“Did our paths crossed before?”Umaasang tanong ko kay Daryll na ngayo'y seryosong nagmamaneho ng sasakyan. Ilang minuto ko siyang tinitigan at hinihintay ang sagot nito. Pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya sumagot, kahit pag-iling o pagtango man lang... ay wala.
“Siguro? Baka same lang tayo ng pinapasukan ng University pero hindi tayo nagkausap kahit isang beses man lang.” saad ko, tumango ako para sang-ayunan ang sarili.
Inalis ko ang tingin kay Daryll at nilipat sa labas. Nadadaanan namin ngayon ang mga dikit-dikit na bahay at sa gilid ng mga kalsada may mga batang naglalaro pa rin kahit gabi na. Samantalang may mga babae naman na may edad na, na nagkukumpulan sa labas.
Sandali akong napangiti. Thankfully, sinusulit ng mga bata ang pagiging bata nila. Sana hindi kayo magsawa para pagdating ng panahon hindi kayo magsisisi. Masasabing, “Sana sinulit ko ang pagiging bata ko.” Kasi habang tumatanda tayo, hindi natin maiiwasan na hindi masasaktan, maiiyak sa sakit at mahihiling na sana nanatili na lang akong bata pa.
'Para yung tuhod ko na lang masaktan, at hindi ang iniingatan kong puso. Habang tumatanda kasi tayo, kahit minsan mahirap na ang sitwasyon, nagagawan natin ng paraan gamit ang sarili nating mga paa. Hindi na umaasa sa magulang, tulad noong bata pa tayo. Kapag nahihirapan, tatawagin natin agad sila.
“Ma! Pa! Hindi ko kaya.”
Pero ngayon na unti-unti na tayong tumanda at naging matured na, yung mga sarili na lang natin ang ating inaasahan. Pinapayuhan at pinapaalahanan na,
“Kakayanin ko 'to.”
Kasi kaya natin, para sa ating magulang. Panahon na rin naman para suklian ang mga sakripisyo nila. Hindi dapat tayo maging pabigat. Yun bang kahit matanda na tayo, umaasa pa rin tayo sa kanila at tumatambay lang sa bahay. Hindi pa magawang hugasan ang pinagkainan at ayusin ang higaan.
Para sa akin, hindi pagiging tamad ang problema ng mga kabataan ngayon. Ang hindi pagdisiplina sa sarili ang problema.
Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang mainit na pagbagsak ng luha ko. Mabilis ko itong pinunasan para hindi mapansin ni Daryll na umiiyak ako.
'Namulat ako sa mundo ng walang mama at papa.'
Usal ko sa aking isipan. Gusto kong ilabas ang mga salitang 'to at isigaw ang matagal ko ng kinikimkim na sakit. Hindi ko sila nakasama, hindi ko sila naalagaan, at naparamdam na mahal na mahal ko sila. Kasi sabi ng lola ko noon, namatay daw sila sa isang aksidente. Hindi ko na inalam dahil ayokong dagdagan ang sakit ng puso ko noon. Si Lola ko, na lumisan na rin sa mundo noong 12 years old pa lamang ako.
Sana sa susunod, bibigyan ako ng panginoon ng pagkakataon na makasama sila. Wala na akong hihilingin pang iba. Pangako, basta masilayan ko lang ang kanilang mga mukha at maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang.Mariin kong pinunasan ang luha ko bago harapin si Daryll.
“Patungo ba tayong probinsya?” tanong ko. Muntik pa akong pumiyok. Napapansin ko kasi na puro malalagong kahoy at mga damo ang nasa paligid kahit madilim. Amoy probinsya rin talaga. Walang usok ng sasakyan at presko ang hangin.
Tumango si Daryll. “Di nga?” hindi mapakaniwalang tanong ko. As in, papuntang probinsya talaga kami? Hindi tuloy mawala ang ngiti sa aking labi ngayon. Sa loob ng dalawang taon, ngayon lang ulit ako nakapunta sa probinsya. Pero ibang tao ang kasama ko, hindi na yung mga kaibigan at ex-boyfriend ko.
Binuksan ko ang bintana ng kotse ni Daryll para makapasok ang hangin sa loob. Napangiti ako lalo nang dumampi ang malamig na hangin sa mukha ko at hinangin-hangin ang mahaba kong buhok.
BINABASA MO ANG
60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]
FantasyPaano kung isang araw magising ka nalang na akala mo buhay ka pa ngunit hindi mo alam na multo ka na pala?