Elena's POV
Pagising ko wala na si Kassandra. Marahil maaga siyang nagising at umalis pero ba't hindi man lang siya nagpaalam? Hmp!
Ang sarap pa naman ng tulog ko dahil sa kanya. Dahil sa mga nasabi ko kagabi pakiramdam ko nabawasan ng konti 'yung bigat na kinikimkim ko. Ngunit nandoon naman ang confusion sa kay Kassandra.
Pero hindi na bale. Alam ko naman talagang malalaman at malalaman niya pa rin ang katotohanan kahit na pilit na itago ko pa sa kanya.
Pero at least matagal pa, 'di ba? Hindi pa ngayon. Kaya susulitin ko muna ang mga sandaling ito. Bahala na.
Sa susunod ko na poproblemahin ang mga mangyayari dahil ang mahalaga naman ay ang ngayon. Mas mahalaga na nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko at nagagawa ko siyang pagsilbihan. Kahit sa ganitong paraan man lang magawa ko siyang alagaan at maipadama sa kanya ang alaga ng taong minsang naging importante sa kanya.
Papasok na sana ako sa banyo nang biglang may mag-doorbell.
Awtomatikong gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi nang maisip na binalikan ako ni Kassandra.
Halos liparin ko palabas ang aking kwarto makarating lamang agad sa main door ng bahay at mabilis na pinagbuksan ito.
"Kas---"
Agad na natigilan ako at gayon na lamang ang gulat nang bumungad sa akin na hindi si Kassandra ang dumating.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang mukha ng tao na isa sa naging dahilan ng trauma ko noon.
"Elena." Nakangiting pagbati nito sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Habang ako naman ay mabilis na nagbawi ng aking paningin at agad na napayuko.
A-Anong ginagawa niya rito?
Bakit siya nandito?
Paano kapag nakilala niya ako?
Hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Ang lakas lakas din ng kabog ng dibdib ko na halos gusto nang sumabog nito sa sobrang kaba na nararamdaman.
Luna.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan at ang mukhang iyon. Pati na rin ang mga ngisi niya na merong pagbabanta.
Dahan-dahan ko ring inihakbang patalikod ang mga paa ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Natatakot ako.
Natatakot ako hindi dahil sa pangambang baka makilala ako ni Luna. Ngunit takot na baka makilala niya ako dahil tiyak akong ito na ang katapusan ng career ko o maaaring baka worst na sila mam-bully ngayon.
"You're Elena, right?" Pagtanong nito sa akin.
Hindi ko magawang sagutin ang kanyang katanungin dahil pakiramdam ko manginginig din ang boses ko oras na ibuka ko ang dalawang bibig ko kaya nanatili lamang akong nakatingin sa kanyang mukha.
Napahinga ito ng malalim bago napailing.
"I'm sorry. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala. I'm Luna. Kassandra's best friend." Pagkatapos ay inilahad nito ang kanyang kanang kamay.
Napalunok ako at pinag-iisipan kung tatanggapin ko ba ang kamay nito o hindi. Pero ayoko namang maging bastos. Isa pa baka mas lalo akong pagdudahan kung hahayaan ko lamang na nakalahad ang kamay niya at hindi ko tatanggapin, right?
"Uhh y-yes. H-Hi Luna. I'm Elena." Utal na wika ko bago tuluyang tinanggap ang kanyang kamay.
Binigyan ako nito ng isang maamong ngiti na nagsasabing hindi niya ako nakilala. Pakiramdam ko unti-unti na akong nakahinga ng maluwag.
YOU ARE READING
My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) [ Currently Re-reading & editing ]
RandomI love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako makikilala. She is a superstar now. Hinahangaan, pinagkakaguluhan at tinitilian ng marami. Napakalayo...