DOTA O AKO? [Part 2: ONE-SHOT---KATHNIEL]

7K 113 17
                                    

Mas pinili niya ang DOTA?

Hindi man lang niya ako sinuyo pagtapos ng gabing iyon?

Ni-sorry sa text o tawag, wala akong natanggap?

Ganoon na ba siya kasaya sa piling ng DOTA?

Na kahit ako, kinalimutan niya?

Putcha.

Kung dahil sa DOTA nagbago siya,

Gagamitin ko din ang DOTA para iparamdam sa kaniya ang sakit na ipagpalit sa larong kinaadikan niya.

~

"Turuan mo sabi ako eh."sabi ko kay Dom

"Ano ba Kath?! Papagalitan ako ni Pareng Daniel niyan eh. Hindi nga pwede."sabi niya

"Pano ka papagalitan noon? Wala namang pakialam sa akin iyon eh. Sige na kung ayaw mong supalpalin kita."sabi ko sa kaniya at umupo na sa harap ng computer

Halos araw-araw kong kasamasi Dom kakapractice ng hinayupak na DOTA. Hindi na nga ako umuuwi para kumain dahil kailangan kong ma-master ang larong ito.

"Kath, ready ka na ba?"sabi ni Dom sa akin

"Oo naman. Sigurado ka bang kasali diyan si Daniel?"ako

"Oo."siya

Nandito kami ngayon sa labas ng Iplay. Ngayon kasi ang araw ng DOTA Tournament.

"Edi tara na."ako

"Kath, wag nalang kaya."Dom

"Ano ba Dom?! Ngayon ka pa ba aayaw?! Nandito na tayo oh. Eto na iyon eh."ako

"Hindi mo kasi alam itong pinapasok mo Kath."sabi niya ng nakatingin sa akin ng diretso

"Alam ko ang pinasok ko Dom. Kaya nga nandito ako eh."ako

"Kung ayaw mo, ako nalang ang papasok."sabi ko at tumalikod nalang sa kaniya

"Sana di mo ito pagsisihan Kath."siya

Di ko nalang pinansin ang sinabi niya at pumasok na sa loob ng Iplay.

*wetwew*

Rinig kong sipol ng mga kalalakihan na nadaanan ko paakyat sa 2nd floor ng venue.

Sino ba namang hindi maaakit sa suot ko? Nakadangkal-skirt ako at tube na damit. O diba? Psh. Sinadya ko talaga ito para makita ni Daniel kung sino ang pinakawalan niya.

Napangiti ako noong mapalingon si Daniel sa akin. Umupo ako sa tabi niya at kunwari'y di ko siya nakita.

"Kath, anong ginagawa mo dito?"lalo akong ginanahan noong tinanong ako ni Daniel

"Maglalaro. Bakit?"sabiko sa kaniya sabay paikot-ikot ng buhok sa daliri ko

"Maglalaro ka ng ganiyan ang damit mo? Tangna. Umuwi ka at magpalit ng damit."siya

"At sino ka para pagsabihan ako? Buhay ko ito, kaya pabayaan mo ako."nginitian ko siya ng nakakaasar at ibinaling ang tingin ko dito sa katabi kong lalaki

"Hi sweeetie."sabi ng lalaki na nakatingin sa legs ko

Putcha. Nandidiri ako.

"Hi..."malamding sabi ko

Bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na iyong announcer na magsisimula na iyong game.

"Goodluck sweeetie."bulong noong manyak na lalaking katabi ko

Di ko nalang siya pinansin at nagfocus sa laban ko. Kailangan kong matali si Daniel. Kailangan kong maipamukha sa kaniya na mali ang kinalaban niya.

Pero nagulat ako noong may humawak sa legs ko habang naglalaro ako.

"Tangna! Alisin mo ang kamay mo sa legs ko. Ano ba??!"

Wala pang isang minuto na parang naging flash si Daniel at pinagsusuntok iyong lalaki.

~

"Pano ba iyan Daniel, talo ka. Kailangan mong sundin ang consequence natin."

Napatigil ako sa paglalakad noong marinig ko ang usapang iyon.

Nagtago ako sa likod ng pader at nakinig sa usapan.

"Hindi. Hindi ako papayag na makuha niyo siya sa akin. Give me a chance."rinig kong sabi ni Daniel

"I'll give you a chance. Pero ibang laro ang paglalabanan natin."

"Ano?"Daniel

"Magkita tayo bukas. Sa may bodega sa likod ng school. Wag kang magsasama ng iba. Ikaw lang."

"Osige."Daniel

"Tandaan mo, last chance mo na ito."iyon ang huling narinig ko.

Ayaw maagaw? Last chance? Anong meron? What the?

~~~~~

Wow. Natuwa naman daw ako sa feedbacks niyo sa Part 1 ;] May part 3 pa ito. Wait lang kayooow ;)

Salamat din pala sa mga nag-PM sa akin na gawin ko nalang itong long story. Pero I'm sorry. Hanggang one shot lang talaga ang keri ko XD ang dami ko na kasing on going eh.

Vote and Comment bago ang next Part :D

DOTA O AKO? [Part 2: ONE-SHOT---KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon