Shienna
"Ang fresh natin ngayon, ah?" tanong sa akin ni Vincent, siya ang nag-aayos ng aking buhok para mamaya. Pupunta rin dito ang mga angkan nila Doc. Dapat pala talaga nagparebond ako, pero maganda naman na ang aking buhok. Hindi naman na siguro kailangan nun.
"Aray ko! Balak mo yatang tanggalin anit ko ha!" reklamo ko sa kaniya at inirapan niya lang ako at mas lalo pang hinila ang aking buhok.
"Buti naman nagkaayos kayong dalawa?" tanong niya sa akin.
"Ha... oo, marupok naman siya eh..."
Natawa si Vincent at natawa na rin ako, hindi ko idedeny na marupok talaga siya. Hindi ko alam pero dapat pala talaga nagpabebe ako, syempr dapat kahit ako ang may kasalanan ay siya ang susuyo sa akin.
"Mahal na mahal kasi ako ni Doc..."
"Ano ba 'yan Leslie, ilang taon na kayong may relasyon bakit ganyang pa rin ang tawag mo sa kaniya?" tanong niya sa akin.
"Hmmm... mas nasanay kasi ako sa ganung tawag," paliwanag ko. Masyado ko nga bang kinareer ang pagtawag sa kaniya? Hindi ko pa siya natatawag sa buong pangalan niya.
"Cutler lang ba ang pangalan niya?" tanong sa akin ni Vincent.
"Hudson Cutler yata..." tinapik niya ang aking noo at napaaray naman ako.
"Hindi ka pa sure duon? Napakawalang kwenta mo namang fiance," inis na sambit nito sa akin at itinali niya na ang aking buhok matapos niyang ipagapang ang tirintas.
"Paano ba dapat ang itawag ko? Nakakanibago kasi kung pangalan niya lang ang itatawag ko, parang hindi ko nirerespeto ang trabaho niya..." sagot ko rito na siyang nagpahagalpak sa kaniya, napanguso naman ako.
"I mean... kung magiging asawa mo na siya, Leslie... kailangan mo ng itapon 'yang hiya mo, hindi ka nga nahihiya kapag may ginagawa kayo eh..." sagot nito na sa akin na dahilan ng pagkapula ko.
"Magtiwala ka sa akin, mas maiinlove lalo sa 'yo 'yun... ito..." may binigay siya sa aking box, kaagad akong nanindik nang makitang puro condom iyon.
"Vincent!" bawal ko sa kaniya.
"Isang buwan na lang ikakasal ka na, hindi ka pa pwedeng mabuntis.. ireserve niya na lang kapag honeymoon niyo na," sagot nito.
"Kahit siguro maghubad at ilabas ni Rosset ang dibdib niyang puro silicon ay hindi yata matuturn-on 'yang si Doc..."
Tumango ako, dati pa naman kahit na pinangako niya sa akin na hindi niya na ako mamahalin. Nung sinabi niyang mafafall out love siya, hindi ako nakumbinsi dahil alam ko namang mahal niya pa rin ako sa kabila nang lahat.
Alam kong malaki ang tiwala niya sa boyfriend ko dahil saksi siya kung paano magwala ang pangalawang anak ng De Viola, hindi ko nga alam bakit parang mamamatay siya kung aalis ako sa tabi niya.
Napangiti ako, nakakakilig naman. Kahit marupok iyon mahal ko iyon, hindi naman din ako magiging marupok sana minsan kapag sinusuyo niya lang ako, kapag nagiging moody ako, hindi niya na binibigdeal lahat ng sinasabi ko.
Pero minsan may time na nagseselos siya, minsan naman kapag nagselos at nagtampo ay susuyuin ko, hahalikan ko sa pisngi at kakandungan ko siya, maya maya ay hindi na siya galit. Kaya alam ko rin talaga ang kiliti niya.
Kung ano ano lang naman ang pinagkwentuhan namin, maya maya ay susunod na sila Sol dito, makikita ko na siya. Nakakamiss din talaga ang babaitang iyon.
"Nga pala... ayos na ba sila Sol at si Attorney?" tanong ko.
"Hindi ba't pambasang marites ka? Bakit hindi mo alam 'yun?" kinaltukan ko siya at inirapan, maarte naman itong napadaing.
"Oo! Ayos na! Naglalaplapan na ulit sila!" natawa ako dahil duon.
YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...