Chapter 53

21.6K 764 14
                                    


Third Person's POV

Samantala, abala pa rin sa pagpaplano sina Heiro ng mga dapat nilang gawin.

"Hindi tayo makakakilos nito kung nandito lang tayo sa silid na ito," sabi ni Ciero. Hindi sila maaaring lumabas dahil tinutugis sila ng mga elemental people. Alam niyang hindi sila magiging ligtas sa oras na lumabas sila sa silid na kinatataguan nila.

"Hindi mo ba maaaring kausapin sina Zephyrus, Heiro?" Bigla namang naging malungkot ang itsura ng mukha ni Heiro pagkarinig niya sa pangalan ng kaniyang anak.

"Ayaw kong idamay si Zep sa ganitong klase ng problema natin, Ciero," sagot niya. Alam niyang hindi sang-ayon si Zep sa desisyon niyang patuloy na protektahan sina Aria at ang ilagay ang buhay niya sa bingit ng kamatayan. Naiintindihan naman nina Ciero ang desisyon ni Heiro. Maari kasing maisama sa listahan ng mga rebelde si Zephyrus kapag napag-alaman na nakikipagtulungan siya sa kanila at naiintindihan nila ang pusong-ama ni Heiro na ayaw mapahamak ang kaniyang anak.

Samantala, hindi na talaga maintindihan nina Tyrone kung ano na ang nagaganap. Nagtataka pa rin sila kung bakit wala pa rin sina Aria.

"Hindi kaya, bumalik na sa mundo ng mga tao si Aria?" tanong ni Laydon. Agad na napalingon sa kaniya si Tyrone na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng bintana at tinatanaw ang paligid ng Yoso Academy na napalilibutan ng mga kawal na nagmula pa sa Elemental Kingdoms.

"Sa tingin mo ba ay posibleng mangyari iyon?" tanong naman ni Nuraya. Biglang napaisip si Tyrone. Maaari ngang totoo na bumalik na si Aria sa mundo ng mga tao. Kung gano'n nga ay totoong sina Heiro ang may kagagawan no'n at sila nga ang pumoprotekta kina Aria.

"Kung gano'n ay kasama niya sina Kai sa mundo ng mga tao? Pero hindi naman sila maaaring bumalik doon ng walang pahintulot ng Elemental Heads, 'di ba? Ibig sabihin ay talagang nagrerebelde sina Heiro?" nagtatakang tanong ni Ela. Walang sumagot sa kaniyang tanong dahil lahat naman sila ay walang alam sa nangyayari.

"Hindi tayo nakasisiguro sa mga naiisip natin. Ito ang mahirap dahil wala naman tayong pwedeng makuhanan ng sagot," sabi naman ni Tyrone. Kung tutuusin ay medyo masama ang loob niya kay Aria dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kaniya. Sana man lang ay sinabi ni Aria kung saan siya pupunta nang sa gano'n ay hindi na siya nababalot ng pag-aalala. Alam naman kasi ni Aria kung ano ba ang tunay niyang nararamdaman para dito kaya nakasasama ng loob na hindi man lang iyon binigyang halaga ni Aria.

"Laydon, kaya mo bang makausap si Thea sa pamamagitan ng tubig?" tanong ni Nuraya. Nagbabakasakali siya na makausap sina Fire. Malaman lang niya na nasa maayos silang kalagayan ay malaking bagay na 'yon para mapanatag ang loob niya.

"Susubukan ko," sabi ni Laydon at saka siya naglabas ng tubig mula sa kamay niya.

Mahimbing na natutulog si Thea noong may naramdaman siyang kakaiba at may narinig siyang tumatawag sa pangalan niya.

"Thea, naririnig mo ba ako? Si Laydon ito. Please, show up!" Agad na napaupo si Thea sa kama niya noong makumpirma niyang may tumatawag nga sa kaniya. Dali-dali siyang naglabas ng tubig sa kamay niya at ilang sandali pa ang lumipas ay lumitaw na doon ang mukha ni Laydon.

"Thea!" he happily exclaimed. Iba ang saya na naramdaman ni Laydon nang makita niyang muli si Thea. Ilang linggo na rin naman na hindi niya ito nakikita kaya naman labis ang tuwang nararamdaman niya ngayon.

"Laydon? Teka, bakit mo ako tinawag?" tanong naman ni Thea. Nagulat siya noong lumitaw na rin sa tubig ang mukha nina Tyrone, Ela at Nuraya.

"Nag-aalala na kasi kami sa inyo. Mabuti na lang at nagawa kitang makausap sa pamamagitan nito. Madalas kasi ay pumapalya ako sa water communication ability," sabi ni Laydon na ginantihan lang naman ni Thea ng isang ngiti.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon