Third Person's POV"Sa palagay niyo ba ay hindi mahahalata ng Elemental Ministry itong ginagawa natin?" tanong ni Ciero. Kasalakuyan silang nasa isang silid sa ilalim ng Elemental Head's Office kung saan naroon din sina Zeira, Ferno at Heiro. Hindi namatay si Heiro dahil pinatay ni Ciero ang apoy na nakapalibot sa puso nito. Natural na kakayahan na ng mga water people ang kontrahin ang kapangyarihan na meron ang mga fire people. Matapos nilang iligtas si Heiro ay dito na sa ilalim ng Elemental Head's office ang kanilang naging lihim na lugar.
"Isang linggo na rin naman at wala namang ibang nakakaalam na mayroong isang silid dito sa ilalim ng Elemental Head's office kaya naman nasisiguro kong hindi ito malalaman ng Elemental Ministry," sagot naman ni Heiro. Napagkasunduan nila na silang apat lang ang maaaring makaalam ng lugar na ito para masigurado na rin na hindi ito kakalat sa Yoso Academy.
"Si Hera, nasaan nga pala siya?" tanong naman ni Ferno. Sa kasalukuyan ay ang Elemental Ministry na ang nagpapalakad ng Yoso Academy dahil kanila nang idineklara na mga rebelde ang Elemental Heads. Naglabas na rin sila ng isang utos na kung sino man ang makakakita kina Heiro ay may karapatan silang patayin ang mga ito at magkakaroon ng pwesto bilang tagapamahala ng Yoso. May ilan na nanggaling sa Elemental Kingdoms ang sa ngayon ay nagbabantay sa Yoso Academy.
"Wala ba kayong napapansin na kakaiba kay Hera?" tanong naman ni Zeira. May kakaiba kasi siyang napapansin kay Hera. May pagkakataon kasi na parang wala ito sa kaniyang sarili at parang walang naitutulong sa kanila sa tuwing gumagawa sila ng plano.
"Iyan din ang iniisip ko, Zeira. Pakiramdam ko ay mayroong mali kay Hera," dagdag naman ni Heiro. Nagkatinginan na lamang sina Ferno at Ciero dahil maging pati pala sila ay pareho rin ng pakiramdam.
"Mabuti na lamang pala at hindi natin naisipan na isama siya rito gayong hindi tayo sigurado kung ano ba ang mayroon sa kaniya," sagot naman ni Ferno. Ilang araw na rin nilang pinagpaplanuhan ang mga dapat nilang gawin at kung paano nila masisiguro ang kaligtasan nina Aria.
"Kumusta na nga ba ang mga bata sa mundo ng mga tao, Heiro? Ano na ang balita? Nakausap mo na ba si Shebah?" Agad naman na umiling si Heiro. Napagkasunduan kasi nila ni Shebah na hindi sila dapat na magkaroon ng kaugnayan dito sa Elemental World habang sila ay nasa mundo ng mga tao. Ito ay para mas masigurado nila ang kaligtasan ng mga bata.
"Sa tingin ko ay dapat nating alamin ang lagay nila ro'n," sambit ni Zeira na agad namang sinang-ayunan nina Ferno. Agad na naglabas ng tubig si Ciero at sinubukan niyang tawagin si Thea.
"Thea, naririnig mo ba ako? Ako ito, si Ciero. Kailangan namin kayong makausap," sabi ni Ciero. Ilang sandali pa ang lumipas at lumitaw na ang mukha ni Thea. Kasama niya sina Fire, Aria at Kai.
"Ciero?!" gulat na sabi ni Thea. Hindi niya kasi inaasahan na kakausapin siya ni Ciero gayong ipinagbabawal nga ang paggamit ng kapangyarihan sa mundo ng mga tao.
"Sandali lamang ito dahil baka malaman na ng Elemental Ministry kung nasaan kayo. Gusto lang namin na malaman kung ayos lang ba ang kalagayan ninyo diyan?" tanong ni Heiro. Bigla namang napuno ng kagalakan ang puso ni Aria noong nakita niya si Heiro.
"Heiro..." sabi niya at saka nag-unahan ang luhang kanina lamang ay nagbabadya sa kaniyang mga mata.
"Aria, bakit ka umiiyak?! May nangyari bang hindi maganda diyan?" nag-aalalang tanong ni Heiro. Nagulat kasi siya sa biglaang pag-iyak ni Aria. Inisip niya kaagad na baka mayroong hindi maganda na nangyari kina Aria.
"Kasi...Kasi akala ko po patay na kayo e!" parang bata na sambit ni Aria bago ito muling umiyak. Lumapit sa kaniya si Fire at saka nito hinawakan ang balikat ni Aria.
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)
FantezieIn order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom. If you do, you'll die. This is a story that will make you think if in what Elemental Kingdom do yo...