"Miss mo na rin siguro yung paronda-ronda dito?" Ngumisi ako kay Yandiel na nilalaro ang mga damo sa graduation site kung saan kami nakatambay. Naninibago ako sa panahon ngayon, kitang-kita ang pagsikat ng araw pero ang lamig.
"Ikaw, ah. Mami-miss mong magpatrol dito tuwing gabi kapag naka-graduate ka na."
I laughed. Parang bata niyang iniipon ang mga dahon sa gawi niya gamit ang isang stick. I noticed how he grew taller in the past months. Kung dati ay naabot ko siya, ngayon ay hanggang balikat na lang ako. Kaya pala basketball player siya dati.
Pareho naming pinagmasdan ang mga naglalakihang mga truck na dumadaan sa highway. This man has been through a lot and I witnessed everything, the pain he has been and his smile slowly fading away until the death of Aiden. Alam ko ring mas saksi ang Diyos kaysa sa akin.
He's an all-knowing God, He witnessed Yandiel's bad works before, He saw his process of changing after his salvation. God is the Witness of everything, kung mahirap sa aking nakikita si Yandiel na naghihirap sa buhay, walang makain at hindi magkapag-aral, alam kong mas mahirap sa Diyos 'yon.
"Lilipat na si Yena sa dati niyang school doon sa Munoz. Kung kakayanin, baka makapag-aral na ako ulit sa susunod na taon," he said then chuckled lightly. "Kung kakayanin kong mapagsabay yung pag-aaral, trabaho tapos yung kapatid ko, bakit hindi?"
Tumingala ako at ngumisi. "Kasama mo naman si Lord, bakit hindi, 'di ba? Mabilis lang naman ang panahon. Babalik ka sa pag-aaral ta's makapagtatapos ka rin," lintanya ko at inakbayan siya para guluhin ang buhok. "Tapos magiging teacher ka, mamumuhay nang maunlad tapos pwede ka nang mag-asawa."
"Sa pagkakaalam ko kasal na 'ko?"
Tumawa ako at binatukan siya. "Syempre yung bongga dapat, medyo partial pa lang 'yon. Technically?"
We were both in love, the fire in my heart every time we're together, everytime I look into his eyes proves it. There's still this unexplainable nervousness that is within me, hindi ko man maipaliwanag, pero naroon pa rin yung kaba at mabilis na tibok ng puso kahit sobrang tagal na naming nagkakilala. Siguro dahil mahal ko nga talaga siya.
"Yandiel?"
"Hmm?"
"Could you keep holding on?" I asked him out of nowhere. "I was so cowardly. Despite your situation, I was asking you to keep holding on. Makasarili na yata ako."
Narinig ko ang mahinang paghinga niya matapos humugot ng isang damo. Hindi siya sumagot kaya't napalunok ako. I feel so selfish, and so stubborn.
Muli siyang humugot ng damo at huminga. "Is there something upsetting you?"
That leaves me at a loss of words. I don't know. All my life, I was so relieved, I have God and Him alone. I was stuck in conditioning my mind not to be scared because that concept doesn't come from God. Yet, there are times where He wills people to be scared so they won't brag and disregard His glory. Feelings were deceitful, it's unreliable.
"Hindi pa ako nangangako, Deborah. Ayokong mangako kasi hindi din naman matutupad. Simula nang nakilala kita, simula nang ipinakilala mo sa akin ang Diyos natin," mahina niyang saad.
"I made a covenant with you, with our Lord in the center. Sabay tayong sumumpa sa Diyos. Kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa atin."
Hindi ko maalis ang aking tingin kay Yandiel hanggang tumulo ang aking luha. Mabilis akong yumuko at nakangiting pinunasan iyon. Medyo nasaktan ako dahil ikinaila ko siya na baka sumuko siya. We made a covenant, how can I forget about it?
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Espiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...