Nakabalik nako nakita ko sya wala pading pinagbago ganun pa din. Pogi, matangkad, mabait pero may nililigawan na, nakita ko yun sa isang post niya.
Grade 10 nako ang gusto ko pa din ay siya hindi yun nagbago baka dahil siya ang first crush ko nong bata ako, lakas naman ng epekto niya sa akin. May kasabihan kasi first crush never dies kaya ayun ang hirap niyang kalimutan.
At grade 11 nakita ko ulit post niya and jowa niya na si girl, well it hurt abit kasi umasa umasa rin naman ako na kung sana nagstay ako dito sa probinsya naka naguusap pa kami at madevelop ang feelings ko sa kanya.
Were both grown up now he's happy so i am. Kasama niya ang girlfriend niya at ako masaya magisa.
Matagal nang sarado ang kwento namin ngunit hindi pa ito tapos kaya't ito ay tatapusin ko na, maging masaya ka.

YOU ARE READING
Pagsarado sa huling pahina ng naiwan nating istorya
Short StoryAkda ni Zara, Lady Nichole P. (ABM 12-C)