Shantelle Kristina
Muli akong napasulyap sa orasan na nasa dingding. Mag aalas onse na ng gabi pero wala pa rin si Ram. Dumating kanina si Ate Laarni para maglinis dito, pero umalis na rin ito ng mga bandang alas otso.
Muli akong umupo sa sofa at binuksan ang TV.
Shantelle hija, alam ko wala ka pang alam sa mga bagay na ito. Pero, pag aralan mo ng kumilos bilang may bahay ni Ram. Alam kong masyado ka pang bata para pag aasawa pero, nandiyan na yan eh, magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya. Nasa poder ka ni Ram kaya gawin mo na lang kung ano ang dapat para sa ikaayos ng pagsasama nyo. Huwag kang mag alala, alam kong walang gagawing masama sayo si Ram, dahil dala dala mo ang anak nya.
Napahimas ako sa tiyan ko ng muli ko na namang naalala ang sinabi sa akin ni Ninong noong dumalaw kami ni Ram doon.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Ram. Sinusubukan kong kilalanin sya pero paiba ibang ugali ang pinapakita nya. Minsan mabait ang pakikitungo nya sa akin, minsan galit lalo na kaninang umaga. Hindi ko alam kung bakit ganun ang pagsinghal nya sa akin, nagsasabi naman ako ng totoo pero hindi nya iyon pinakinggan.
Muli kong itinuon ang sarili ko sa panunuod pero hindi ko naman nagugustuhan ito Hindi ko alam kung ilang minuto na ulit akong naghihintay, hinahatak na rin ako ng antok kaya hindi ko na mapigilan ang namimigat kong mga talukap. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng kaluskos kaya muli akong napadilat at napatingin sa pintuan.
"Bakit gising ka pa?" Tumayo na ako nang pumasok na sa loob si Ram. Kinalas nito ang apat na butones ng suot nitong polo at tumungo sa kusina. Kumuha ito ng pitsel sa ref. at uminom.
"Kumain ka na ba? May pagkain-"
"Tapos na." agad na sabi nito pagkatapos uminom. "It's already late but why the hell you're still up? Alam mo namang bawal sa buntis ang nagpupuyat." naglakad na ito palabas ng kusina habang ako ay nanatiling nakatayo.
"H-Hinihintay kasi kita, anong oras na kasi." sagot ko. Huminto ito sa paglalakad at pumihit paharap sa akin.
"You don't have to." matigas na sagot nito saka ulit ako tinalikuran.
"Ram." habol ko dito. Gusto kong magpaliwanag sa kanya tungkol sa nakita nya kaninang umaga. Huminto ito sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod sa akin. "Yung kanina, nagsasabi ako ng totoo, naghahanap lang naman talaga ako ng mapaglalagyan ng basura, t-tapos nakita nya ako, tapos-" napahinto ako sa pagsasalita ng muli itong pumihit paharap sa akin at sumugod sa harap ko. Bahagya akong napaatras dahil sa galit na ekpresyon ng mukha nito.
Mataman itong tumitig sa mukha ko pababa sa labi ko. Umangat ang isang kamay nito at humawak sa baba ko. Hindi ko maiwasang mapalunok sa kakaibang titig na binibigay nito sa akin. Ilang saglit pa ay unti unti nitong inilalapit ang labi nito sa labi ko. Amoy na amoy ko ang amoy alak na nanggagaling sa hininga nito. Inilayo ko ang mukha ko sa kanya dahilan para matanggal ang pagkakahawak nito sa baba ko.
"Asawa na kita pero bakit ganito ang inaakto mo? Hindi kita mahawakan at mahalikan kahit pag mamay arina kita. Lalaki ako at meron akong pangangailangan pero bakit parang hindi ko pwedeng gawin yun sayo!"
Parang hinampas sa mukha ko ang lahat ng mga salitang binitawan sa akin ni Ram. Halos mag apoy sa galit ang mga mata nito. Wala akong mahanap na sasabihin at parang napipi ako sa takot dahil sa galit nito. Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko ng talikuran ako ni Ram.