Chapter 17

1K 25 3
                                    

Gilded Urn

Alam na nila. I can sense their disbelief... the hint of protest in their perturbed eyes... and I understand. 

Naiintindihan ko dahil ganyan din ako noong una. Hindi ko agad magawang aminin sa sarili ko na may namamagitan sa aming dalawa dahil hindi ako makapaniwala. Na kahit ano pang kumpiyansa ko sa sarili ko, na kahit gaano na ako kasanay ligawan ng mga mayayaman, iba pa rin si Russel... dahil Hermedilla siya. 

At dahil sa nangyari kay Audrey, nahihimigan ko ang pag-aalala nila. They want to protest but I didn't look open to that. Matagal na kaming magkakaibigan at marami na kaming pinagdamayan, pero sa pagkakataong ito, nabibingi ako. Kahit pa sabihin nila sa akin na itigil ko na, hindi ko magawa. Ayaw kong itigil ito. Ayaw kong matapos kami. 

At... kaya ko naman siguro ang sarili ko. Kung may maling gawin sa akin si Russel Hermedilla, kahit katiting, aalis ako. Kung ayaw ng pamilya niya sa akin at hindi niya ako piliin, mauuna akong maglakad palayo. 

Kaya... kaya ko 'to. Alam ko ang ginagawa ko. 

"Imara..." 

Naalimpungatan ako. Bumaling agad ako kay Audrey, nag-aalala na may nangyari sa kaniya pero tulog siya. Napalingon ako kay Denise nang hawakan niya ang balikat ko. 

"Umuwi ka na muna. Ako na rito. Maaga ka pa bukas. Gabi pa ang shift namin sa restaurant." 

"Hindi. Ayos lang. Uuwi na lang ako mamayang madaling araw tapos diretso pasok na."

"Magpahinga ka na muna. Alam kong nastress ka kay Audrey kanina dahil ayaw magsampa ng kaso. Bumalik ka na lang bukas kapag kalmado na kayo pareho."

Denise is as fiery as me. Pero sa pagkakataong ito, ako ang mas namomroblema na ayaw magsampa ng kaso ni Audrey. Pinipili ni Denise na intindihin siya, pero hindi ko kaya 'yon. Perhaps it's because I was the one who had an experience at how unfair and infuriating it is to see the rich get away from their sins. Yes, she most probably experience it, too... at a daily basis, even. But I felt it to the bones... grazed my skin... it even scarred my soul. 

Noong umalis ako ng bahay, hindi naman nahuli ang lalaking kumupkop sa akin. Umalis lang ako at nagtago. Ganoon din ang asawa niya na siyang naging mabait sa akin. Hindi ko gustong magkahiwalay kami, pero alam niya hahanapin siya ng asawa niya, at ayaw niya akong madamay pa. She's dead now, while her husband married another woman. With kids. Breathing and thriving. 

Nakakagalit isipin 'yon. Kaya ayaw na ayaw kong nagpapaapak sa ibang tao. Pilit kong itinataas ang sarili ko. Kaya hindi ko magawang magparaya gaya ng gusto ni Audrey. Makapangyarihan ang kalaban niya, pero kung hindi siya lalaban, magpapatuloy lang ang ganitong sistema. 

Or maybe I'm pressuring her too much. She's still in recovery. But then I just want justice for her. I hate that she was wronged. Bumuntong hininga ako. Hindi ko na alam. Baka nga kailangan ko munang itulog ito. 

"Sige... uuwi muna ako. Babalik ako bukas ng umaga bago pumasok."

Tumango siya. Tumayo na ako at kinuha ang bag, ramdam ang tingin sa akin ni Denise. Bago ako umalis, nilingon ko siya. 

"Pasensya na kung hindi ko sinabi sa inyo. Sasabihin ko naman talaga pero... hindi ko alam kung saan magsisimula."

Tumikhim siya. "Naiintindihan ko. Pero, Imara, mag-iingat ka. Kung kayang gawin ito ng mga Fortunato, paano pa kaya ang... mga Hermedilla... lalo pa't sabi ni Ronnie, gusto nga ng pamilya niya ang heridera ng mga Arguelles."

Saglit akong napaisip. Totoo naman ang sinabi niya. But then, I couldn't picture Russel hurting me. He defended me many times before even with the sacrifices it entailed. Pero kung gusto nga siyang ipakasal sa mga Arguelles, tiyak na hindi ako tanggap ng pamilya niya. 

The Lies of a Kiss (Casa Fuego Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon