"Sometimes you think that you want to disappear but all you really want is to be found."---*
She rolled her eyes when she saw Ashton's tenth messages on her phone, adding his six missed calls. Half day pa lang yun ...my god tinalo pa nito ang Asawa nya kung makatext at makatawag sa kanya sa loob ng isang araw kahit na nagrereply lang sya kapag nasa mood sya sumagot dito.
Naiiling na lang na sinoli nya ang phone sa bulsa ng jeans nya at binalingan ang kasama na si Amber na abala sa phone nito. hindi na sya nag-abalang tignan kung ano ang laman ng mga text nito dahil aware na sya kung ano yun, dahil ng nakaraang araw pa ito nangungulit sa kanya sa Frat House nila.
"Cap, anong oras practice later? Pwede ma-late?" nagpuppy-eyes sya sa kaibigan na pokerface lang syang tinignan saglit at muling binalik ang atensyon sa mobile nito. May nakalimutan kasi syang rekado para sa ini-experiment nyang food para sa finals nila. Need nilang gumawa ng kanya-kanyang dish na masasabi na masterpiece nila kaya medyo nai-stress na sya sa pag-iisip at sa dami ng kailangan gawin, ang hirap talaga kapag graduating. Hindi na nga nya alam ang gagawin dahil semis na rin sa volleyball.
"Your face doesn't affect me, Aleya." Bored na ani nang kaibigan saka napa-tsk.
"You are so harsh." She retorted back. Nginitian nya ang nasalubong nila na kakilala nya sa ibang department at muling tinignan si Amber na nakatingin lang sa daan nila papunta sa building ng Art Department. Building kasi muna nila ang mauuna bago kay Amber.
"Si Ashton ba yung tumatakbo papunta dito?" Tanong ni Amber na naningkit pa ang mga mata para lang makasigurado. Agad na nanlaki ang mga mata nya at agad na sinundan nang ang tinitignan nito, hindi nga nagkamali ang kaibigan. Hinawakan nya sa braso si Amber na nagulat, "See you later Amber." Nagmamadaling sabi nya at hindi na hinintay sumagot ang kaibigan at agad na tumakbo papunta sa building nila, wala na syang pakielam kahit na mukha silang isip-batang nagtatakbuhan ni Cervantez sa campus.
___*___
"Just for a month Aleya, after that let's say that we are quits."
She looked at Ashton desperate eyes, ang bilis na ng takbo na ginawa nya pero talagang hinabol pa sya nito hanggang sa loob ng building, sumuko na lang sya sa pagtakbo dahil ayaw nyang mapagod nang hindi volleyball ang dahilan. Gusto nya man tulungan ang binata ay hindi pwede. "I really want to help you, but my situation doesn't allow me."
Nakagat nya ang pang-ibabang labi after nya sabihin yun kasabay non ang paglinga nya sa paligid dahil pakiramdam nya ay may nakatingin sa kanilang dalawa at hindi nga sya nagkamali dahil sa di kalayuan ay nakita nya ang pinaka-huling tao na gusto nyang makakita sa kanya na may kasamang iba. Napaharap sya ng wala sa oras sa locker nyang nakabukas saka napapikit sa pagka-inis, kung kasya lang sya ay malamang ipinasok nya na ang sarili sa loob ng locker nya.
Sa dami ng pagkakataon ngayon pa talaga... At kasama nya pa ang isa pinaka-maharot na lalaki sa school nila.
"Please enlighten me..why can't you? I know that you're single." Pangungulit pa ni Ashton na lalong inilapit ang mukha sa kanya na nasa loob na ng locker nya kaya napa-atras sya ng ilang hakbang mula sa binata na kumunot ang noo. Shit I am not single Cervantez! Which is true kasi kahit naman walang love na namamagitan sa kanila ni Cohen nirerespeto nya pa rin ang marriage nila.
"Wala ka naman boyfriend diba?" tanong pa nito sa kanya na saktong pagdaan ni Avenida sa likuran nya dahil magkatabi lang sila ng locker. Pati si Ashton ay napatingin dito pero saglit lang at muling binalik ang atensyon sa kanya. Inayos nya ang sarili dahil ayaw nyang makita ni Cohen na para syang guilty na nagtatago sa loob ng locker.
