Gulong-gulong lubha ang kan'yang loob
sa t'wing daragitin s'ya ng lungkot
hapis niya'y nagpabaluktot
sa balintataw n'ya ito'y may pahintulot.Nagitlahana s'ya nang matanto
na ang lumbay ang s'yang naging pinuno
sa buhay n'yang unti-unting nanlabo,
buhay niya'y saan kaya papatungo?Kahinaan n'ya'y magpalamon sa lungkot,
lumbay niya'y naghatid ng puot
sa puso n'yang kalunos-lunos
araw-araw puro unos.Anong gagawin n'ya sa kan'yang kahinaan?
magpapalamon na lang ba nang tuluyan?
sarili n'ya mismong hinaing 'di magawang mapakinggan,
paano na lang kaya ang kan'yang kinabukasan?Kung nanaisin niya lamang
na 'di magpalamon sa kalungkutan,
balang-araw ang kan'yang kahinaan
ay kan'yang magiging kalakasan.
BINABASA MO ANG
Scribbled
Aléatoirepinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...