Ikalabing-Anim na Panaginip

32 8 0
                                    


***

Ang paulit-ulit na pagpalo sa bola ng volleyball ang kanina pa bumubulabog sa backyard ng mga Enriquez. Kahit namamanhid ang mga kamay, hindi humihinto si Cassy na napapatingala sa tuwing nasa ere ang bagay na hawak. Pawisan na siya suot ang kaniyang sports attire. Paminsan-minsan ay lumalapit si Aida para bigyan siya ng towel, pero nagpaalam ito para kumuha ng kaniyang maiinom.

Saglit siyang natigilan nang marahang dumampi sa kaniya ang dalisay na hangin. Hindi nito nagulo ang buhok niya dahil maayos itong nakatali. Nakasuot nga rin siya ng headband para hindi kumalat ang bangs niya.

Tumingala siya sa maninipis na ulap na dahan-dahan nitong inililipad. The weather is so nice kaya siguro kampante ang mga ibon na magpalipat-lipat sa mga punong naroon.

I wish I could relax like them.

But her mind is far from doing that.

She's worried about this ability. Nag-aalala rin siya sa sinabi sa kaniya ng ibang version ni Sherryl. Maybe she's right. Hindi nga niya ito dapat gamitin lalo't hindi niya alam kung saan ito nanggaling. Ang kaso, hindi naman niya alam kung paano niya ito nagagamit. Wala siyang kaide-ideya. Akala niya, nangyayari lang ito sa tuwing nananaginip siya, pero hindi. Mas lalo pa itong tumitindi na ngayon, kahit gising na gising siya, nagagawa niyang makapunta sa 'ibang mundo'. Sa ibang uniberso. Sa ibang lugar na hindi pamilyar sa kaniya--nang hindi niya sinasadya.

Kagabi, sa vanity mirror, at kahapon naman, doon sa repleksyon mula sa tubig-ulan.

Everything doesn't make sense, alam niya iyon. This kind of ability, hindi ito pangkaraniwan. Kaya nga kahit ilang ulit siyang tinatanong ni Caleb nang makita siya nito sa university park, hindi siya sumagot. Dahil alam din niya kung anong iisipin nito--na nababaliw na siya. But still, she knows na proprotektahan pa rin siya nito kahit anong mangyari. That's why hindi pa rin siya maka-get-over sa tuwing naaalala niya na sinubukan siyang saktan ni Caleb.

No, that is not Caleb!

He's just a guy that exactly looks like him--his other version from another universe.

Nang paliparin niya ulit ang bola sa ere, mas higit na puwersa ang ibinigay niya sa paghampas nito. Agad din naman niya itong nasalo bago pa ito bumagsak sa bermuda grass.

"Miss Cassy, uminom muna kayo," pagtawag ni Aida na may dalang tray na may lamang bottled water, energy drink at juice.

Huminto siya at nangunot ang noo. "Bakit ang dami mong dala?"

"Hindi po kasi ako sure kung anong gusto n'yo." Ngumiti ito nang may pag-aalangan. "Hindi ko po natanong." Inilapag na nito sa mesang naroon ang hawak at saka napakamot sa ulo.

Binitiwan niya 'yong bola saka siya naglakad palapit para kumuha ng isa. "Tubig na lang." Binuksan niya 'yon saka siya tumungga. Medyo naibsan naman nito ang namuong uhaw sa lalamunan niya.

"Miss Cassy, ang galing n'yo sigurong mag-volleyball, ano?" tanong ni Aida na halata ang interes sa mata. "Narinig ko kasi na varsity player pala kayo."

Ibinaba niya sa mesa ang hawak na tubig. "Hindi na ngayon. But I will make sure na makakabalik ako." Hindi niya iyon sinasabi kay Aida. Pangako niya iyon sa sarili niya.

"Ako rin po, kapag nakapag-aral ulit ako, gusto ko ring bumalik sa pagiging player," pahayag nito sa masiglang tinig.

"Nag-aaral ka?" Nilingon niya ito kahit hindi siya gaanong interesado.

Ngumiti ulit ito. "Opo, third year college na sana ako, kaso huminto ako para sa isa naming kapatid. Pero, nangako si Ma'am Divina na pag-aaralin niya ako next year, kaya nga sana, gumaling na siya, ano?" Unti-unting tumamlay ang ngiti nito nang banggitin iyon.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon