Third Person's POV
"Ipatawag mo si Brizto," utos ni Valgemon kay Hera. Nandito sila ngayon sa tagong lagusan sa loob ng Black Forest.
"Pero bakit po, Lord Valgemon?" tanong naman ni Hera. Agad siyang pinaluputan ng dalawang ahas. Kinabahan siya at inisip niyang isang maling gawain ang tanungin si Valgemon.
"Kailan pa kita binigyan ng karapatan na magtanong tungkol sa mga iniuutos ko sa'yo, Hera?!" medyo galit na asik ni Valgemon. Hindi agad nakapagsalita si Hera. Pakiramdam niya ay mas ligtas kung mananatili siyang tahimik.
"Kailangan ko siyang makausap. Naiinip na ako sa ipinapagawa ko sa kaniya!" sigaw ni Valgemon.
"Masusunod, Lord Valgemon," sagot ni Hera. Hindi pa rin nawawala sa kaniyang dibdib ang kabang nararamdaman niya. Nagkamali siya ng akala na kahit paano ay may puwang siya sa mga plano ni Valgemon ngunit sa nangyari ngayon ay napag-alaman niyang mananatili lamang siyang taga-sunod sa bawat iuutos nito sa kaniya.
"H'wag kang babalik dito nang hindi mo siya nakakasama," sabi ni Valgemon na halatang may kaakibat na pagbabanta sa buhay ni Hera. Agad na lumabas sa tagong lagusan si Hera para puntahan si Brizto.
"Bwisit talaga! Akala ko pa naman ay pinagkakatiwalaan na niya ako. 'Yon pala ay si Brizto pa rin ang kailangan niya!" sabi ni Hera habang naglalakad siya papunta sa loob ng Elemental Head's Office. Ang Elemental Ministry na kasi ang namamahala ro'n dahil nga hindi na maituturing na tagapamahala ng Yoso Academy sina Heiro.
Pagpasok niya sa loob ay laking pasasalamat niya dahil si Brizto lang ang naroon.
"O Hera, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya. Kasalukuyan siyang nagsusulat ng panibagong panukala na ipapakalat niya sa iniisip niyang plano.
"Nais kang makausap ni Lord Valgemon," mahinang sabi ni Hera. Agad na nahinto sa pagsusulat si Brizto at tiningnan niya ng maigi si Hera.
"Bakit daw?" tanong niya at muli na naman niyang itinuloy ang pagsusulat.
"Hindi ko alam. Mukhang may plano naman yata kayong dalawa at wala akong alam tungkol doon," sabi ni Hera. Halata ang pagtatangis sa boses niya dahil hindi siya isinasali ni Valgemon sa iba nilang plano ni Brizto.
"H'wag ka sa akin magalit dahil sumusunod lang din ako sa kaniya. H'wag mong ipapakita ang ganiyang itsura mo kay Valgemon dahil alam mo naman kung ano ang kaya niyang gawin. H'wag na tayong umasa na ituturing niya tayong espesyal dahil para sa kaniya ay isa lamang tayong taga-sunod. Ginusto natin ito kaya naman gawin natin nang maayos," saad ni Brizto habang patuloy siya sa kaniyang ginagawang pagsusulat.
"Oo na! Pumunta ka na ro'n bago pa siya magalit. Mukhang importante yata ang sasabihin niya sa'yo," sabi naman ni Hera. Ngumiti lang si Brizto sa kaniya bilang sagot.
"Nasaan na kaya sina Heiro? Natakot na kaya sila sa desisyon ninyong ipapatay sila?" tanong ni Hera habang nakangisi. Inis na inis si Brizto kapag naririnig niya ang pangalan ni Heiro. Nagagalit siya sa katotohanan na hindi niya ito napatay dahil nagawang kontrahin ni Ciero ang kapangyarihan niya.
"Gagawa ako ng paraan na siyang magiging dahilan ng pagpapakita nila," sagot naman ni Brizto. Biglang napunta sa pinto ng Elemental Head's office ang paningin nina Brizto at Hera noong bumukas ito at pumasok sina Detero, Cassandra at Alne.
"Kumusta na, Hera?" tanong ni Cassandra. Hindi sila kasabwat ni Valgemon at wala silang alam na sina Hera pala at Brizto ang ginagamit ni Valgemon sa Elemental World.
"Kumusta na ang pinapagawa ko sa'yo? Alam mo na ba kung sino ang traydor dito sa Yoso?" tanong ulit ni Cassandra. Napaisip si Hera at agad siyang ngumiti bago siya sumagot.
"Oo, alam ko na. Si Shebah, siya ang traydor," sagot naman ni Hera.
"Si Shebah? Paano mo naman nasabi 'yan? Nasaan ang ebidensya mo na siya nga ang traydor?" tanong ni Alne. Hindi niya kasi matanggap na manggagaling sa Chi Kingdom ang traydor sa Elemental World.
"Dahil siya lang naman ang mahilig dito sa itim na damit kaya sa palagay ko ay siya ang traydor. Isa pa ay hindi ko na siya nakikita dito sa Yoso. Ano pa ba ang iisipin natin sa gano'n 'di ba?" sagot ni Hera. Sa sinabi niya ay napaisip sina Alne. Iniisip nilang may punto si Hera sa mga sinasabi nito dahil isa si Shebah sa hinahanap nila dito sa Yoso pero simula noong dumating sila dito ay hindi pa nila ito nakikita.
"H'wag na muna iyan ang isipin natin. Malalaman din natin kung sino ba talaga ang traydor. Sa ngayon ay kailangan nating pagplanuhan ang pagpupulong na gagawin natin dito sa Yoso kasama na ang mga elemental people mula sa Elemental Kingdoms," singit naman ni Detero. Para sa kaniya ay hindi dapat ientertain ang mga palagay ni Hera lalo na kung wala itong matibay na ebidensya na siyang magpapatunay na si Shebah nga ang traydor sa Elemental World.
"Sa susunod na linggo na natin gagawin ang pagpupulong. Ngayong araw ako pupunta sa Elemental Kingdoms upang ipaalam sa mga elemental people doon ang tungkol sa pagpupulong na gagawin," sabi naman ni Cassandra. Nagkatinginan sina Hera at Brizto na tila sinasabi nila sa isa't-isa na nalalapit na ang katuparan ng mga pinaplano nila.
"Sige. Mamaya ay ipapaalam ko na rin sa mga estudyante ang tungkol dito," sabi naman ni Alne. Iniligpit na ni Brizto ang kaniyang isinusulat.
"Kailangan din nating pag-usapan kung ano ba ang mga sasabihin natin sa kanila," suhestyon ni Detero na agad namang sinang-ayunan nina Alne. Napagkasunduan nila na mamayang gabi sila mag-uusap patungkol dito.
Agad na lumabas sina Hera at Brizto sa Elemental Head's office matapos nilang mapagkasunduan ang mga bagay-bagay na dapat nilang gawin para sa ikakaayos ng Yoso Academy. Dumeretso silang dalawa sa loob ng Black Forest patungo sa sagradong lagusan kung saan naroon si Valgemon.
Pagdating nila sa loob ay agad nilang nakita si Shebah na pina-iikutan pa rin ng mga ahas. Hindi magamit ni Shebah ang kaniyang kapangyarihan dahil na rin sa katotohanan na nahihigop ni Valgemon ang bawat kapangyarihan at enerhiya na inilalabas niya.
Sa ilang linggong pamamalagi ni Shebah dito ay mahahalata ang pagpayat niya dahil na rin siguro hindi na siya nakakakain ng maayos. Dinadalhan siya ni Hera ng pagkain ngunit hindi araw-araw. Kung kailan lang niya magustuhan at maisipan na bigyan ng pagkain si Shebah ay saka lamang siya magdadala ng pagkain.
"Kumusta na, Shebah?" bati ni Brizto kay Shebah ngunit wala siyang nakuhang sago mula rito.
"H'wag mo nang aksayahin ang oras mo sa pakikipag-usap sa talunan na 'yan," sabi naman ni Hera. Sa bawat araw na nakikita ni Shebah si Hera ay lalong nadadagdagan ang galit niya dito. Hindi niya kailanman mapapatawad si Hera sa mga katrayduran na ginawa nito sa Yoso Academy at maging sa Elemental World. Nagulat din siya noong nalaman niya na isa pala si Brizto sa mga ginagamit ni Valgemon.
"Lord Valgemon, nandito na po ako," sabi ni Brizto bago siya lumuhod sa harapan ng estatwang ahas na nasa harapan niya. Agad na naging kulay pula ang mata nito at naglabas ng dila ng isang ahas at saka ito nagsalita.
"Naiinip na ako, Brizto! Kailan mo ba makukuha ang elemental stones upang magkaroon na ako ng isang imortal na katawan?!" galit na asik ni Valgemon. Biglang may iilang ahas ang gumapang sa makipot na daanan na nasa loob ng lagusan. Agad na nakaramdam ng kaba sina Hera at Brizto. Ngayon lang kasi nangyari na nagalit si Valgemon.
"Sa susunod na linggo, Lord Valgemon. May magaganap na pagpupulong sa susunod na linggo at sisiguraduhin kong naroon ang lahat ng elemental people upang patayin ang mga bata. Ayon kay Hera ay nagbabalak na ang mga bata sa mundo ng mga tao na bumalik dito sa lalong madaling panahon. Kaunting paghihintay na lamang, Lord Valgemon," sagot naman ni Brizto. Nalaman nila ang plano nina Aria noong nag-anyong pusa si Hera para makapanatili lang sa mundo ng mga tao na hindi napapansin at nahahalata nina Aria.
Ang akala nina Brizto ay matutuwa si Valgemon sa balitang dala niya ngunit nagulat sila ni Hera at binalot sila ng kakaibang takot noong nagsalitang muli si Valgemon at sinabing:
"Siguraduhin mo lang na mangyayari na ang lahat ng plano natin sa araw na 'yon dahil kung hindi, kayo ang papatayin ko!"
❤Miss Aiツ
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)
FantasiIn order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom. If you do, you'll die. This is a story that will make you think if in what Elemental Kingdom do yo...