isang pambihirang dilag
saaking puso ang bumihag
damdaming hindi nakapalag
at ang puso'y tuluyang nalaglagsa dinami rami ng babae sa mundo
swerteng nakatagpo ng nag iisang tulad mo
pambihirang katangian sa'yo lng natagpuan
tulad ng buwan na nababalot ng kahiwagaansa bawat paglipas ng buwan
ang syang paglalim ng nararamdaman
ako'y nagugulumihanan
bakit hanggang ngayon hindi ka malimutan.-ᜂᜎᜈ᜔-
