Dejà vu

6 1 0
                                    



Napabuntong hininga ako ng makita ko ang mga taong nakatingin sa akin. Naglalakad ako sa gitna ng simbahan na hawak hawak ang mga bulaklak at suot suot ang isang napakagandang gown. Naiiyak ako di dahil sa kasiyahan kondi sa kalungkutan pero diko pinahalata. I bitterly smile when I saw the groom looking at me. He smiled at me and kiss me at my cheek when I was near him.

"You look stunning bestfriend" he smile at me and I answer him with a smile. A bitter smile.

Naglakad ako sa pwesto ko kung saan nakalugar ang uupuan ng MAID OF HONOR.

BESTFRIEND, MAID OF HONOR.

Bestfriend lang ako at hamak na maid of honor. Maganda naman ako, matalino di ngalang ganoon kabait and I admit it. Pero kahit anong gawin ko iba parin ang hanap ng puso niya.

I've been inlove with my best friend for what?? 10 years? Yes, you read it. It was love at first sight I may say. It was in this church when I first saw him. Nakapagtataka nga at nagsimba ako nong araw na yon dito ehh di ko naman kaugaliaan na magsimba. Katabi ko sya noon nangingiti pa nga ako kase ang bango niya. Nang oras na ng pagkanta ng ama namin, sabi ng pari ay kailangan daw hawak kamay habang kumakanta kahit na di pa daw kilala ang katabi mo kase magkakapatid naman daw tayo lahat pagdating sa langit. Kinabahan naman akong napatingin sa kanya at di inaasahang nakatingin din pala siya sa akin. Nangiti siya at inalok ang kanyang kamay. Napangiti naman ako at napahawak doon. Kinabahan pa nga ako at nanginginig. Nagdadasal na sana di mahalata ang panginginig ko.

Nasundan pa ng ilang simba ko doon at doon mismo sa pwesto ko lagi ako nakaupo gaya din niya. We became friends. Naging close kami, we always ate lunch after namin magsimba hanggang sa isang linggo ay di na siya nakaattend ng mass. And sad to say last na din yon sa pagsimba sa simbahang yon kase bukas luluwas na ako ng manila para sa pagaaral ko sa college.

Lumipas ang mga araw at pasukan na. Di ko inaakala na sa first day of class ko bilang college ay simula na ng roller-coaster kong buhay. Nagkita kaming muli noong lalake sa simbahan. His name is Grey, pareho pala kami ng pinapasukang eskwelahan magkaiba nga lang ng course.

"Hoy May!! Tara hatid na kita sa classroom mo"

Ganyan siya ka sweet. Hatid at sundo niya ako pati hanggang bahay. We became bestfriends. Walang siyang tinatagong sekreto sa akin pero ako marami. Isa na doon ang nararamdaman ko sa kanya.

Ilang taon na ang nagdaan sa pagkakaibigan namin ilang babae din ang nagdaan sa buhay niya. Pero ako? Siya lang ang lalake sa buhay ko syempre maliban sa papa ko at sa kuya ko.

Noong nakilala niya si Blanch his bride, doon ko nakita ang iba't ibang emosyon niya. Saya, sakit at lungkot. Habang masaya siya, nasasaktan at nalulungkot ng dahil kay Blanch, nasasaktan rin ako. Tanggap ko naman na kahit ialay ko pa buhay ko sa demonyo di parin ako ang mamahalin niya. Kayat itinago ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya at pilit ko na lang binabaon sa limot.

Napangiti naman ako ng matapos na ang seremosyas ng kasal.

"Okay. Where is the maid of honor and the bestman?" Tanong ng photographer. Lumapit naman ako sa bagong kasal pati narin ang bestman.

"Thank you May at inalagaan mo itong groom ko kahit iniwan ko siya ng ilang taon. Thank you talaga" bulong sa akin ni Blanch ng mapalapit ako. Sarap din balyahin ng isang to.

Iniwan ba naman itong bestfriend ko ng higit kumulang dalawang taon kase akala niya ako daw mahal nitong bestfriend ko. Tsss kung alam niya lang. Sasaya na sana ako ng umalis siya pero kabaliktaran. Mas lumayo ang bestfriend ko sa akin. Pinagtabuyan at sinisi ako kung bakit umalis itong si Blanch niya kase akala nga daw nito ay relasyon kami. Eh gago nga tong isa at nasuntok ko sa muka ayon hilo siya. Naalog ata ang ulo at natauhan. Nagsorry sa akin.

