Chapter 45

79.2K 2.1K 1.1K
                                    

Chapter 45

I could not, in good conscience, leave my mother here.

Pagkatapos naming mag-usap, bumalik ako sa may hotel. Doon ako natulog. Nagstay lang ako doon hanggang sa dumating iyong araw na dapat babalik na ako sa Manila. Kasi nandoon pa iyong apartment ko. Nandoon iyong buhay na nabuo ko.

Pero hindi na ako naka-balik.

Instead, dinala ako ng mga paa ko pabalik sa bahay namin.

Hindi ako tinanong ni Mama kung bakit ako nandon. She just prepared food for me. We talked about Papa. We talked about the good old times. Umiwas muna kami sa mga masasakit na topics. Parang okay lang naman 'yon. Kasi hindi naman din dapat laging magfocus sa masama, sa pangit.

Maigsi lang ang buhay.

I wanted her to live a good life.

Two months after, bumalik din ako sa Manila kasi tapos na iyong lease ko. I needed to pack my things. Ang dami ko rin palang gamit. I figured I'd just donate the other things na hindi ko kayang dalhin pabalik sa Mindoro.

I was in the middle of packing my things when I heard a knock.

Mabilis na napaawang iyong labi ko nang makita ko si Samuel na nakatayo sa labas ng pintuan ko.

"Hi," he said, breaking the awkward silent.

"Hi," I replied, my forehead slightly creased at the confusion.

Bilang na bilang ko sa isip ko kung ilang oras kaming nakatayo lang doon. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin. Papapasukin ko ba siya sa loob? But I knew I shouldn't. He's still married.

"How did you know that I'm here?" I asked just for the sake of asking. I couldn't take the silence and his stares.

He looked a bit uncomfortable. Pareho lang naman kami. It's been months since we last saw each other. It's good for us—or at least good for me. I really didn't know what exactly he felt about me. Pero ako, alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin siya...

So, the distance was good.

I had time to go back to my old hobbies.

Meet up with my old friends.

Spend time with my mom.

It felt like... me.

Before all the law school and the troubles.

Nakaka-miss din talaga nung mga panahon na simple lang ang buhay—na ang tanging problema ko lang ay kung mahuhuli ako ni Mama kapag tumatakas ako sa gabi para i-meet iyong mga kaibigan ko dahil gusto naming mag-inuman sa dalampasigan.

"Your mom called me."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "What? Why?" I asked, confused kung bakit bigla siyang tinawagan ni Mama.

"She just... wanted me to know that you're in Manila."

"Yeah... but why?" tanong ko. "Saka paano niya nalaman iyong number mo?"

"I used to send her updates before," he said. "Kapag masyado kang busy sa school, nagmemessage ako sa kanya na okay ka lang naman at busy lang talaga."

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ni hindi ko nga alam na may ganito palang nangyayari dati. I would have never suspected it dahil alam ko naman na hindi talaga gusto ni Mama na may boyfriend ako. Hindi niya ako pinagbawalan, pero alam ko rin na kung siya ang masusunod, mas gusto niya na single ako.

Distraction lang daw, pero admittedly, law school was a lot more bearable when he came into my life... until he became the very thing that made it unbearable.

Hate The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon