18: Voice
Ang palagi ko lang naiisip ay ang halik namin. We really kissed. Hindi ko alam kung anong nangyari it just happened.
"Lumalakas lang lalo ang ulan," sabi ni Eya at tumango naman ako bilang sagot. Daphne and I haven't talked yet. Hindi ko alam ano problema niya.
Tahimik siya sa akin pero maingay at madaldal siya sa iba. Kaya si Eya at ang mga kaibigan niya ang kasama ko ngayon.
"Nakakatamad umuwi," sabi niya. Tumambay lang muna kami dito sa student lounge habang umiinom ng milktea.
"Kaya ng sana makauwi tayo ng maaga," sabi ko. Pero hindi pala ako makakauwi ng maaga ngayon. I have to meet my friends, namimiss ko rin sila.
"Kaya nga, siguro sasakay nalang ako ng taxi, sana all talaga may car," sabi niya.
"Kay bigat pa naman itong mga dala natin," sabi niya. Marami talaga kaming dalang gamit palagi. Kaya nga kumuha nalang rin ako ng locker dito sa University para sa ibang gamit ko na hindi ko na kailangang iuwi sa bahay at dalhin ulit dito sa school. Dagdag sa tuituion pero okay lang.
Hindi ko nakita si Saydie dito sa school. Hindi ko rin siya naabutan kanina.
Pagkatapos ng klase namin ay agad akong sumakay lang ng taxi. Akala ko nga hindi na kami matutuloy dahil umuulan. Pero walang makakapigil sa kanila basta inuman.
Auntie:
Happy birthday pamangkin ko! Pakabait ka palagi! Birthday gift ni tita nasa account mo na! Pwede kang gumastos ngayon!
Napakunot ang noo ko dahil sa biglang message ni tita sa akin.
Auntie:
I love you, sorry ngayon lang kita nabati.
Agad akong mapatingin sa kalendaryo at October 28 na pala, my birthday. Napasapo ako sa aking noo. Birthday ko pala, nakalimutan ko.
Izzy:
Thank you so much auntie! 💗
Birthday ko pala. Bakit nakalimutan ko.
Pagkarating ko sa Party fun ay nakita ko agad sila at may bitbit na cake si Gaile.
"Happy birthday girl!"
Hindi ko naman napigilan ang ngiti ko.
"Nakalimutan mo na naman 'no? Alam mo hindi mo nakakalimutan na birth month mo pero ang birthday mo bakit mo ba kinakalimutan!" Sigaw ni Josh at nandito rin pala ang boyfriend niya.
"Thank you guys!" Sabi ko.
I made a wish first and blew the candle.
"Kainan na! Libre ni Josh."
Tumingin ako kay Josh at yinakap siya. Ganito naman kami sa isa't isa kaya the best ko talaga sila.
"Picture muna tayo!" Sabi ni Gaile at humingi nalang kami ng tulong sa isa sa mga staff para makunan kami ng litrato.
"So chika ka muna, sabi mo you have a crush on this girl." Nakangiting sabi ni Josh. Napailing ako.
"Kakaupo ko nga lang," sagot ko.
"So you're into girls now? Ano curious ka?" Natulala ako sa tanong ni Gaile.
Yes I am, kung paano magmahal ang babae. Anong pinagkaiba nila. But…there is more about Saydie that I can't explain.
"Siguro," sagot ko.
Besides kung curious lang ako, marami namang hindi straight sa mundo, pero iba lang talaga si Saydie. I want to know everything about her.