"I'm sorry May. Di ko sinasadya yong mga nasabi ko. Ang sakit lang kase eh"

"Mahal mo ba talaga siya?" tanong ko

"Mahal na mahal" napangiti akong pilit.

"Edi habulin mo, sundan mo. Tanga mo rin ano. Naturingan kang matalino pero bobo ka naman sa pagibig. Pakamatay ka na lang" ikaw rin May ang bobo mo. Tanga ka rin bwesit kang babae ka. Sabi ko sa sarili ko.

"But I want to ask you something" napakunot noo akot naghihintay sa tanong niya.

"Mahal mo ba ako?" I pause for a moment before answering his question.

"Oo, Grey mahal kita" I look straight into his eyes and smile.

"Mahal kita bilang kaibigan, hahaha kinabahan ka noh?? Ampangit mo" nabigla akot hinila niya at niyakap.

"I love you bestfriend" he whispered to my ears and that is when my tears fall down. Pinahid ko agad ng paghiwalay kami.

"Sige na sundan mo na siya at baka maagaw pa ng kung sinong australyano si Blanch"

Sinundan talaga ng gago kong bestfriend si Blanch sa Autralia. Isang linggo ko rin yon iniyakan. Tumaba nga ako noon eh kase dinala ko sa kain ang depression ko yan tuloy naging baboy ako sa isang lingong leave ko sa trabaho. Humingi talaga ako ng leave sa ospital. Isa kase akong resident doctor. Pinagtawanan nga ako ng isa kong kasamang doctor kase ang stress ko na daw.

Lumipas ang isang buwan at bumalik na si Grey kasama syempre si Blanch. Humingi ng sorry si Blanch sa akin at binatukan ko naman syempre. Ang gaga umiyak pa sa harapan ko at nagpasalamat. Saltik din nagpasalamat sa batok. Di ko man masasabing masaya ako pero atleast masaya ako na masaya ang bestfriend ko. Lumipas ang isang taon ay napagplanuhan na nilang ikasal.

At ito sila ngayon nasa harapan ko masayang naghihiwa ng wedding cake nila. Habang ako ito pinagmamasdan sila. Pero nagpapasalamat ako na di namasyadong masakit kumpara noong mga nakaraang taon siguro ay napagtanto ng puso ko na imposible talagang maging kami kung kayat tinanggap na lang nito.

"Konti na lang talaga at makakalimutan ka rin ng puso ko Grey" bulong ko sa sarili ko.

Lumipas ang ilang buwan ay nabalitaan kong buntis na si Blanch sa unang anak nila nila Grey.

"May I have a goodnews for you" sabi ni Grey sa kabilang linya.

"I'm listening" saad ko.

"Blanch is 2 months pregnant" batid ko ang sobrang saya sa tinig niya.

Kinapa ko ang dibdib ko pinakiramdaman. Napangiti ako. Walang akong sakit o lungkot na naramdaman. Napangiti ako.

"I'm happy for the both of you. Wag mong kalimutan ninang ako huh" I genuinely said.

Nagpaalam na ako sa tawag ni Grey at pumunta ng office. Luluwas ako ngayon sa amin. Mababakasyon muna ako't magpapahinga.
.
.
.
.
.
.

"Oh anak san ka pupunta at bihis na bihis ka?" tanong sa akin ni Mama.

"Manlalalaki po Ma" sagot ko

"Igihan mo anak ha. Gusto ko ng magkaapo. Ayokong manghiram kina Grey ng anak nila" ayan nanaman yang apo apo na yan. Wala pa nga akong boyfriend apo agad nasa isip nila papa.

"Tss magsisimba po ako" paalam ko sabay beso sa kanya.

Napangiti ako ng makapasok sa simbahan. Ilang buwan din noong huli kong simba dito noon pang kasal nila Grey.

Umupo ako sa favorite spot ko. I was concentrating listening to the gospel ng may umupo sa tabi ko. Tss late si kuya. Di ko na lang pinansin at nakinig muli.

Lumipas ang mga minuto ay pagkanta na ng ama namin. Natingin ako ng magsalita ang pari at sinabing maghawak kamay. Déjà vu ba'to?? I look at the altar and there I saw the same Priest in the same spot, same church but different person beside me. He offer his hand to me and I look at him. Napabilog ang mata ko when I recognize who he is. He was the best man in Grey's wedding. Kuya ito ni Blanch, si Benjamin. He smirked at me.

"Magtititigan lang ba tayo dito May?" napangiti ako and I held his hand.

Napangiti ako't napadasal.

Lord salamat sa blessing. Mabibigyan ko na ng apo sila mama.

End

Déjà VuWhere stories live. Discover now