Blangko ang mukha na tumingin si Lily kay Professor Richard na ngayo'y may malokong ngisi sa mukha at malagkit ang tingin kay Lily habang nakaupo sa upuan nito. Umayos ito ng upo saka tumikhim.
“How are you?” agad na tanong ni Professor, na akalain mo talaga ay nangamusta pero hindi pala.
Napaismid na lamang si Lily sa tanong ni Professor Richard, na mas lalong nagpangisi kay Professor.
'Putang*na. Ang manyak mo talaga.'
Mga salita na kanina pa pinipigilan ni Lily na huwag lumabas sa bibig niya. Kanina pa siya nagtitimpi na saktan ito at ipamukha sakanya na hindi pa tapos ang problema ni Professor Richard.
Dahil sa katunayan, lumipat lamang si Lily para ilayo ang sarili sa kadem*nyuhan ng Professor nila at muling bumalik para isuplong ito sa kabab*yan niya. Natatakot siya na baka may nabiktima na naman itong iba, tulad niya. Ayaw niyang may magdusa katulad ng pinagdaanan niya.
“Hindi mo ba ako iwi-welcome?” malamig na sambit ni Lily habang nakatayo sa harapan ni Professor Richard. Inanyayahan siya nitong umupo kanina ngunit hindi niya ginawa.
“Shall I welcome you with a hug then?” Napahigpit ang hawak ni Lily sa strap ng bag niya. Bigla siyang nandiri sa sinabi ni Professor ngunit hindi niya pinahalata.
Si Professor Richard ang sumira ng buhay niya, ang dem*nyung lalaki na kumuha ng pagkababae niya.
Hindi mapigilan ni Lily na muling tanawin ang mapait niyang nakaraan. Kung saan ay binantaan nito ang buhay niya kung hindi niya ibibigay ang gusto ni Professor Richard. Ayaw man niya gawin... ngunit hindi lang buhay niya ang nakasalalay kundi pati ang buhay ng inosente niyang pamilya.
Nabigla at napabalik sa reyalidad si Lily nang maramdaman niya ang kamay ni Professor sa buhok niya. Hinahaplos at sinuklay tila inaakit siya.
“Gumaganda ka lalo...” sambit ni Professor. Imbes na umatras, katulad noon, ay sinalubong niya ang tingin ni Professor. Hindi na siya natatakot. Kahit ang hatid nito sa buhay niya ay masama, ay hindi na siya natatakot pa at imbes na matakot ay natuto pa siyang harapin ito.
“What do you want?” mabilis na tanong ni Lily, masama ang titig niya kay Professor Richard. Samantalang parang wala lang si Professor.
“C'mon... you already know what I want” malanding tugon ni Prof.
“P*tang*na mo. Kailan ka ba matanggal sa pwesto mo?”
hindi na napigilan pa ni Lily na murahin ito. Hindi deserve ni Professor ang respeto niya.Hindi nga siya nirerespeto nito bilang babae at estudyante, rerespetuhin niya pa kaya ito? Hah.
“And you have changed a l—” naputol sa pagsasalita si Professor nang biglang bumukas ang pinto. Umatras ito at tumikhim, pagkatapos ay bumaling sa pintuan.
“What?” iritadong tanong ni Professor sa babaeng pumasok. Inayos nito ang kwelyo ng damit niya, at pasimpleng nilingon si Lily na nanatiling nakatalikod.
“P-Pinatawag n-niyo r-raw ako” nanginginig ang boses ng babae kahit nasa sahig ang tingin nito. Napakunot ang noo ni Lily sa naging akto ng babae nang makita si Professor Richard. Lumingon sa likod si Lily at pinagmasdan ang babae na nanatiling nakatitig sa sahig.
Habang pinagmamasdan ang babae, bigla niyang naalala ang sarili niya noon. Walang laban at parating natatakot sa isang tao.
Pasimple niyang nilingon si Professor Richard, at base sa tingin nito sa babae alam na niya ang sagot kung bakit ganon ang naging akto nito. Na naranasan din nito ang naranasan niya sa kamay ni Professor Richard.
BINABASA MO ANG
60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]
FantasiaPaano kung isang araw magising ka nalang na akala mo buhay ka pa ngunit hindi mo alam na multo ka na pala?