Jeepney 'so cold' Love Story

51 1 0
                                    

Jeepney 'so cold' Love Story

By: HeartSinister1340

Ang bawat biyahe na mararanasan mo sa buhay mo ay pwedeng maghatid sayo ng iba't ibang karanasan. Pwedeng kaligayahan, kagalakan, kalungkutan at kung wala lang. Ngunit sa maikling oras na ilalagi mo sa loob ng sasakyan marami ang pwedeng mangyari at marami ang 'di mo inaasahang mangyayari.

Tapos na ang isang taon ng pagugol ng sarili sa pag-aaral, at oras na para magpahinga. Oras na para umuwi ako sa probinsiya namin. Inayos ko na ang mga gamit ko upang ihanda ang sarili sa apat na sulok ng inuupahan kong kwarto. Sumakay ako ng tricycle upang ihatid sa paradahan ng jeepney papunta sa aming probinsya. Siksikan ang mga tao sa terminal, marami ring uuwi sa kani-kanilang tahanan.

Umupo ako sa dulong unahan ng jeep, walang anu-ano'y may umupo ring babae sa tabi ko, maputi, makinis, medyo mahaba ang buhok at kamukha ng minahal ko noong hayskul kami, si Cherish. "Lance?" sambit ng babae sa tabi ko. Hindi ako nakaimik ng niyapos niya ako. Hindi ko mawari, lahat ng dugo ko sa katawan ay parang tumaas sa ulo ko at bigala na lang akong namula.

"Kumusta ka na?" tanong sa akin ni Cherish, at hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako sa kanya. Hindi ko matanggal ang aking mga mata na tumitig sa mga mata niya.

"Ayos lang, parang hindi ka nagbago ah, ang ganda mo pa rin," sagot ko na nauutal.

"Simula nung nagkahiwa-hiwalay tayo, wala na akong balita sayo, ni hindi ka na nagpakita sa akin," tuloy ni Cherish.

Ibig sabihin hindi sinabi ni Ana kay Cherish na may gusto ako sa kanya.

"May problema ba, bakit parang kanina ka pa namumutla?" tanong sa akin ni Cherish.

"Hindi ayos lang ako, wla bang sinabi sayo si Ana bagi tayo magkahiwa-hiwalay?" paglilinaw ko sa kanina ko pang tanong. Sumigaw ang konduktor ng jeep na paalis na ang sinasakyan naming jeep. Biglang umandar ang makina nito at umarangkada.

"Wala naman, bakit, mayroon ba siyang dapat sabihin sa akin?" pagtataka niya.

Umiling na lang ako bilang tugon sa tanong niya. Nagkwentuhan kami ng tungkol sa mga nakaraang karanasan namin. Masasaya o malulungkot na karanasan.

"Tanda ko pa nung high school tayo, tuwing nalulungkot ako lagi mo akong pinapatawa, 'yung mga mata, nagiguing duling, tuwang tuwa talaga ako pag ginagawa mo 'yun sa harap ko," sabay kaming tumawa sa sinabi niyang iyon.

"Lagi ka naman kasi umiiyak noon, bumaba ka lang ng konti sa mga test natin iiyakan mo na, OA mo kaya noong highschool." Tukso ko.

"Pero alam mo pag-umiiyak naman ako, ikaw lagi ang nagpapatahan sa akin, pag may kaaway ako, lagi mo akong pinangtatanggol, lagi kang nasa tabi ko noon, hindi mo ako iniwan," sabay pisil sa pisngi ko.

Na-miss ko ang mga kurot niya sa pisngi ko. Kinurot ko rin ang ilong niya.

"Bayad nga!" sigaw nung ale na katabi ni Cherish.

Inabot niya sa akin 'yung bayad, sa muling pagkakataon nahawakan kong muli ang malalambot niyang kamay, tulad pa rin ng dati makinis at walang bahid ng gaspang.

"Bayad daw," ulit ni Cherish.

"Ay oo nga pala, bayad daw po," sambit ko

Gabi na at malakas pa ang ulan, mahaba-haba pa ang tatahakin ng jeep na ito para ihatid kami sa aming mga destinasyon. Binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Napagod yata ang mga tao, dahil lahat sila tulog na. Nang maya maya pa'y sumandal ang ulo ni Cherish sa balikat ko, tulog na rin pala siya. Iniayos ko ang ulo niya sa aking balikat at inakbayan siya upang hindi mahulog. Ilang saglit pa'y yumakap ang kanyang mga kamay sa baywang ko at nagsasalita ng mga salitang siya lang siguro ang nakakaintindi. 'Yung ibang tao hindi tulog sa amin nakatingin at natatawa sa kanya. Naisip ko tuloy napapanaginipan niya kaya ako, sana oo. Iniisip niya kaya ako, sana oo. Mahal niya kaya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya, sana oo. Panaginip lang kaya lahat ng ito, sana hindi. Sana maamin ko rin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

Ilang minuto na ang nakalipas, nakatulog pala ako. Siya naman ang gising at ako na pala ang nakasandal sa balikat niya, tinitingnan ko ang ginagawa niya, pinagmamasdan niya ang labas ng jeep. Pinagmamasdan niya ang bawat patak ng ulan.

"Gising ka na pala!" sambit niya sa akin.

"Pasensya ka na, di ko napansin nakatulog pala ako, nasaan na tayo?" tanong ko.

"Wala 'yun, ganun din namn ang ginawa mo sa akin nung ako ang nakatulog. Malayo pa huwag kang mag-alala."

Inilabas ko ang cellphone ko, nilagay sa isa kong tenga ang headset ko at inalok sa kaniya ang isa pa. Tinanggap niya ito at inilagay din niya sa kanya. Unti-unti niyang isinandal ang kanyang ulo sa mga balikat ko.

"Nilalamig ka ba?" tanong ko.

"Medyo, ang lakas ng ulan," sagot niya.

Hinubad ko ang jacket ko at isinuot sa kanya. "Ayan, para 'di ka lamigin."

"Salamat," at nginitian niya ako.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pinapangunahan na naman ako ng takot na aminin sa kanya na mahal ko siya. Kung panaginip 'to, sana lang di na ako magising. Kinurot ko ang sarili ko, pero tunay ang mga nangyayari.

"Anong ginagawa mo?" pagatataka ni Cherish ng kinurot ko ang sarili ko.

"Kinukurot ko ang sarili ko, inaantok pa kasi ako," tumawa na alng ako.

Kung pwede sanang 'di na kami bumaba sa sasakyan na ito. Sana hindi na matapos ang oras na kaming dalawa ay magkatabi at magkasama sa sasakyan na ito, pero alam kong matatapos din ito, lahat ng ito ay panandalian lang at kalaunan ay matatapos na ang palabas na ito ng tadhana. Ang oras na ito, na parang kami lang ang nakasakay sa sasakyan na ito, ninanamnam ko na lang ang mga sandaling kami'y magkasama.

"Ayos ka lang ba talaga kanina ka pang tulala?" tanong ni Cherish.

"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala."

Matagal na ring panahon, hindi ko pa rin inaamin sa kanya na lahat ng ginawa ko para sa kaniya ay ginawa ko dahil mahal ko siya, at 'di dahil kaibigan ang turing ko sa kaniya. Natatakot lang ako na kapag inamin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman ay hindi niya ako mahalin pabalik.

"Naalala mo ba ang kantang 'to?" sambit ni Cherish.

"Di ba dahil sa kantang 'to, namura tayo ni Mrs. Venzon dahil kumakanta tayo sa klase, ang lakas kaya ng boses mo noon," sabay kaming natawa.

Pinagmasdan ko siya. Sabi ko sa sarili ko, bakit hindi ko maaalala ang kantang 'yan, "Yan ang kanta ng puso ko para sayo, na kahit kailan hindi ako aalis sa tabi mo. Isa akong malaking duwag.

"Tanda mo pa nung prom natin, niyaya mo ako nung sumayaw, nayayapakn mo naman ang mga paa ko, dahil sa nakatitig ka lang sa akin noong mga oras na 'yun," natawa niyang sabi.

Napatungo na lang ako, nakakahiya. Ang totoo noong mga oras na iyon, kaya ko nakatitig sa mukha niya ay gsto ko siyang halikan, gusto kong ipadama sa kaniya ang matagla ko ng kinikimkim sa puso. At ilang saglit pa'y nakita ko na lang ang sarili kong nakalapat na ang mga labi ko sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko, maging siya.

"Kung bakit ako nakatitig sayo nung prom, dahil dito," tinuro ko ang dibdib ko. "Yun ang idinidikta ng puso ko, 'yun ang sinsabi ng puso ko na gawin ko nung mga oras na 'yun, pero naduwag ako, kahit nga pasalita di ko maamin sayo. Simula ng magkita tayo at hanggang sa mga oras na ito, hindi ko pa rin masabi sayo na..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, may sobrang liwanag na ilaw ang tumama sa sinasakyan naming jeep, at tumilapon kami. Paggising ko, maputik ang katawan ko, basang basa. Hinanap agad ng mga mata ko si Cherish, nakita ko siya sa harap ko, gagapang sana ako papunta sa kaniya ngunit 'di ko maalis ang mga paa ko sa kung anong nakapatong dito. Duguan siya, walang malay, hinagilap ko ang kaniyang kamay, ginising ko siya, pero 'di niya ako pinapansin. Hinawakan ko ang pulso niya sa kamay, ngunit hindi na ito tumitibok. Sumigaw ako ng tulong pero walang dumadating.

"Cherish, huwag mo akong iwan, Cherish, hindi ko pa nasasabi sayo na mahal na mahal kita, Cherish," matapos ng pangyayaring iyon nawalan na muli ako ng malay.

Ang biyaheng akala ko'y masayang panaginip ay isa pa lang malagim na bangungot.

Jeepney 'so cold' Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon