Chapter 31 " ALA ALA "

25 3 0
                                    


HELEN'S POV:

" Kung nabubuhay pa si Hazel, malamang ito ang dress na ipapabili nya sa akin " yan ang mga salita ni tito Wilbert na pumukaw ng atensyon ko habang nakatitig ako sa pink na dress sa harapan namin. Pareho pala kaming ng nasa isip ni tito.

Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin sa ala ala namin ang pangyayari nung gabing yun. Ang gabi kung saan dalawang mahal ko sa buhay ang magkasunod na nawala. Ang mga taong pinagkukunan ko ng lakas ay iniwan na ako.

Matapos pumanaw ang aking ama sa isang car accident kasama ng kanyang mga dating amo, makalipas lang ang limang taon, sa mismong araw ng aking kaarawan ay magkasunod namang pumanaw ang aking kapatid at nanay.

Hindi ko makakalimutan ang duguang katawan ng aking kapatid. Matapos syang pagsamantalahan at patayin ng mga adik na nag iinuman sa isang kalye malapit sa tinitirhan namin. Napakasaklap ng pangyayaring iyon sa kapatid ko. Dahilan kaya inatake sa puso ang nanay ko na noon ay nagpapagaling pa mula sa kanyang operasyon sa puso.

Kung nakinig lang sya sa aking nung gabing yun. Baka sakaling buhay pa sya ngayon pati ang nanay namin. Pero mas pinili nyang umalis at habulin ang boyfriend nyang nang iwan sa kanya. Di nya matanggap na matapos nyang ibigay ang lahat sa lalaking iyon ay iiwan lamang sya at ipagpapalit sa bestfriend nya.

" Tito salamat sa lahat! Kundi dahil sa inyo ni tita Girley hindi ako makakabagon muli, saad ko sa kanya sabay hawak sa kamay nito.

" Di lang kami ang nagmamalasakit sa'yo anak, alam mo ba nung umuwi ako sa Ilocos nung death anniversary ng papa mo, nagkita kami ni Sir Ferdie at kinukumusta ka nya, pahayag nya sa akin.

" Talaga po! Sayang naman pala kung ganon. Uuwi po sana kami noon para dalawin si papa kaso po nagkasakit naman si Hannah, tugon ko sa kanya.

" Bakit hindi mo sila dalawin sa bahay nila? Isama mo na rin si Hannah, sigurado ako matutuwa sila kapag nakita kayong mag ina, saad tito Wilbert .

" Nahihiya kasi ako tito. Pinag aral at kinupkop nila ako nung panahong walang wala ako tapos binigo ko sila, malungkot kung sabi sa kanya.

" Pero tinanggap ka pa rin nila at tinulungan. Alam kasi nila na nangyari yun dahil sa mga pinagdaanan mo. Isa pa, bata ka pa rin noon. Ang mahalaga natuto kang bumangon at syempre may Hannah ka na inspirasyon mo para magpatuloy, pagpapaliwanag pa ni tito.

" Oo nga po eh, kaya nga po ginagalingan ko sa pag aaral para balang araw masuklian ko lahat ng kabutihan nila, determinado kong sagot sa kanya.

" Ganyan nga anak! at umasa ka habang nabubuhay ako aalagaan ko kayong ni Hannah, pangakong sabi ni tito.

" Salamat po tito, pero wala po ba kayong balak mag asawa? bigla kong tanong sa kanya.

" Naku Naku tama na kayong mga babae sa buhay ko . Ayoko nung iba ano kadiri kaya! tugon nito sabay irap mg mata habang nakapamewang.

" Tito talaga puro kalokohan! Sige kayo baka may makakita sa inyo na estudyante sa university isipin totoo na bading kayo, haha! ,natatawa ko pang sabi sa kanya.

" O kaya naman isipin nila na may relasyon ang principal sa isa sa mga estudyante ng university, makahulugan nyang tugon sa akin.

" May relasyon? Tayo? Bakit naman nila iisipin yun? pagtataka kong tanong kay tito.

"Ay naulinigan kasi akong mga tsismis eh. May nakakakita daw sa atin na magkasama tayo tapos dumadalaw pa raw ako sa apartmento.Kaya ganon iniisip nila, kwento pa ni tito.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon