Grace's POV
Ilang days na lang at aalis na ako, hayy.. sana naman maging ok na ang lahat bago ako umalis. Pero bago iyon, kailangan ko munang makipag-usap kay Belle, para na rin sa kapanatagan ng kalooban ko. Ewan ko ba kung bakit ko pa kailangan gawin ito, to think na siya ang karibal ko sa puso ni Danielle. Gayunpaman, ito lang ang alam kong tama, at makapagpapasaya sa taong mahal na mahal ko.
------------------
Belle's POVSobrang sakit pala ng ganito, na makita mo ang taong mahalaga sa iyo na may kasamang iba at alam mong masaya siya. Siguro ito na iyong karma ko sa mga ginawa ko sa kanya before. Naging duwag ako, hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. Hindi ko din binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na maging masaya kasama siya. Anu nang gagawin ko ngayon?
-----------------------------
Danielle's POVNakakalungkot lang at kailangan niya pang umalis. Kung pwede lang sanang piliin ang taong mamahalin, sana hindi na ako nahihirapan ng ganito. Sana, wala ng damdaming masasaktan. Pareho silang mahalaga sa sakin, si Belle na unang beses ko pa lang nakita, alam kong siya na. Pero hindi ako pinalad na mahalin din niya, at ngayon nandito na ulit siya. Binuhay muli ang pag-ibig na dati ko ng isinantabi mula ng hindi na kami magkita.
Si Grace, na palaging nariyan sa lahat ng oras. Sa mga panahong kailangan ko ng masasandalan, makakausap. Sinubukan ko, pero kailanman hindi ko naramdaman yun feeling na naramdaman ko before kahit sa past relationship ko. Siguro, we're meant to be the best buddies lang talaga. Pero nakakalungkot isipin na aalis na siya, at dahil iyon sa akin.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko, umaga na pero hindi pa ako nakakatulog. May pasok pa ako mamaya, malamang zombie mode ako nito. Hindi ko alam kung anu ng gagawin ko. Dapat maging masaya ako kasi madalas na kaming magkakasama ni Belle, but on the other hand, nalulungkot ako, kung bakit kasi kailangan meron pang masaktan.
--------------------
Belle's POVBakit kaya wala pa siya? Hindi naman siya nale-late. Hindi pa kasi ako nakakalipat sa place niya, eh di sana hindi ako nag-aalala sa kanya. Haayy
Bakit ka ba nag-aalala sa kanya, may Grace na siya di ba?
Yeah right, bakit pa nga ba?
Don't tell me umaasa ka pa?
Gusto ko lang malaman ang totoo, kung may relasyon nga sila. Kung wala na ba talaga akong puwang sa puso niya.
Pagkatapos?
Hindi ko na alam.
Natigil ang pag-iisip ko ng may sumagi sa braso ko ng dumaan. Si Danielle!
Teka, parang may kakaiba sa kanya, para siyang zombie kung maglakad at mukhang wala pang tulog."Sorry" mahina niyang sabi at nilingon ako
"Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanung ko
"Yeah, don't mind me" at nginitian niya akoMukhang pinuyat ni Grace ah,
"Tama na nga!" Pagsaway ko sa isang bahagi ng utak ko, at hindi ko inaasahan na medyo napalakas ang pagkakasabi ko.
"Huh?" takang tanung niya sa akin, "tama na ang alin?"
"Tama na ang-" nakatitig siya sa akin, "ang pagpupuyat mu, ang laki ng eyebags mu oh"
Ngumiti lang siya at , "hindi na po mauulit.."Naramdaman ko naman na namula ang pisngi ko. Nakakahiya ka talaga Belle. Minamasdan ko lang siyang lumakad ng parang zombie habang palayo ng bigla siyang tumigil at lumingon sa akin.
"Tara na, pasok na tayo" pag-aaya niya.
Lumakad ako palapit sa kanya, at inalalayan ko siya. Mukhang hindi niya na kayang lumakad, hindi naman siya tumanggi.
BINABASA MO ANG
The Boss
Short Story"Always expect the unexpected." pwedeng yung taong kinaayawan mu noon, ay yung taong mamahalin mu ngayon. life is simple yet so complicated. We'll never know when, where, how and to whom we may fall in love. Kaya dapat I-enjoy lang yung feeling, wa...