Chapter 12 ─ Agreement

141 1 0
                                    

LYZA's POV

Maaga akong pumasok sa school. Pero nalaman ko lang na wala palang academics dahil may practices na kami para sa intramurals.

"Lyza Lyza!" Ugh.

Hindi na ako lumingon dahil alam kong si Ivan yun. Boses palang naiirita na ako, kaya alam ko.


"Lyza!"


Hindi parin ako sumagot at patuloy parin na naglakad.


"Halika nga dito! Matigas ulo mo ha!" naramdaman kong hinawakan nya braso ko at hinila ako palayo.


Hinila nya ako papunta sa Janitor's closet.


"Ivan! Anong ginagawa mo?!"


"Ayaw mo naman ako maging boyfriend diba?! Pwes. Kung ayaw mo mapaaga yang flight, magpapanggap ka. Pag hindi ka pumayag, hindi lang yung flight ang maaapektuhan. Pati yang Ralph mo."


Abnormal. Hindi na ako nakinig sa iba nya pang sinabi. I tried to go out, pero hinila nya ako sa braso.


"You have 24 hours to decide. The clock is tick-ing. I have many many connections, Lyza. Tandaan mo yan."


"Abnormal." Naglakad na ako palabas ng closet. Buti nalang walang tao sa labas para paghinalaan yung nangyari.

Pumunta na ako sa locker ko para ilagay mga gamit ko. Kung alam ko rin lang naman kasi na walang academics ngayon, edi sana di nalang ako pumasok.

Habang naglalakad, naisip ko din yung sinabi ni Ivan. Paano kung totoo yun? Yung flight, yung kay Ralph? Pero kung tutuusin, mas malaki pa nga katawan ni Ralph kay Ivan eh. Hindi nya yun malalabanan... Pero kagabi, nalabanan nya naman yata...

Connection? Baka.... Hay!!!!

"Lyza?" Ralph. Si Ralph yun. Sinarado ko na yung locker at naglakad papalayo.

"Please, talk to me." Pero patuloy padin akong naglakad.

Pumasok na ako sa classroom. Basta, tatapusin ko 'tong araw ng matiwasay. Ayaw kong magulo 'to. Hindi ko naman pinabayaan na sirain ni Ivan yung araw ko. Mas lalo naman kay Ralph ngayon. Basta, ayaw ko sila makita, kausapin, maencounter, ganon!!! Basta.

"Okay class, eto na yung pinakaantay nyong long break. Mag-iintramurals na tayo, bago sembreak. Ang mangyayari... So based on the votes, ag napili ay sila...."

nagsitilian naman yung babae.

"Sino kaya?"

"Ayoko!!"

"Sana ako!"

ganyan yung naririnig mo sa mga kaklase ko.


"Mr. Ralph Aguilar and Ms. Lyza Generoso."


What? Ako? Kami?!

Napatingin ako kay Ralph at masaya naman sila ni Kryzzel sa decision pero hindi eh, hindi!!!!

Grabe bakit ngayon pa :((((

.

.

.

.

Unexpected Love ♥ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon