Chapter 40

358 4 0
                                    

Affection

"Ikakasal ka nga talaga, anak..." emosyonal sa sambit ni Nanay sa akin. Niyakap ko si Nanay at Tatay pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Nay, kapag po may sarili na po akong pamilya hindi ko naman po kayo kakalimutan..." matamis na sabi ko sa kaniya.

"At hindi ko naman pababayaan ang Nanay mo, anak..." singit ni Tatay. Sa loob ng isang buwan, pinakita ni Tatay na worth it nga ang pagtanggap ulit namin sa kaniya. "Nag-usap na rin kami, gusto kong makasal ulit kami ni Bonita... I want to treat her like a queen, bagay na hindi nagawa ni Juaqin..." sambit nito.

"Salamat po, Tay.. maaasahan ko po 'yan," matamis na sambit ko sa kaniya. Hindi na ako mangangambang baka saktan na naman niya si Nanay, alam ko... alam kong mapagkakatiwalaan ang totoong tatay ko.

"Sobrang gaan din ng loob ko sa asawa mo, anak... sobrang bait niya..."

Ngumuso ako.

"Syempre naman po, Nay. Hindi ko naman po iyon magiging asawa ko kung hindi siya mabait. Ang sabi ko naman po sa 'yo, makakahanap po ako ng mabait na pogi..." biro ko.

"Oo naman, hindi rin kami papayag kung sa tambay kalang mapupunta, ayaw ko ng maulit sa 'yo ang nangyari sa kamay ni Juaqin."

Niyakap ko siya, inayos niya ang aking putting gown. Napanguso ako, baka masira ang aking make up kung iiyak pa ako. Sobrang namiss ko talaga si Nanay.

"Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa tabi mo, anak..." sambit nito sabay ngiti. Kumunot ang aking noo.

"A-ano pong kinalaman ni Doc dito? Paano po kayo bumalik sa akin Nanay?" tanong ko sa kaniya. Hinagkan niya ako.

"Siya ang gumamot sa akin, siya lahat ang gumawa ng paraan para makabalik ako sa dating lakas ko... siya lahat ang gumawa ng paraan para makilala ulit kita..."

"N-nay..."

"Shhh... sobrang deserve mo ang lalaking iyan, kahit nasaktan siya dahil sa iniwan mo siya... may isa siyang salita sa 'yo... m-mahal ka niya kahit ganuon na walang kasiguraduhan ang lahat, ginawa niya lahat."

Napangiti ako, hinawakan niya ang aking likod ko dahil sa panay ang aking hikbi.

"Nasa tamang tao ka na..."

"S-salamat Nay..."

"Ako dapat ang magpapasalamat sa 'yo, buhay pa ako dahil sa 'yo..." sambit nito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.

Abot ang aking kaba habang hawak hawak ang bulaklak sa aking palad, nakataklob ng putting kulambo, unti unti akong lumakad habang nanduon si Doc sa dulo na naghihintay sa akin. Nakita ko ang pagngiti niya sa akin.

Kinuha ako ni Tatay, papunta kung saan nanduon ang pari, si Doc na naghihintay sa akin. Habang tumutugtog ang 'beautiful in white'

Nakatugtog iyon sa piano, habang lumalakad papuntang altar. Nakatingin sa akin lahat, nandito lahat ng mga blockmates ko. Lahat lahat.

Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak

Nakatitig ito sa akin, napangiti ako sa kaniya kahit nasa malayo pa lamang ako.

In that very moment I found the one and
My life had found its missing pieceSo as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now