Chapter 40
Everything happened so fast, they got me out of the abandoned building and accompanied me to Ronouas Security Company. They interviewed me and asked me a lot of things, sa sobrang gulat ko sa sunod-sunod na pangyayari kanina, ni hindi ko na pinansin ang pagkasira ng lugar. Ngayon na lang bumalik sa akin ang itsura no'n kanina, pinasabog ata talaga nila ang buong lugar, at wala akong ibang nakitang tao roon maliban sa mga tauhan ng Ronoua.
Ibig sabihin iisa lang talaga ng kidnapper roon? Wala siyang ibang kasama? May kasabwat siguro pero wala roon, siya lang talaga ang kasama ko ng isang linggo. Bigla na lang siyang lumabas ng kwarto nang sabihin niyang papatayin niya ako, tapos ay sumabog na ang mga bomba sa paligid.
The whole building almost got destroyed, the cements and other parts of the building scattered everywhere. Na kung hindi ako agad nailabas nila Castiel ay baka natabunan na ako ng paguhong gusali.
"Paano niyo nalaman kung nasaan ako? At na kidnap ako?" ako na ngayon ang nagtatanong.
Lumakad-lakad ito sa harap ko, at parang malalim pa rin ang iniisip. He is still in his armored uniform except the bulletproof suit. They have the same design of uniforms as the military but their color is black. Making it more slick and pleasing in the eyes.
Sa pagitan namin ay ang mahabang mesa, para akong nakadetain dito at tapos na nilang na kwestyon.
"I called you right? When your car crashed." sagot nito. Napatango ako nang maalala na kausap ko nga pala siya noon.
"We already got an info that a syndicate or a big group of merchants will make a move, You were the chosen victim this time." patuloy niya. Muling gumapang ang panlalamig sa katawan ko.
"B-Bakit ako?" naguguluhan kong tanong.
Umiling ito at yumuko. Naglabas siya ng buntong hininga, na parang kahit siya ay hindi pa maresolba-resolba ang problema.
"We are still investigating, there could be a more dangerous stunt they are planning. For now you need to lie low, you will be escorted by the team, but you still need to minimize your actions. Hindi pa natin alam kung sino ang mastermind ng kidnapping, kahit patay na ang kumuha sa'yo—"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "P-Patay na siya?! Ang kidnapper?!" gulat na gulat kong putol sa kanya.
Right, I didn't see him earlier when I went out, nasabugan ba siya? Binaril?
Natigilan ito sa reaksyon ko. "Yes, Yara. He's dead." paninigurado niya.
Napa-iwas ako ng tingin at napalunok, wow that was so fast. Ako dapat ang papatayin niya, pero siya ang namatay?
"You need to rest, nakabantay na ang team sa buong bahay niyo. Ihahatid ka nila, at hindi ka pwedeng lumabas ng bahay na walang kasama. O ipapaalam mo lahat sa akin, especially Caden is not around you are now under my responsibility..." halos hangin na lang ang lalabas sa mga huli niyang sinabi. Kusa siyang tumigil mag-salita nang parang may nasabi siyang hindi dapat.
Caden is not around?
Imbis na ituloy ay sasabihin ay naglakad na ito papunta pinto, at nagtawag ng tauhan. "Escort her, she will go home now." ani to sa pumasok.
Para akong lutang at natulala bigla, as much as I want to ask him about Caden lumabas na ito ng kwarto agad. Parang bigla akong iniwasan, o naguilty sa sinabi. Inihatid na nga ako pauwi ng bahay, I was accompanied by two black SUV. One in front, and one in the back.
Nang makarating ako ng bahay ay sinalubong ako agad nila Mommy, umiiyak ito nang makita ako at agad na niyakap. Kahit si Daddy ay hindi na maipinta ang reaksyon.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomanceAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...