Kasalukuyang tinitingnan ni Bryan ang katabi nyang upuan sa bus. Ilang taon na rin iyong bakante at ni minsan ay hindi nya pinauupuan iyon sa iba kapag nakasakay sya sa naturang bus. Hindi nya napigilan ang sarili na maalala ang ala-alang pinanghahawakan nya ngayon...
7 years ago
Nakaupo sya sa upuan na katabi ng bintana habang nakikinig sa I-pod nya. May dala syang dalawang paper bags na malalaki na naglalaman ng groceries na pinabili ng nanay nya.
Maya maya rin ay pinatay na nya ang I-pod nya ng may umupo sa katabi nyang seat.
Kung mukha't tangkad ang pagbabasehan, malalaman mong magkaedad sila.
Mukhang hindi maayos ang pakiramdam ng babaeng yon. Nakapusod ang buhok nya at may ilang strands na nakalawit sa mukha nya. Haggard at parang kagagaling lang sa iyak. Mapula rin ang maliit pero matangos na ilong nito. Maya-maya ay tinakpan nito ang bibig nya at parang anytime ay magththrow up ito.
"Aaaaggghhhkkk..."
Dali dali syang kumuha ng plastik sa paper bag at iniabot sa kanya.
Kinuha nya iyon at doon inilabas ang lahat-lahat.
Di nya napigilan ang mapangiti. Inalok nya ang babae na magpalit sila ng pwesto para mas maging komportable ang pakiramdam ng babae.
"Salamat ha.." sabi nung babae habang pinupunasan ang bibig nya
"Ayos lang." sagot naman nya habang inaabutan ng bottled water ang babae.
"Nakakahiya naman. Sa harap mo pa ako nagthrow-up." sabi nya pagkatapos uminom.
"Okay lang yun.Ilang taon ka na ba?"
"Thirteen.."
"Thirteen and yet you're still vomitting while inside a vehicle.? naaamaze nyang tanong.
Tiningnan sya ng matalim ng ng babae pero kalaunan ay tumawa rin.
"Hahaha. I have cough and colds right now at hindi rin maganda ang pakiramdam ko."
The girl smiled upon saying that and it made his heart beat abnormally.
Nagiwas sya ng tingin at kumuha ng ISKUL-BUKOL sa paperbag na dala nya. Inalok nya ang babae pero tumawa lang ito
"Ilang taon ka na?"
"Thirteen.? sagot nito na medyo nagaalangan.
"Thirteen and yet you're still eating that kind of junk?"
"Masarap kaya atsaka may free kaya to." defensive na sabi nya. Nagmadali syang ubusin ang laman at ipinakita rito ang nakuha nyang free.
"Wow. May ganyan pala yan? How dya know?" she said amazingly..
"Oo. May ganito to. Nalaman ko lang dahil sa mga batang nakikita kong bumibili nito sa tindahan kaya bumili rin ako. Oh... Sayo na yan."
"Thanks.... Kaya lang I have nothing to give you." sabi nito.
Naghalwat ito sa maliit na bag nito at nang walang makita ay napakamot ito sa ulo niya.