"Ashton wala." Natatarantang sagot nya na nag-ayos ng gamit para makaalis na sya. Narinig nyang nag-hum ng kanta ang katabi nya sa locker na ikinalingon nya sa side nito at saktong tumingin din si Cohen sa kanya pero wala syang mabasa na kahit anong emosyon dun kahit na maganda ang mga mata nito at parang laging nangungusap.
"Wala ka namang sabit...So help me na please." Naiiling na hinarap nya ang kaibigan na nagsalita, ang dami kasing naghahabol dito at ayaw itong tigilan ng mga babae dahil wala pa itong matawag na girlfriend na kakatakutan ng mga lumalandi dito. Napaka-babaero naman kasi.
"Asht-----" nabitin ang sasabihin nya ng marinig nya ang hina-hum na kanta ng nasa kabilang side nya. Hindi nya na napigilan ang pagtingin ulit dito sa di makapaniwalang mukha dahil yun ang wedding song nila. Anong gusto nitong ipahiwatig? Pinapa-alala ba nito sa kanya na hindi sya pwede gumawa ng kalokohan dahil nakatali sya dito?
Pati tuloy si Ashton ay napatingin kay Avenida dahil sa ginagawa nya. "May problema ba kayo ng twin ni Carlisle?" bulong nito sa kanya. Nilingon nya ang kaibigan saka umiling dito ng ilang beses. Nag-uumpisa na naman syang mabwisit kay Cohen, mas okay talaga na hindi nagtatagpo ang landas nilang dalawa kapag nasa school.
"We are not that close para magka-problema kami." Matabang na sagot nya dahil yun naman ang totoo. Kung paano naging asawa nya ito kahit na si Carlisle ang gusto nya ay mahabang kwento, to make it short, their marriage was a big drunk mistake at kagustuhan ng mga matatanda lalo na ng Grandfather nya na ipakasal sya at hindi nilang dalawa. Hindi nga sila magkakilala talaga kaya malaking palaisipan sa kanya kung paano nangyari na nagising syang hubad sa kama kasama si Cohen Avenida. Oo alam nyang nakainom silang dalawa, but for fuck's sake she's really straight at hindi nya matanggap na pumayag syang may mangyari sa pagitan nilang dalawa at ang kinakasama pa ng loob nya nakuha nito lahat ng first nya na pangarap nyang ibigay kay Carlisle na kapatid nito.
Malakas na kalabog ng pinto ng locker ang pumutol sa pag-iisip nya, nakita nya na lang ang likod ng dalaga na papalayo sa kanila ni Ashton.
"Kung hindi ko pa napanood ang Inauguration ng Presidente, diko pa malalaman na sya ang twin ni Carlisle. Hindi man lang natin nakita na magkasama o nag-usap yung dalawa sa school. Maybe they're not really close...sila lang ang kambal na nakita kong ganon." Mahabang komento ni Ashton na nakatingin din kay Cohen. "Maganda sana kaso mukhang loner at suplada like our Naya." Dagdag pa ng binata na inakbayan sya na agad naman nyang inalis at sinamaan ito ng tingin.
"Ashton..." she warned. Isinukbit nya ang bag at sinara na ang locker saka nag-umpisang naglakad sa susunod nyang klase.
"Grabe ka sakin? Kung makatanggal ka sa braso ko para akong may sakit ah." Reklamo ng kaibigan sa kanya na nag-sad face pa habang sinasabayan sya. Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ito kaya tumigil din ang binata na tinitigan sya. "Hindi nga ko pwede Ashton, iba na lang." sana naman ay tumigil na ito dahil wala talaga syang balak tulungan ito sa problema nito sa mga babae. Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere tanda ng pagsuko at umalis na ng building nila.
___*___
Sa mga nag-aantay ng update kay Gemini, wait lang kayo medyo nahihirapan si Author sa BS HAHAHA ang hirap kapag mabait.
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Roman d'amour"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel