Chapter 43
Dapat kinakain ako ng galit ngayon. I was cheated on. I was left alone. I waited for nothing. Dapat tanungin ko si Caden bakit niya ito nagawa sa akin, dapat sigawan at sumbatan ko siya. Pero siguro sadyang traydor ang puso, hanggang sa huli mas pipiliin mo ang mahal mo kesa sa sarili mo.
I didn't mirror his burning anger towards me, the moments my eyes matched his, all I felt was tiredness. Wala na akong lakas manumbat at magalit. At ang mas malala pa, mas nananaig sa puso ko ang katotohanang at least masaya siya. Kahit iniwan niya ako, kahit uuwi akong mag-isa dahil hindi niya na pala tutuparin ang pangako niya.
Wala akong maramdamang galit sa kanya kahit wala naman akong nagawang kasalanan, para gawin niya ito sa akin.
Sabi niya kaibigan niya lang si Thione, dapat naniwala ako sa pakiramdam ko dati palang. The photo I saw screams a different meaning. I should've listened to my intuition.
Pinutol ko ang tinginan namin, bumaba ang mata ko sa kamay niyang naka hawak sa akin. Mahina ko itong tinanggal, pero parang bakal ang hawak niya na hindi ko iyon matanggal. Hindi ko na ulit inangat ang tingin ko at naglabas ng malalim ng hininga.
"Caden please... bitawan mo na ako." nanghihina kong sabi.
I heard him chuckle without humor, not planning on letting me go.
"Matagal na akong bumitaw, hindi mo alam?" bakas ang iritasyon sa boses niya, parang bumara sa puso ko ang mga salitang binitawan niya.
Paano ko malalaman? Hindi mo ako sinabihan.
Sinubukan ko pa rin tanggalin ang kamay niya, siya ang pinunta ko rito dahil gusto ko siyang makita. Pero ngayon na nasa harap ko na siya, gusto ko nalang bumalik ng hotel at magkulong. Pagod na pagod na ako, napagod na akong mag-antay.
"What?! Answer me—"
"Caden wala pa akong pahinga... w-wala na akong lakas makipag-away ngayon. K-Kung galit ka sa akin a-alam ko iyon... Sumbatan mo ako hanggat gusto mo, kapag nagkita ulit tayo. Bumalik ka na doon, kasi gusto ko na rin umuwi..." halos magmakausap ako sa kanya, hinarap ko siya at sumilay ang pagkakagulo sa kanya.
Mapait ko siyang nginitian, sinamantala ko iyon para tuluyang makawala sa hawak niya.
"Wag mong iwan si Thione... wag mong gagawin sa kanya 'yon. Bumalik ka na sa kanya, aalis na rin ako. H-Hindi ako manggugulo." walang buhay kong sabi bago siya tinalikuran at tuluyan nang naglakad paalis.
Nagtagis ang ngipin ko habang isa-isang tumulo ang luha sa pisngi ko, nawala lahat ng tapang ko nang maharap ko siya. The anger lasted for seconds. Because the moment I faced him all I felt was acceptance. That he is already happy and I am not part of that happiness anymore.
This is unfair, it was so unfair on my end. But if this is the only reason so that Caden could still live his life, I will gladly walk away. If letting him go was my only way to help him, then I'll let him go.
Ang sakit lang. Kasi buong buhay ko siya lang ang minahal ko. Buong buhay akong nag-antay sa kanya, tapos mawawala rin pala siya sa akin. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy, pinaglaban ko naman siya 'di ba? Iba lang ang paraan ko pero ginawa ko lahat.
The moment I entered my room I dialed Hannah's number, kung wala akong pagsasabihan ngayon baka masiraan ako ng bait.
"Yara? Ang aga pa bakit–"
"Wala na kami Hannah, wala na talaga kami ni Caden." umiiyak kong sabi.
Natigilan siya sa kabilang linya, ilang segundo bago siya sumagot. Umupo ako sa sahig, sa gilid ng kama dahil hindi na talaga kaya ng tuhod ko.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomanceAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...