Chapter XXXII: Manzanilla

643 43 27
                                    

Kahel

MANZANILLA—Spanish word for chamomile. Isa itong uri ng halaman na ginagawang tsaa o gamot para sa anxiety o para sa mga taong hirap makatulog. Kadalasan ay ipinapahid ito sa bumbunan ng mga sanggol sa gabi to help them sleep. The smell of manzanilla always takes me back to those happy memories from my childhood.

Unang beses akong pumasok sa mansiyon ng mga Valentino. May redcarpet sa entrada patungo sa isang malawak na hagdanan. Kung iisipin ko ay kasing taas ng tatlong palapag ang bulwagan nila.

Kulay ginto sa loob. Mala-Victorian ang istilo ng interior. Sa murang edad ko, akala ko ay nakapasok ako sa isa sa mga fairytale books na palaging binabasa sa akin ni Papa Martin.

Sa itaas ng staircase ay may isang painting. Namumukhaan ko ang mama ni Drake sa larawan habang nakaupo. Sa kaniyang kanlungan ay isang baby na tila ay isang manika dahil sa sobrang ganda ng suot. Sa kanilang likuran ay isang matangkad na lalaki na balbas-sarado, may kalakihan ang katawan, at may suot na isang monocle.

"Alfred!" sigaw si Drake. Mabilis na lumapit sa amin ang isang matanda na sobrang ayos ang pananamit.

"Ano po ang kailangan ninyo, Master Drake?"

"Can you please help Kahel change his clothes? He is soaking wet."

"At once, Sir," sabi niya. Marahan niya akong nilingon. "Kahel—"

"You should call him Master Kahel from now on."

"Naku, Drake ayos lang," nahihiya kong singit. Napatingin ako sa matandang lalaki at mabilis akong napayuko. "Sir, okay lang po kahit Kahel na lang ang itawag ninyo sa akin."

"Master Kahel—"

"Kahel lang po."

"I'm fine with calling you master." Rinig ko na nakangiti na siya base sa kaniyang tono. "As the butler of this house, tama lang na ituring kong master din ang kalaro ng alaga ko."

"Yes, Alfred, please. Kahel and I will be best friends from now on."

Napalingon ako sa kay Drake. Mabilis niya akong inakbayan. Nakadikit ang mukha niya sa salamin ng helmet ko na tila gustung-gusto niyang makita ang reaksyon ko mula sa loob.

"Best friend?" saad ko.

"Yeah. Besties. You're the first kid who had the guts to play with me. The other kids would always ignore me whenever I called them from inside the gate."

"Mga ibang bata?"

"Yeah, the kids from the plaza."

I felt my heart grew heavier again but this time, it's for him. At the same time, I felt happy that I found someone with the same predicament as me.

"A... D-Drake. Ayos lang ba talaga sa mommy mo na pumasok ako?"

"Yes. Right, Alfred?"

"As long as you keep the helmet on, you are free to enter the house, Master Kahel."

Matapos ang ilang minuto ay sinamahan nila akong dalawa sa kuwarto ng kalaro ko.

Sa pintuan pa lang ay nakanganga na ako, dahil mula nang bumukas ito, tumambad sa akin ang isang silid na siguro ay mas malaki pa sa bahay namin.

May nangingibabaw na amoy sa kuwarto ni Drake. Hindi ko sigurado pero tila nagmumula sa kama. Amoy manzanilla. Iyong amoy na ginagamit sa mga baby upang makatulog o kumalma mula sa pag-iyak ng mga ito.

"Are you okay, Kahel?"

"Kuwarto mo 'to?"

"Yeah, you can sleep over too if you want."

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon