Chapter 55

22.8K 729 12
                                    

Aria's POV

Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong pinag-aralan namin ang mimicry ability at talagang ang taray lang kasi kaya ko nang maging kamukha si Ela.

"Sa palagay ko ay dapat na tayong bumalik sa Yoso," sabi ni Thea. Nandito kami ngayon sa sala namin at nag-iisip ng kung ano ba ang dapat naming gawin.

"Tama ka, Thea. We need to go back, now," pag sang-ayon naman ni Kai. Bigla akong nalungkot sa katotohanan na kailangan na naming bumalik. Parang ito na naman ako sa pakiramdam na kahit kailan ay hindi ako magiging handa na iwanan si Mama at harapin kung ano man ang naghihintay sa amin sa Yoso.

"Aria, kailangan na nating bumalik. Alam namin na mahirap para sa'yo na iwanan si Ginang Arianne sa ikalawang pagkakataon pero hindi tayo maaaring manatili rito habang buhay. Kailangan na nating bumalik," sabi ni Fire at naiintindihan ko 'yon. Alam ko naman na hindi talaga kami pwedeng manatili dito habang buhay dahil hindi naman ito ang mundo na nababagay sa amin. May mundong naghihintay sa pagbabalik namin at 'yon ay ang Elemental World.

"I understand. Kakausapin ko na si Mama tungkol dito. Kailan ba tayo babalik?" tanong ko. Umaga pa lang kasi ngayon at talagang parang gusto kong hilingin na tumigil muna panandalian ang oras. Ayaw ko pang iwanan si Mama. Gusto ko pa siyang makasama. Kahit gaano ko palakasin ang loob ko ay alam kong walang kasiguraduhan na makakabalik pa ako nang buhay dito. Hindi ko alam kung makikita ko pa ba si Mama sa oras na bumalik na kami sa Yoso.

"Mamayang madaling-araw tayo aalis. Eksaktong gabi no'n sa Yoso." Hindi ko na nagawa pa ang magsalita sa sinabi ni Thea. Ito na talaga. Kailangan na naming harapin ang kung ano man ang tinakasan namin sa loob ng halos isang buwan.

"Sige. Kakausapin ko lang si Mama," I said. Sigurado ako na obvious sa maganda kong mukha na nalulungkot ako. Jusme naman! Hindi ko talaga feel ang nagpapaalam lalo na kay Mama. Ang ganitong klaseng goodbye scene ay ang lakas makapalungkot ng body cells. Nakakaloka.

Umakyat ako sa second floor ng bahay namin at pinuntahan ko si Mama sa kwarto niya. Ito na, Aria! Ihanda mo na ang lahat ng kadramahang taglay mo. Nandito pa lang ako sa harapan ng kwarto ni Mama ay parang ayaw ko nang kumatok. Pakiramdam ko ay makita ko pa lang siya ay talagang iiyak na ako agad-agad.

"Ma?" I said as I knocked on her door. Naisip ko kasi na walang mangyayari kung makikipagtitigan lang ako sa pinto ng kwarto ni Mama. As if naman ay katulad siya ni Fire na nakakaramdam. Nako naman talaga! Dapat ay nagbaon ako ng tissue para sa eksenang ito.

"Ma?" Kumatok ulit ako at ilang sandali lang ay binuksan na ni Mama ang kwarto niya. Mukhang bagong ligo si Mama dahil may nakapaikot na twalya sa buhok niya.

"O Aria? Bakit?" she asked. Hindi ko alam kung nahahalata niya ba sa mukha ko na nalulungkot ako kasi ito na naman kami sa paalaman moment naming dalawa pero ngumiti ako kay Mama at saka ko siya niyakap.

"Ma," I said. Ramdam ko na naguguluhan si  Mama sa ikinikilos ko kaya naman hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Teka nga lang, ano ba ang nangyayari sa'yong bata ka? Bakit? May problema ba?" tanong ni Mama. Agad akong umiling para malaman ni Mama na wala namang problema. Sadyang malungkot na katotohanan lang talaga.

"Kung walang problema ay bakit ka bigla-biglang nangyayakap? Iba yata ang trip mo ngayon?" sabi ni Mama. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at saka ko siya tiningnan. Ngumiti ako kay Mama pero kasabay no'n ang pagtulo ng luha ko.

"Ay ang taray! Anong drama naman ito, Anak? Nag-away ba kayo ni Fire? Bakit ka umiiyak? Gusto mo ay puntahan ko ang lala---"

"Babalik na kami sa Yoso, Ma," I said to cut her off. Hindi agad nakapagsalita si Mama at halatang nagulat din siya sa sinabi ko. Ang kaninang masayang aura na nakikita ko sa mukha niya ay unti-unting napapalitan ng lungkot at lalo lang 'yong nakadagdag sa bigat na nararamdaman ko.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon