25: Too
"Are you alright?" Tanong niya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik.
"Sayang 'to wag na wag mong basta bastang binibitawan." Napaiwas ako ng yakap nang may nagsalita sa likuran ko. Agad akong napalingon sa likuran ko.
Sino 'to?
Pinulit pa niya ang mga nabitawan kong technical pens at measuring equipment.
She's also tall. Kasing tangkad siguro ni Saydie at aaminin ko ang ganda din niya. Pogi pa.
Bigla namang may tumakip sa mga mata ko.
"Anong tinititigan mo?" Naramdaman ko ang pagbulong ni Saydie sa tenga ko. Napatitig ba ako? Nagulat lang ako sandali dahil marami pala talaga sila dito?
Wait…baka nagiisip na naman ako masiyado, o nagiging judge na ako, what if she's straight? O girlfriend ni Saydie? Hindi naman diba?
Napasinghap ako nang hilain ako ni Saydie paikot at paharap sa kanya at biglang pinitok ang noo ko.
"Ouch." Bulong ko.
Pero seryoso lang ang mukha at tingin niya sa akin. Ano na naman ginawa ko?
"Tara na?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa likuran niya. Dalawa pala ang kasama niya at hindi ko manlang napansin. Ibinigay naman ng isa ang mga gamit ko kay Saydie.
Hindi ko sila napansin talaga kanina.
"Let's go, o may pupuntahan ka pa?" Napalingon ako kay Saydie at umiling bilang sagot.
Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya kaso nahihiya ako.
Naglakad kami at nasa likuran lang ang dalawa niyang kasama.
"They are my friends and classmates."
Napaangat ang tingin ko sa kanya at tumango bilang sagot.
Ano kaya mga pangalan nila?
Nang makalabas kami ng building ay napalingon ulit ako sa anino namin sa lupa. Mabuti pa dito parang magkahawak kamay kami.
Hindi ko maiwasang kiligin.
"Hindi ka ba nagutom?" Tumigil lang ako nang magsalita siya.
"Ah kumain naman ako before class," sagot ko.
"Ah, gutom ka pa ba? Baka nabitin ka kanina." Napalingon ako sa isa sa mga kasama niya. Hindi 'yong mga kumuha ng gamit kong nabitawan na ngayon ay na kay Saydie na.
"Hindi na po," sagot ko.
"Po? Haha we are the same age. No need to be magalang," sagot niya. Nahiya tuloy ako.
"Mauna na kami," sabi ni Saydie.
Kami?
"Daya! Geh ingat kayo!"
"Izzy? Let's go?"
Tumango ako bilang sagot sa kanya. Kinuha naman niya bigla ang bag ko.
"Wag na, marami na ngang binubuhat yang isang kamay ko. Wag na," sabi ko.
"Okay lang, mabigat kasi bag mo."
How can she be so caring?! Nakakainis. Ganito ba siya lumandi?
"Ak–ako na Saydie."
"Izzy."
Biglang lumalim ang boses niya at sobrang seryoso ng tono ng boses niya nang bigkasin niya pangalan ko.
"Salamat," sabi ko at wala na akong ginawa.
"Matagal mo na ba silang kaibigan?" Tanong ko.
"Ah yeah, since senior high," sagot niya. "Nga pala, are you okay? You look worried."
Naalala ko na naman ang mga sinabi sa akin ni Daphne.
"Ah wala," sagot ko.
"Any problems with your plates?"
Umiling ako.
Si Daphne lang naman at itong nararamdaman ko para sayo, Saydie.
"With our major sub?"
"Okay lang ako Saydie."
What if, landi lang pala 'to. Nag-aaway pa kami ni Daphne. Napatingin ulit ako sa anino namin. Sobrang lapit namin.
Papakawalan ko pa ba 'to?
"Okay." Nakangiti niyang sabi.
Nakalabas kami ng University at agad kaming naglakad papuntang sakayan. Nakasakay naman agad kami ng bus.
"Thank you," sabi ko nang makaupo na kami.
"Anong oras nga pala natapos klase mo?" Tanong ko.
"Ah 5," sagot niya.
"Five?"
Ano pa ang ginagawa niya dito sa University?
"Tapos nagtrabaho ako, I'm one of the scholars."
Oo nga pala, nakalimutan ko.
"Eh di pagod ka?"
"Not really."
Umayos ako ng upo at bigla niyang isinandal ang ulo niya sa ulo ko.
Sana hindi niya naririnig kung gaano kalakas tumibok ngayon ang puso ko. Nilaro laro ko ang mga darili ko dahil hindi ako mapakali.
"Saydie." Pagtawag ko sa kanya nang huminto na ang bus. Nandito na kami.
"Oh, sorry," sabi niya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at parang naistorbo ko siya. Nakatulog pala siya. Nauna siyang tumayo at kinuha mga gamit ko.
Bumaba na kami at nagsimula nang maglakad. Sana sa susunod sa apartment building na sana huminto kaso hindi makakapasok ang bus sa eskinita papunta sa amin.
"Saydie, I like you."
Tumigil ako sa paglalakad para sabihin iyon. Hindi ko na kasi kaya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na hindi ko na alam ang gagawin. Mababaliw ako kapag hindi ko sabihin sa kanya.
I was drunk when I told her I liked her before.
Ngayon hindi ako lasing.
Napatigil rin siya sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa akin.
"I like you too."
Natulala ako sandali sa sinabi niya.
Pero paanong gusto Saydie?
–
