Chapter 39

325 2 0
                                    

Tempting

Kinakabahan ako, lalo pa't matagal kaming nagkita ng parents nila, nuon pa 'yon. Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon ay naiinis pa rin sa akin si Maam Atheena. Alam ko marahil dahil sa estado ko sa buhay, estudyante pa kasi ako nuon pero ngayon magtatake na ako ng board exam.

"Doc, that's your?" tanong ng isa sa mga bisita nila.

"My wife..."

Ngumiti ako sa kanila at nakippagshake hands sa kanila, ngumiti sila sa akin pabalik. Ano nang sasabihin ko? Hindi pa naman ako sanay makipagsocialize ng todo, alam kong matataas din ang class nila.

"No wonder... magaling ka pumili ng babaeng mapapangasawa mo..." sambit nito sabay ngiti at napangiti rin ako sa kaniya.

"What's your name?"

"Lesha Liesiah po..." pakilala ko.

"What a wonderful name, huh... ang ganda ganda talaga niya!" puri nito. Dumalo na kami sa salo salo nila, kinakabahan ako. Hindi rin maalis ng iba ang paningin sa akin at ang pag-upo ko, suot ko ang binigay sa akin ni Vincent at siya na ang nag-ayos sa akin.

Bali kulay peach siya at mukhang formal naman talaga.

Siniko ako ni Sol, nandito siya sa salo salo at alam ko namang kasama niya si Attorney. "Kwento mo sa akin kung paano mo nabingwit ang pangalawang anak nila Sir Feliciano..." kombinse nito sa akin at natawa ako.

"Sus, maganda kasi ako kaya mabilis ko siyang napaluhod..."

Ngumuso naman si Sol, hindi ko na rin alam ang naging buhay niya simula nuon. Wala na kaming contact na dalawa, pati rin sila Sir Simon at Azel, aayain ko nalang sila kasal namin ni Doc Cutler. Hindi ko kasi alam kung nasaan na ba ang dalawang iyon.

"Navi!"

"Hello!" kaway nito. Nakasilk itong dress na pula, backless ito at naghuhumiyaw ang pagiging mataas niya. Napakagat ako ng labi dahil hindi ko siya close masyado, si Sol lang kasi nakakausap niya nuo, may iniabot siya sa aking nakabox.

Nagtaka agad ako dahil duon.

"Belated happy birthday pala, hihi..." sabay takip sa kaniyang bibig. Napakahinhin niya talaga, ngumiti ako sa kaniya.

"Salamat..."

"Ano ka ba, ayos lang... tyaka mamamanhikan na kayo hindi ba? Congrats!" sambit nito sa akin. "I forgot to give that kanina, so buti nalang naalala ko..."

"Ayos lang 'yun..."

"Tara na, kumain na muna tayo...."

Nang tumalikod si Navi ay siya namang paghawak ni Doc sa aking likod, nagulat ako dahil duon. Tumingin ako sa kaniya at seryoso din itong tumingin at ngumiti patunghay sa akin.

"Good evening, Mommy..." sambit ni Doc at nakipagbeso ito. Pagkatapos ay ako rin, nagtataka ako kung bakit napakagaan ng atmosphere ngayon. Anong nakain ng mommy ni Doc bakit ganun siya? Sumunod na rin ang magulang ko.

"Nay..." sambit ko at niyakap ito. Nang tumingin ako sa likod at nakita ko ang rebulto ng lalaki, tumingin ito sa akin at ngumiti, bakit bigla siyang naging emosyonal? Eto na ba ang Elizer na sinasabi ni Nanay sa akin?

Halata sa tindig ang pagiging mataas nito.

"Anak... mamaya tayo mag-uusap pagkatapos nito..." sambit ni Tatay sa akin at ngumiti ako. Kaagad ko siyang niyakap, ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.

"Tay..." sambit ko.

"Namiss kita..."

"Ako rin, nak... sorry ngayon lang si tatay mo..." sambit nito. "Ngayon lang kita nakilala at nakita, kung kailan nagpasya na akong ipapalit ang apelyido mo pero naisip kong ikakasal ka na sa isang makapangyarihang tao rito sa buong nueva ecija..."

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now