“ASHER!”agad na napatingin sa akin si Asher nang tawagin ko ang pangalan n’ya.
“Hey,what happened?”natatarantang tanong n’ya.Kumapit ako sa braso n’ya nang maramdaman kong muli ang paghilab nang t’yan ko.
I’m nine months pregnant,dapat next week pa ang due ko pero mukhang mapaaga ang panganganak ko.And speaking of anak,yes buntis na naman ako sa pangalawa naming anak ni Asher.
We just learned the news two months pagkatapos naming ikasal.Noong ikasal kami ay one month na akong buntis nang hindi ko nalalaman.Tsaka lang namin nalaman noong mahimatay ako dahil sa amoy nang hipon.
Sa sobrang pag-aalala nang asawa ko ay agad akong sinugod sa hospital at doon nga namin nalamang buntis na ako,si Aster naman ay sobrang saya dahil magkakaroon na daw s’ya nang kapatid.
“M-manganganak na ata a-ako”nauutal na sambit ko dahil ang sakit na talaga nang bawat paghilab nang t’yan ko.Noon naman nanganak ako kay Aster ay hindi ganito masyadong kasakit,mukhang naramdaman nang anak ko na nandito ang ama kaya nag-iinarte at masyado akong sinasaktan.
“A-ano?what the fuck…t-teka”natatarantang sambit n’ya at akma pa akong bibitawan pero mas hinigpitan ko pa ang pagkapit sa kan’ya at binaon pa ang kuko bago gamitin ang isang kamay at binigyan s’ya nang malutong na sampal.
“Gago,hindi ko kailangan ang taranta mo.Bilisan mo na,ang sakit na!”sigaw ko dito.Si Asher naman ay mukhang nakahuma sa pagkakasampal ko sa kan’ya kaya agad n’ya akong binuhat.
Si Aster ay nasa bahay nila tita Ashana kaya walang bata kaming kasama.Agad akong dinala ni Asher sa hospital at habang papunta kami doon ay panay ang tili ko dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang anak ko.
Nang makarating sa hospital ay agad n’yang tinawag si Destinee dahil s’ya ang magpapaanak sa akin.Hindi ko na pinasama si Asher sa delivery room dahil baka mauna pa iyon sa akin mahimatay sa sobrang taranta.
“Cams,one last pust…nakikita ko na ang ulo nang bata”pagkukumbinsi sa akin ni Destinee.Agad naman akong umire at nang matapos ang huling ire ay unti-unti nang pumipikit ang mata ko dahil sa pagod.
Ang huli ko nalang naalala ay ang iyak nang sanggol.Iyak nang anak ko.
NAGISING AKO nang maramdaman kong parang may humalik sa noo ko,pagdilat ko ay sumalubong agad sa paningin ko ang putting kisame.
Dahan-dahan akong tumingin sa paligid at nakita si Asher sa tabi ko,he was looking worriedly at me.
“Hey,you okay?you want to drink something?”sunod-sunod na tanong n’ya kaya kahit nanghihina pa ay tumango ako nang dahan-dahan.
Umalis muna s’ya sa tabi ko para kumuha nang tubig at inalalayan akong makainom,nang matapos ay inalalayan n’ya din akong sumandal sa kama at umupo.
Ngayon ko lang naramdaman ang sakit nang katawan ko,masakit ang pagkababae ko na para bang nakuhanan ako nang virginity ulit,at ang balakang maging ang mga hita ko.Kung ano ang sakit na naramdaman ko noong pinanganak ko si Aster ay iyon din ang nararamdaman ko.
“Where’s our baby?”namamalat kong tanong sa asawa ko na umupo sa katapat kong monoblock.
“Nasa nursery room pa s’ya,mamaya ihahatid s’ya dito nang nurse”sagot n’ya kaya tumango ako “love,you really okay?wala ka bang gusto kainin o inumin?”tanong n’ya.
Umiling naman ako sa kan’ya bago s’ya maliit na ngitian “wala.I just want to thank you for giving me Aster and our new baby”sambit ko.
Marahan naman s’yang natawa bago abutin ang kamay ko at halikan iyon “welcome,but I should be the one thanking you.Kung hindi mo sila binigay sa akin at kung hindi ka dumating sa akin hindi ko alam kung anong buhay meron ako.Dahil sa inyo binago ko ang buhay ko,kaya thank you love.Thank you for loving us and for changing me”madamdaming sambit n’ya.
YOU ARE READING
Billionaire 6:Asher Antonio
RomanceWARNING:MATURED CONTENT | R-18 In the world full of couple's who are romantically inlove with each other or just lustfully loving each other.There is one man who is deeply and madly loving his long-time girlfriend,they are now seven years in a relat...