Chapter 38
We already submitted the pretrial brief. We just needed to attend the pretrial conference now. I didn't know why I was trying to psyche myself. Hindi naman 'to ang unang pre-trial ko. I'd done this before. I'd just to this again. But... who was I kidding? Iba 'to sa mga kaso na nahawakan ko. Hindi naman involved iyong ex-boyfriend ko sa mga kasong nahawakan ko dati. Of course, this case's going to be different! Niloloko ko lang ang sarili ko for thinking otherwise.
Sinilip ko muna ulit iyong sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng sasakyan. Diretso akong naglakad sa venue pero bago pa man ako makarating doon, agad akong napahinto dahil nakita ko agad si Samuel... kasama iyong nanay niya.
Shit.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. He already warned me, sure, pero iba pa rin na nandito na nakikita ko sila! Alam ko iyong itsura ng nanay niya kahit hindi kami nagmeet before. I used to ask Samuel tungkol sa nanay niya because I wanted to make a good impression kapag nagkita kami.
That ship has long, long sailed.
Muli akong huminga nang malalim. Wala akong choice dahil kailangan kong dumaan doon para makarating ako sa pupuntahan ko.
"Good morning."
Halos mapatalon ako nang marinig ko iyong boses ni Shanelle mula sa likuran ko. She looked so... fresh habang ako ay para nang mamamatay sa kaba!
"Shit," she said nang mapatingin siya sa gawi nila Samuel.
"Kailangan na nating pumunta," sabi ko sa kanya dahil ayokong nale-late kapag ganito. I didn't want to make a bad impression na tardy ako kapag may court appointments.
"I know," sabi niya. Tumingin siya sa akin. "Fair warning—"
"I know. She hates me."
Kumunot ang noo niya. "Okay... So, you've talked to Samuel, I presume."
Bahagya akong umirap. I still found it so freaking weird tuwing magpapahaging siya sa akin na kausapin ko si Samuel after ma-finalize ng annulment. Yeah. Because this would take a year at the very least (warp speed na 'yan.) Ang dami pang pwedeng mangyari sa isang taon.
Hindi na ako umaasa kasi feel ko si Samuel na talaga 'yung love of my life pero malay ko naman! Baka may iba pa! Kung hindi, e 'di work is life na lang talaga ako.
"Partly my fault, you know," she said as I was, once again, psyching myself up para magpatuloy sa paglalakad. "I told her that you're one of the reasons why my marriage was failing."
Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. "What?!"
She shrugged like it was so casual na sinabi niya sa nanay ni Samuel na ako ang dahilan kung bakit nandito kaming lahat ngayon para umattend ng pre-trial ng annulment proceeding nila!
"It's not like I can tell her that I have a girlfriend," she said in a low tone.
"Pero bakit kailangan ako?" I asked, frustrated, kasi kahit naiintindihan ko naman siya, still, bakit ako?!
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang tawagin ng Mama ni Samuel ang pangalan ni Shanelle. Shanelle stopped walking. Rinig na rinig ko na iyong tibok ng puso ko. Parang anumang oras ay tatalon na siya palabas ng dibdib ko.
"Ma," Shanelle said.
For fuck's sake.
Why was I feeling this way?
Of course 'yan ang itatawag niya! She's still her daughter-in-law. And she would probably always be her daughter-in-law because in the eyes of God, habang buhay na silang kasal na dalawa.
BINABASA MO ANG
Hate The Game (COMPLETED)
عاطفية(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan...