Prologue

99 8 8
                                    

Disclaimer 一 This story is made in fiction. Fiction is invented from imaginary events and people so the portraying individuals, plots, places, and issues are undisputedly unrealistic. Read in a decent manner. Any impolite comments and judgment in unjustifiable thoughts/opinions will be disregarded. Grammatical, Punctuation, Capitalization, errors ahead. Learning has no end, the Author is always open for constructive criticism.

My piece may help you understand life and love, most especially loving yourself first.

Let's change our perspective that no matter how bad the world around us, at least at the end of the day we're kinder to ourselves. We know how to love ourselves.

Ikaw muna, sarili mo muna. <3

________________________________________________

"Oh, you're really good at painting Serina. Kulayan mo nga buhay ko," my bestfriend Altea annoying me. Nandito na naman siya sa bahay nanggugulo together with Jaja. Good thing Jaja just sketching on the other table. Tahimik, hindi katulad ng bruhang si Altea napaka daldal, ang daming kwento sa buhay. But it's fine, nag e-enjoy naman kami sa humor ng babae.

Kasalukuyan kong inaayos ang kulay ng buhok ng pinipinta ko nang may kumatok, hindi ko na iyon pinansin dahil abala ako sa paghahalo ng kulay. I wanted umber, a shade of brown but it turns out like mocha. Naiirita na ako, paulit ulit na lang hindi ko pa rin makuha ang gusto ko.

"Girls, I brought a snack." Kuya Kyle put the tray beside Teya. Pagkakataon ko na rin siyang asarin.

"Is it for us ba talaga or kay Teya mo yan hinanda?" nakangisi kong tanong. Pero hindi ako pinansin ng lalake. He just smiled and put his headphones on. When he's gone, Teya glared at me. Nag peace sign na lang ako saka nagpatuloy sa ginagawa. After finishing my piece, balak ko sanang makipag daldalan na kay Teya, Hindi na siya umiimik sa amin. Not because she's mad. She's eating, pinaka ayaw niya ay yung kinakausap siya habang may kinakain.

Gumawi ako sa balcony para lumanghap ng sariwang hangin, The view outside is quite relaxing. Palubog na ang araw kaya kulay kahel na ang langit. Our house is located in the middle of a subdivision. Mga ilang kilometro din ang layo ng mga bahay dito. May malawak na garden backyard. Doon si Mommy nagtatanim ng mga veggies, plants and fruits, tuwing nag bibisita sila dito ni Daddy. Last year, nagpatayo rin ng basketball court si Dad for Kuya. Minsan nga ay nakikipaglaro pa siya dito.

Originally, we're from province. Lumipat lang kami dito ni Kuya sa City because nandito ang magagandang school and big opportunities. This house is the heritage from my Lola. Pina renovate lang namin four years ago. Since solong anak ang daddy lahat ng ari-arian ng Lola ay sakaniya pinasa.

While mesmerizing the beauty of the sky, may nakita akong hindi kanais nais sa paningin ko. The guy is wearing gray jogging pants and white sando, pumupunas siya ng pawis habang nag jo-jogging. Nung nagtama ang paningin namin, He nodded...napaka feeling close niya. I rolled my eyes and went inside, Bungad ang dalawa kong kaibigan na kanina pa pala nakatingin sa labas. The balcony door is wide, for sure kitang kita nila ang bwisit na lalake sa buhay ko.

"Girl diba si Kad 'yon, yung classmate natin?" ani ni Ja.

"Stop mentioning his name," reklamo ko.

"Teka nga, bakit ba ang init ng ulo mo dun?" si Teya

"Gusto mo ba siya?" they said in unison, and gave me a meaningful smile.

"No, Never....Never ko siyang magugustuhan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Artist TherapyWhere stories live. Discover now