CHAPTER 14: Lost

10 2 0
                                    

G H O S T

Pinagmasdan ko ang salamin ng ni Daryll. Sad to say, wala akong makitang reflection ko kahit isang beses man lang.

'Your b**bs aren't big enough for me to feel.'

Muling umecho sa isipan ko ang sinabi niya.

Gague talaga. Hindi ko alam na may pagkabastos pala si Jay.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Hindi man kalakihan ang dalawang bundok ko at least hindi ako pader. Oh! Sinong pader diyan? Mag-ingay nga kayo.

Bahagya akong napahinto sa pagmuni-muni nang maramdaman ko na naman ang unti-unting paglaho ng kaluluwa ko.

What the-

"J-Jay!"

Nanlalamig kong sigaw lalo pa at nararamdaman ko na tila may humigop sa akin. Pumikit ako at sinubukang kontrolin ang kaluluwa ngunit hindi ko magawa. Sinubukan ko na ang lahat, kumalma, kumapit ngunit wala ring nagbago.

Huminto ako nang may biglang pumasok sa isipan ko.

What does this mean? May malakas na enerhiya ang gustong humigop sa akin. Ibig bang sabihin 'non ay babalik na ako sa katawan ko at magigising na ng tuluyan?

Agad akong naglaho nang maisip iyon at tumungo agad sa hospital kung saan ako nakaratay. Binuksan ko ang kurtina ng kwarto ko at panandaliang natigilan sa nakita. Napatulala ako. Maya maya pa ay naramdaman ko ang mainit na likido na kumawala mula sa gilid ng dalawang mata ko.

Isang doctor at dalawang nurse ang nakapalibot sa kama ko habang sinusubukan akong i-revive.

Bumalot sa buong kwarto ang tunog ng life machine. Pinagmasdan ko ang kulay green na wave sa screen na unti-unting naging pantay na linya. Bigla akong nanghina nang makita ang pag-iling ng doctor ko.

No- it can't be. Buhay pa ako! Buhay! Nandito pa nga ako e! Nandito pa ang kaluluwa ko!

Tumigil na sa pagrevive ang doctor ko.

"Let's stop here. We all know that we cannot revive a person from brain dead."

'Please don't. I'm still here. My soul is still here. Kailangan kong makabalik para matupad ang hiling niya!

"Time of death, 3:02 pm."

"NO!" I shouted as tears cascaded from my eyes. Hindi ko tatanggapin! Buhay pa ako...

"DOC! BAWIIN MO ANG SINABI MO! BUHAY PA AKO! DIBA?!"

Lumabas na ang mga doctor.

Puno ng sakit kong sigaw. Hindi ko matanggap na wala na ako. Ang hirap. Ang sakit. Kung saan malapit na ako sa katotohanan saka naman nangyari 'to!

'Sana umpisa pa lang pat*y na talaga ako para naman hindi na ako umasa pa! Tang*na!'

May naghihintay pa sa akin na bumalik ako e. Yung best friend ko, na sinisisi ang sarili sa pagkamat*y ko. Yung pamilya ko! Si Manang Matilda. Si Daryll!

Lord, please ibalik niyo ako. Kung maaari sana panaginip lang ito. Hindi ko pa tuluyang alam ang katotohanan, pero bakit ganito na agad ang kinalabasan?

Yung babae na pumunta rito noong nakaraang araw ang daan para tuluyan ko ng malaman ang katotohanan. Dapat ko siyang makausap. Pero ngayong wala ng chance para mabuhay ulit, pwede bang sumuko na lang?

Pagod na ako.

"Gaella,"

Napalingon ako sa likod ko. Sumikip ang dibdib ko nang makita ko si Daryll sa likod ko, pawis na pawis at nag-aalala.

'I-I failed.'

Lumapit ako sa kanya at mahigpit na yumakap saka humagulhol sa balikat niya. Parang gusto kong matulog sa balikat niya. Niyakap niya ako pabalik.

"Nasasaktan ako lalo kasi dumating ka pa."

Katulad ng ballpen, kapag naubusan na ng tinta, tapos na talaga. Hindi pwedeng magpatuloy. Hindi pwedeng sabihing pause muna kasi paubos na ko. Pero iba ako, isa akong ballpen na hindi pa nauubusan ng tinta pero sumuko na ang pin kahit gusto pang magsulat ng tinta.

60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon