Chapter 39
Everything turned so blurry, my vision, my surroundings, the guy who took me out of the car and Castiel's voice. My world felt like it turned a million times as I tried to fight my dizziness. But my body didn't even try to fight the shock it had been through. I finally lost my consciousness.
The moment I opened my eyes again, an unfamiliar and dark room welcomed me. Mabilis akong ginapangan ng lamig sa katawan nang mapagtanong nasa isang abandonadong lugar ako. Sinubukan kong bumangon sa pagkakahiga sa sahig, the floor was cold and dirty. Pero hindi iyon ang importante sa akin ngayon.
Mas lalo akong nanlamig, nang maramdaman ko ang lubid na na nakatali sa aking kamay. Nasa likod ko iyon at hindi ko tuluyang magalaw na aking kamay. Nagsimula nang kumabog at magkarera ang puso ko.
Nasa isang abandonadong kwarto ako, marumi, malamig at madilim. Nakatali ang kamay ko, at lahat ng ito ay nangyari matapos akong mawalan ng malay dahil sa pagkabunggo ng sasakyan ko.
Libo-libong kaba ang dumaan sa dibdib ko, nakidnap ako! Kung hindi ito kidnapping hindi ko na alam kung ano ang tawag rito. Ang mga ala-ala nang muntik kong pagka kidnap noong high school ay bumalik sa akin, ang dating kaba at takot noong halos makuha ako ng kidnapper ay dumaloy sa akin.
Mukhang tama si Caden, the kidnapper was never caught. At delikado ang buhay ko, walang pwedeng pagkatiwalaan. Napalunok ako at nanginig ang mga kamay kong nakatali, I never imagined I would experience this. This never crossed my mind. Bakit ngayon pa? Bakit hindi noong iisa ko lang at walang magtatanggol sa akin?
Bakit ngayon na kasama ko na ulit si Caden? Nakikipaglaro ba siya sa amin? Anong kailangan niya sa akin?!
"Uh! Where in the world am I..." marahas kong bulong.
Alam kong walang kwenta kung magsisisigaw ako, kung ilang taon akong minamnaman ng kidnapper, malamang ilang taon niya nang plinano ito. Wala siyang gagawin na ikakapalpak nito, alam kong walang kwenta kung maghehesterical ako.
Pinilit kong hilahin ang kamay sa mahigpit na tali, nakagat ko ang ibabang labi nang gumasgas lang ang balat ko sa lubid. Bago ko pa maulit iyon, mabilis na bumukas ang pinto. Agad akong napatingin sa pumasok.
Isang lalaking matangkad at malaki ang katawan, ang naglakad papalapit sa akin. Kung kanina ay kalmado at nakakapag-isip pa ako, nang oras na makita ko ang actual na kidnapper, at naglalakad na sa harap ko, unti-unti nang gumapang ang tunay na takot sa akin.
Ngayon na ako tuluyang nagising sa katotohanan, na walang kasiguraduhan kung lalabas akong buhay rito. Nangilid ang luha ko, hindi pwede. Hindi pa ako pwedeng mamatay, hindi kakayanin ni Caden kapag nawala ako.
"Gising ka na pala." kaswal na bungad sa akin ng lalaki, tumalim ang tingin ko sa kanya kasama ang pangingilid ng mga luha ko.
Nag-squat ito sa harap ko, nakasuot ito ng itim na jacket sa loob ay itim rin na t-shirt, itim na pantalon at sapatos. He is also wearing a black cap, and a black facemask. Usual attire of criminals, he's no exception. Mas lalong nag-alab sa akin ang galit at takot.
"What do you need?" wila ko. Bakas na bakas roon ang pagpipigil ko ng galit.
Narinig kong tumawa iyon ng bahagya, para bang walang kwenta kung sasagutin niya pa ang tanong ko. "Miss Monterio, what I need is for you to be a good girl." kalmado ngunit may halong pagbabanta ang kanyang boses.
Ngayon ko napagtantong base sa boses niya, bata pa ito. Maybe in his twenties or thirties. I expected someone older. Niyukom ko ang kamao dahil lalo akong naaasar sa klase ng pananalita niya.
"I am not your freaking slave, give me an answer and let's finish this shit abruptly!" hindi ko napagilan ang pagtaas ng boses, nababalot na ako ng galit at gusto ko siyang hampasin ng kahit na anong matigas na bagay sa ulo.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomansaAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...