ko sa climax ng panaginip ko saka ka pa gigisingin. Malapit ko na sanang mahalikan si Jungkook eh! Magdidikit na yong labi namin, pambihira naman!

Ako nga pala si Saoirse, 22 years old. Isa akong office associate sa bangko mula Lunes hanggang Byernes at certified rakitera naman kada Sabado at Linggo. In short ang babaeng walang pahinga.

Naniniwala kasi ako na sayang ang oras kung ipapahinga mo lang kung pwede ka naman kumita ng pera. Bakit ang mga bayarin ba, nagpapahinga? Hindi diba? So trabaho tayo. Bawal ang batugan dito! Saka anong "deserve ko 'to," walang ganon, Mars! Hindi tayo mayaman. Isa lamang tayong mahirap na may tumatagingting na kagandahan lang ang ambag sa ekonomiya ng Pilipinas.

"Anak, dumating na pala yong meralco bill kahapon." Sigaw ni mama. Nandito kasi ako sa banyo naliligo at baka malate pa ko kung pipilitin kong ituloy ang panaginip ko.

"Opo! Ako ng bahala d'yan!"

Kita n'yo na? Another bayarin na naman. Kaya dapat talaga magbanat tayo ng buto. Hindi kung anu-ano ang inaatupag.

Tingnan mo yong iba, puro pagjojowa ang inaatupag. Obligadong bumili ng mga regalo kada anniversary. Ang ending, maghihiwalay lang rin naman sila. Kaya ako, pagkagraduate ko talaga ng college, nag trabaho agad ako. Ang goal ko, yumaman kami. Period! No erase!

Pagkatapos kong maligo at mag almusal, umalis na ako ng bahay para pumasok sa trabaho. As usual papasok kang bagong ligo, darating ka ng opisinang parang bilasang isda. Kasi naman traffic na nga, siksikan pa kayo sa jeep.

Sasabihin nung barker sampuan yong jeep kahit ang totoo waluhan lang. Pilit kayong isisiksik na parang sardinas. Malas mo pa pag ang katabi mo may kapangyarihang taglay na pumuputok tapos humawa sa damit mo. Finish na talaga ang laban, Mare! Bawi ka na lang next life.

"Hoy, Marecakes!" Si Camille ang aking bestfriend na everyday may bagong tsismis at katrabaho dito sa bangko na pinapasukan ko.

"Oh! May tsismis ka kaagad? Kararating ko lang. Baka pwedeng trabaho muna tayo, ano?" Sabay lapag ng bag ko sa table ko at nagsisimula ng mag open ng computer.

"Ang k.j mo naman masyado! Anyway, ito na nga, naalala mo ba yong kadate ko n'ong Linggo?" Tanong n'ya.

"Sino? Yong nakilala mo sa dating site?" Tintingnan ko s'ya ng may pagtataka.

"Oo, grabe sobrang kadiri! Para syang naglalakad na pakwan."

"Naglalakad na pakwan?"

"Pano kasi green sya on the outside, red sya on the inside."

"Shuta ka naman, Marecakes eh! May bago ka na namang pauso. Ano namang meaning n'on?"

"I mean, green flag ang pakita nya sayo, pero deep in side sobrang red flag pala s'ya."

"Because?"

"Noong magkachat kami, parang sobrang bait nya, religious at gentleman. In short, akala mo maganda ang intention sayo. Yon pala after namin kumain sabay sabi nya na maghotel daw kami. Matutulog lang raw!"

Bigla akong natawa sa reaksyon ni Camille habang nagkwekwento sya ng experience n'ya.

"Ah. So natulog kayo? May damit o wala?" Tanong ko.

"Gaga! Syempre no way! Hindi ako easy to get tulad ng inaakala n'ya."

"Sabi ko naman sayo diba? Trabaho dapat ang inaatupag. Pera ang dapat hinahanap, hindi love life!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No To Falling In Love Challenge (Jungkook IU Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon