Chapter 21 [Marry You]

47 5 0
                                    



Pagpasok ko sa classroom nagkaklase na sila. Di ko pinansin at diritsong pumasok at uupo na sana sa upuan ko ng mapansin ako ng kinatatakutang teacher dito at kinatatakutan ko noon.

"Miss Llyod, you are 30 minutes late and according to the class attendance you are absent in your earlier subjects." Sabi nito. Matalim at nag-aalab sa galit.



Pero ba't ganon? Wala akong maramdaman kahit takot di ko maramdaman. It's been two weeks since I knew the news. Ang mas masakit? Ako lang pala ang walang alam. Lahat ng tao sa paligid ko alam nila ang nangyayari. Pati ang mga bestfriends niya na akala ko walang alam, may alam pala at ginawa lang yun nila Troy at Chase dahil utos ni Justin.



Hinarap ko ang teacher namin.

"Pasalamat ka nga at pinasukan kita, sa tingin mo ba mababago ng mga sinabi mo na absent ako sa mga nauna kong subjects?Kong may problema ka huwag mo akong isali, saka paki ko sa attendance? Ano ba ang mas matimbang, ang etudyanteng palaging pumapasok pero wala namang natutuhan o yong minsan lang pumapasok pero maraming alam?"



Natahimik siya. At nagulat halos lahat sila. Kong siya ang init, nawala yon dahil sa lamig ko. Saka ako umalis ron. Absent narin naman ako, lubos lubusin ko na nga lang. Umalis ako sa campus, sumakay ng taxi at nagtungo sa lugar kong saan ako palaging pumupunta. Pagkababa ko. Tinignan ko ang paligid. Namumulaklak na pala ang mga bulaklak dito. Diritso akong nagtungo sa mismong spot ko sa lugar nato.



"Hello again." Bati ko sa tao sa harap ko. Pero walang response well sanay na ako, lagie lang naman ehh.

"Alam mo Dee, sumagot ako kay Ma'am Terror. Grabehh ang sarap pala ng feeling pag, naipalabas mo na lahat ng galit mo." Sabi ko sa batong lapida. Sa loob ng dalawang linggo dito ako pumupunta. Sa puntod ni Justin. Naging tambayan ko na ito. I feel comfortable when I'm here.



Parang protektado ako kapag nandito, hindi rin ako nakakaramdam ng takot. Pakiramdam ko kausap ko lang siya, kaharap ko lang siya. Mui na namang tumulo ang mga luha ko.

"Dee, kinaya ko, pinilit ko ang sarili ko, pero ba't ganon? Sa bawat araw na gusto kitang kalimutan at mag move-on, naaalala ko lahat? Naaalala ko ang boses mo na tinatawag ang pangalan ko, ang mabini mong boses kapag kumakanta ka, ang mga mata mo, ang ngiti mo, alaht lahat.



Dee ba't ganon? Pakitanong nga si Papa God kong bakit palagi niyang kinukuha ang taong mahal ko. Dee, diba dapat sabay tayo? Sabay tayong haharap sa kanya? Ba't ganon? Ba't hindi mo ako hinintay?......." Wala na, nagkalat na naman ako. Grabehh kong nakakapagsalita pa tong mga patay sa paligid ko swear magrereklamo talaga sila. Pero wala akong panahon para don.



Marahas kong pinahiran ang mga luha ko, pero no effect patuloy parin itong tumutulo. Hindi na nagsawa. Hanggang sa may makita akong panyo na inabot ng isang kamay. Sinundan ko ang pinanggalingan non at hindi ko alam kong ano dapat ang magiging reaksyon nong makilala ko kong sino.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko saka tumayo. Di ko tinanggap ang panyo niya.



Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon