27

550 26 0
                                    

27: Cousins

Pagkatapos ng first and third exams namin ay tumambay lang muna kami ni Eya sa library. Binasa namin ulit ang mga notes at marami pala akong maling nasagutan. Pero kampante rin akong mas marami ang tama kong nasagot.

"Grabe, ayoko na," sabi niya. "Mababa pa grades ko sa mga plates ko." Parang naiiyak na siya. Hindi ko tuloy maiwasang maging nega rin.

"Mabuti pa ang iba 'no parang hindi mahirap sa kanila?" Patanong niyang sagot.

"Bili tayo ng milk tea?" Tanong ko.

"Wala akong pera," sagot niya.

"Libre ko na , tara," sabi ko. 

"Ayan ang gusto ko." Natatawa niyang sabi at napailing-iling lang ako. 

Tatayo na sana kami ng dumating sila Jerry, mga lalaking kaklase namin. Anong ginagawa nila dito? Mga bully pa naman ang mga 'to.

"Oy, Izzy." Nakangiti niyang pagtawag sa akin. 

Anong kailangan niya? At ng dalawang kasama niya? I'm not really close with our boy classmates dahil mga pasaway sila. Hindi naman ako nito pinpansin dati.

"Rinig ko may girlfriend ka raw." Pabulong niyang sabi.

"Saan naman galing yan?" Tanong ko. 

Hindi pa naman kami kami ni Saydie diba? Baka kapag marinig niya 'to sa iba sabihin niya na kung ano pinagkakalat ko. 

"Why choose girls? They don't have dicks." 

Natulala ako sandali sa sinabi niya at nagtawanan pa sila. Nandito kami sa reading area ayoko sanang gumawa ng gulo pero ang bastos niya.

"Sayang–" hindi ko siya pinatapos magsalita at sinampal ko siya agad.

"Girl." Hinila naman ako palayo ni Eya. 

"You bitch–"

Susugod na sana siya nang may humawak sa balikat niya. Si Saydie.

"Ginugulo ka ba?" Tanong ni Saydie sa akin. Kinabahan naman ako nang harapin siya ni Jerry.

"Ikaw ba ang girlfriend? I know you. You're from section B right."

Agad akong pumunta sa tabi ni Saydie nang itulak siya ng mahina ni Jerry.

"Yeah but who are you?" Sagot ni Saydie. Hinawakan ko ng braso niya.

"Alam mo ang sexy mo pa naman, sayang," sabi ni Jerry habang tumatawa kasama ang dalawa kong kaklase.

"Hey, watch your mouth." Natulala ako sandali nang may tumulak kay Jerry at muntik nang sumugod ang dalawa niyang kasama. Pero apat pala ang kasama ni Saydie and its her cousins.

"Laban ka?" Tanong ng pinsan ni Saydie kay Jerry. Humakbang naman sila paatras. 

"Tara na, baka mapagalitan tayo," sabi ko at hinila si Saydie tapos sinenyasan ko si Eya na sumunod. May papalapit kasing librarian sa amin. 

Mabuti nalang ay nakalabas agad kami na hindi tinatawag.

"Girl, bag mo," sabi ni Eya at binigay sa akin ang bag ko. 

"Salamat Eya," sagot ko. 

Tumingin ako kay Saydie.

"Are you okay? Ginugulo ka ba ng mga 'yon?" She asked. Umiling ako bilang sagot.

"Hayaan na natin sila, ganon lang talaga sila," sabi ko.

She looks pissed. Siguro sa sinabi ni Jerry. Kahit ako sobrang nagalit ako sa sinabi niya.

Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon