CHAPTER 10

64 4 1
                                    

Grammatically errors ahead!

----------------------------------------------------------

Hindi madali para sa akin na aminin sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko kay boss Justin. Ito ang unang beses na nagka gusto ako sa lalaki, at naiinis ako doon.

Pero kahit inis na inis ako sa naramdaman ko, alam kong gusto ko ito.. gusto ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman kasi mahirap na mahulog sa kanya. Mabait sya, responsable, matalino, at alam nya ang ginagawa nya.

Siguro naiinis lang ako sa nararamdaman ko kasi alam ko sa sarili kong hinding-hindi nya ako titingnan bilang isang babae.

Hindi na natuloy ang pamamasyal namin ni boss dahil naka tanggap sya ng tawag at kinailangan na naming bumalik ng Manila.

Halos hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan. Naiinis din ako sa sarili ko. Nawalan ako ng kontrol sa emosyon ko. Hindi ko dapat ginawa iyon, kasi pag bali-baliktarin man ang mundo, amo ko sya at trabahor nya lang ako. Hindi ko dapat hinahalo ang emosyon ko sa trabaho ko. Wala na dapat akong pakialam kung gustuhin ni boss Justin na mamasyal kasama si Wendy, o kahit na sino pang babae.

"You're still not in the mood?" Tanong ni Stell sakin.

Nasa studio ako ng Sound Break. Busy sila ngayon, may kung anong ginagawa, wala naman kasi akong maintindihan sa ginagawa nila.

Tipid akong tumango sa kanya.

"Did something happened during the shoot?" Pang iintriga pa nya.

Napaka chismoso talaga!

"Wala!" Tipid kong sagot. Ayokong pag usapan 'yon. Naiinis lang ako lalo.

"Woah! Chill pare, parang mapapatay mo ako sa tingin mo ah!"

Napabuga ako ng hininga at tamad na tiningnan sya.

"May nagugustuhan ka ba?"

Kumunot ang noo nya. "Why?"

"Oo o hindi lang ang sagot, Stell."

Natatawa nya akong tinitingnan at napa hawak sa dibdib nya.

"Gagi, nahawaan ka na agad ni Ken. Bawasan mo kayang sumama dito, baka sa susunod kay Pablo ka na mahawa." Natatawa nyang sabi.

"Ewan ko sayo!" Inis kong sabi at pinag krus ang braso sa dibdib ko.

"Ano ba kasi'ng problema? Kahit si Justin, alam kong wala din sa mood..hindi nya lang pinapahalata."

Walang buhay akong napa buntong hininga. Naramdaman ko din 'yon. Nitong mga nakaraang araw ay hindi kami masyadong nag uusap. Kung mag uusap man kami ay tungkol lang sa trabaho.

"Napagalitan ka no?"

Malungkot akong umiling. Mas gugustuhin ko nalang siguro na pagalitan nya ako kaysa ganito..

"Shit pare! Did you confess to him?!"

Gulat akong napalingon sa kanya. Umawang ang labi ko, gusto kong mag salita pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"H-Ha?" Bangag kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tangina, pano nya nalaman?

Napatakip pa sya sa bibig nya, kalaunan ay tumawa habang naiiling.

Paano nya nalaman na gusto ko si boss Justin? Masyado bang halata? Pero hindi naman kami gaanong nag uusap nitong mga nakaraang araw, kaya paano nya nalaman?

"S-Stell--"

"Lagot ka kay Ken."

Putol nya sa sinabi ko at umiling. Kumunot ang noo ko. Anong kinalaman ni sir Ken dito? At bakit sya magagalit?

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now