32

675 28 1
                                        

32: Easy

"Mukhang blooming ka ah, excited ka na sa finals?" Tanong bigla ni Eya nang tumabi siya sa akin. Kakalabas lang ng professor namin. Masaya lang naman ako dahil babalik na rin ng apartment si Saydie. Ilang araw din kaya kami hindi nagkita pagkatapos sa bohol. Kailangan niya rin kasing umuwi sa kanila.

Kaya mag-isa ako, mga busy rin naman mga friends ko.

"Ha? Hindi ah," sagot ko. Sinong excited eh? Maraming gagawin. Exams, plates, projects lahat na. Ewan ba kung kakayanin ko pa. Kinuha ko na ang bag ko at sabay na kami ni Eya lumabas. Napalingon naman ako kay Daphne at hindi pa rin niya ako pinapansin.

I messaged her during sem break, pero hindi naman niya pinansin.

"Isa pa, matagal pa ang finals," sabi ko.

"Alam ko, pero malapit na rin. Tambakan ba naman tayo ng mga gagawin," sagot niya sa akin. Parang araw-araw sasabak kami sa labanan. Tumango naman ako bilang sagot. Pumasok kami ng library at nakita ko si Saydie may mga kausap siya. Siguro its her classmate. Maliban kasi sa kaibigan niya dati na nakita ko pero hindi naman niya pinakilala tapos mga pinsan niya na nakasabay namin sa inuman, wala na akong ibang kilala na malapit sa kanya.

"Dito nalang tayo?" tanong ko nang makahanap kami ng pwesto dito sa reading area. Medyo malayo kayna Saydie.

"Totoo bang may girlfriend ka?" tanong bigla ni Eya.

"Ah hindi," sagot ko. Dahil hangga't wala pang sinasabi si Saydie ayoko lang muna ikalat na girlfriend ko siya.

"Speaking of," sabi niya at napalingon ako kung saan siya nakatingin. Kay Saydie. Hindi ko napigilan ang ngiti ko at gusto ko siyang yakapin.

Puro chat and call lang kasi kami during sem break. Parang ang tagal niyang nawala.

"How's your morning?" tanong niya nang makatayo ako at nilapitan siya.

Hinawi ko namna ang buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko.

"Okay naman," sagot ko. "Ikaw kumusta biyahe?"

Siguro pagod siya.

"Okay lang rin."

We just stared at each other until one of her friends came.

I know her, Karylle? Ang sumama sa kanya nong nagkalagnat siya?

"Saydie, let's go, time for class," sabi niya at hindi ko alam kung ako lang ba pero parang ang sama ng tingin niya sa akin.

"See you later," sabi ni Saydie at nagulat ako sandali nang halikan niya ako ng mabilis sa pisngi. Pinalo ko naman siya sa braso.

"Baka bigyan tayo ng violation form nasa school at library tayo." Pabulong kong sabi pero tumawa lang siya ng mahina at hinalikan ulit ako sa noo. Mabilis lang pero iba na ang hatid sa buong katawan ko.

"Hmm wala pala ah," sabi ni Eya nang bumalik ako sa upuan ko. "Ano 'yon? Friends with something?" tapos tumawa siya.

"Wag kang maingay," sagot ko.

"Marami pa naman nagkakagusto kay Saydie ah, sa scholarship office palang, mga ibang scholars gusto nga siyang ligawan," sabi niya. "Can attract both girls and boys? Iba ah. Iba na ang beauty niya. Magiging crush ko sana siya kaso wala ako sa level niyo."

"Anong level namin?" Natatawa kong tanong pero tumawa lang rin siya.

Maraming kaibigan si Saydie sa loob ng University at labas. Hindi ko pa kilala ang lahat. But I'm also wondering what her family is like. Mababait ba sila, tanggap ba nila si Saydie because I know its a new generation pero hindi naman lahat sumasangayon.

Ako naman, kampante akong suportado lang ni auntie kung ano ang gusto kong gawin sa buhay o kung sino ang gusto kong makasama habang buhay. Importante lang sa kanya makapagtapos ako at magkaroon ng magandang buhay in the future.

Nang matapos kami sa library ay pumunta muna kami ng Book store na nandito lang sa loob ng University. May mga kailangan rin kasi kaming bilhin. Kesa pumunta pa ng mall eh dito nalang. Parehas pa rin naman ang mga presyo.

Hindi lang naman mga libro ang binebenta don, may mga school supplies rin.

Pero pagkapasok namin ay napunta ako sa novel section. Tignan ko lang kung may magandang basahin.

Saydie:

Where are you?

Kinuha ko rin ang phone ko dahil para tignan lang kung may chat ba sa akin si Saydie at meron nga. Dapat lang.

Izzy:

Nasa bookstore ako ngayon. Puntahan mo ako?

Saydie:

Sige 😀

Pinapangiti niya talaga ako palagi. Hindi ko na nga makalimutan ang ginawa namin sa Bohol. Hindi ko na alam kung ilang beses ba 'yon.

"Excuse me?" Natigilan ako nang may biglang lumapit sa akin. Tumatawa pa naman ako ng mag-isa baka isipin niya nababaliw na ako dahil sa acads.

"Ah yes po?"

Pero teka, siya si Karylle eh. Anong kailangan niya, kilala niya ako?

"You're Saydie's new girl right?"

Saydie's new girl? Anong ibig niyang sabihin?

"Alam mo ang pinasok mo diba?" tanong niya at nakataas pa ang isang kilay niya. Magkasingtangkad sila ni Saydie kaya no choice ako kung hindi iangat ang tingin ko sa kanya.

"Are you a mute?"

"Hindi ko kasi kayo maintindihan," sagot ko.

"Do you know what you're getting into?" Nagtanong siya ulit sa mataas na boses. Bakit hindi na lang kasi niya sabihin agad ang point niya. "You're just Saydie's someone with benefits, alam mo 'yon?"

Humakbang ako paatras dahil baka anong magawa ko sa kanya. Nakakairita kasi ang boses niya at lalo na ang sinabi niya.

"With benefits?" tanong ko.

"Oh come on, haha kailan ka ba pinanganak? Siguro, nagalingan siya sayo 'no?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kasi pinakaayaw pa naman ni Saydie, 'yong mga easy to get. Nawawalan kasi siya agad ng gana. Hindi mo pa naman binigay sarili mo sa kanya diba?" She asked and giggled.

"I'm her ex by the way."

Tapos tumalikod na siya at lumakad palabas ng store. Natulala ako sandali nang may sinalubong siyang mga kaklase. Sana hindi ko nalang siya sinundan ng tingin. Isa sa mga kaklase na sinalubong niya ay si Saydie at yumakap pa siya sa braso ni Saydie at bigla niya itong hinila palayo.

"Ayos ka lang?" Napalingon ako kay Eya.

"Uuwi ako, masama pakiramdam ko, please sabihan mo ma prof natin," sabi ko.


"Ha? Anong nararamdaman mo, samahan muna kita sa clinic," sabi niya at umiling ako. Gusto kong mapagisa at mag-isip.

"May isa tayong prof na masama ang ugali–"

"Bahala na, basta!" Binitawan ko ang hawak kong libro at tumakbo na ako palabas.

"Izzy!"

Narinig ko pa ang pagtawag ni Eya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa sa kanya.

Rhythm and BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon