C H A P T E R 1
T h i r d p e r s o n 's PoV
"Papa,why I a'm doing this things?"tanong ng isang cute na batang babae sa isang lalaki.Kasalukuyan silang nag-eensayo ng mga martial arts at iba pang defense mechanismn sa isang puro salamin na silid,maraming ilaw at mga kagamitan na kakailanganin nila.
Pagkatapos mag-ayos ng papa nito ng gagamitin nila para sa gagawin nilang pag-eensayo ay lumapit ito sa anak nito at binuhat.
"Para hindi lang si Papa ang proprotekta sa Mama di'ba??"nakangiting saad nito.Tumango-tango nman ang bata at binigyan ng halik sa magkabilang pisngi ang Papa nito.
*TSUP!* *TSUP!*
"Haha para saan 'yon??"tanong nito.
"For being a good Papa to me and a good Papa to Mama!hihihi."humagikgik naman ang bata at kinurot-kurot ang pisngi ng ama nito.Ngumiti naman ang ama nito at ginantihan ng halik sa noo ang bata.
"And that for being a good daugther to us..."ngumiti naman silang dalawa.Binaba na ng lalaki ang bata at inalalayan ito sa isang tabe upang isuot ang malilit na boxing gloves at shoes.Halos lahat na yata ng pwedeng ituro sa bata ay tinuro na ng lalaki sa anak nia.
Pitong taon palang ang bata pero marami na itong alam sa pagprotekta ng sarili at pagprotekta sa mga mahahalagang taong nasa paligid niya.Katunayan,ipinanglalaban na siya sa mga paligsahan ng school nila sa taekwondo at nakapag-uuwi siya ng gold medal tuwing lalaban siya.Ang galing naman kase ng nagtuturo eh.
Isinuot naman ng Papa nito ang mga protective gear para sa anak,lahat naman ng magulang ayaw na masasaktan ang kanyang anak.Ng matapos tinapik na nito ang ulo ng bata at pumwesto sa dapat nitong kalagyan.
"Ready?"nakangiting tanong nito,tumango naman ang bata at sa isang segundo lang ay sinugod na nito ang ama.Hindi na 'to bago sa kanya dahil magmula ng magka-isip na siya,tinuruan na siya nito ng kanyang mga dapat gawin.Nagpakawala siya ng mga hooks at jabs,nakakatawa nga eh,kahit na hindi pa niya abot ang ama,nagagawa niya paring umisip ng paraan kung pano ito mapapatumba.Sinimulan na nitong magpakawala ng mga suntok sa sikmura ng kanyang ama,kahit hindi ganun kalakas...masasabi ko ng sobrang lakas na niya para sa kanyang edad.Ngunit mas matalino at mas malakas ang kanyang ama,alam niyang hindi sineseryoso ng kanyang ama ang sparring na'to dahil maliit siya at kayang-kaya ng kanyang ama na patumbahin siya sa isang pitik lang.Nagawa niyang yumuko sa mga hooks ng kanyang Papa ngunit hindi ang uppercut nito,pero hindi yon malakas,sinisigurado lang ng kanyang ama na lahat ng senses ng kanyang anak ay gumagana.Dahil kung pumalya maaaring mawala ang pinaghirapan nila mula umpisa.
"Bantayan mo ang bawat kilos,Rosell.Dahil isang maling baling,isang maling desisyon,maaring may masamang mangyari,at ayaw ko 'nun...anak ko."pangangaral nito sa anak na umiinom ng juice na inihanda ng kanyang ama kani-kanila lang.Tumingin naman ang kanyang anak sa kanya habang patuloy na nilalagok ang juice,matapos,nginitian siya nito at nilapitan.
"Papa...don't worry,I will be great protector for the both of you...You know what Papa??"tanong ng bata habang nakayakap parin sa ama.Pinaupo naman siya ng ama sa kandungan nito.Tumingin sila sa isa't-isa at nagkangitian.
"What is it,anak?"kunot-noong tanong nito habang di naaalis ang ngiti nito sa labi.
"My only dream in this world for now,is to be a Warrior Princess and be able to protect you--Papa and Mama."Napaawang naman ang labi ng kanyang ama,Hindi pa niya talaga naiintindihan...sa isip-isip nito.
"Anak,You don't have to be a warrior princess...as long that you can protect us from the bad guys.Understand??"tanong nito,tumango-tango naman ang bata.
BINABASA MO ANG
Ms.Secret Agent(Revising)
RandomWhat will you do if someone ask you a job that is totally DISASTER for you? Do you grab the chance na makakatulong sayo? Pero pano kung sa kabilang banda maging magulo pa ito para sayo.... But Stephanie accept this terrible job for her reason. And s...