35

508 23 0
                                    

35: Confuse

After our classes, naisip kong makipagkita kayna Gaile. Hindi ko naman siya kasi makakausap ngayon. Magpapatulong sana ako sa kanila kung paano ko makukuha ulit ang atensyon ni Saydie. Paano ko siya makakausap.

Gusto kong magpaliwanag. Sana pakinggan naman niya ako.

"Uwi ka na?" tanong ni Eya nang malapit na kami sa main entrance gate.

"Makikipagkita pa yata ako sa mga kaibigan ko," sagot ko.

"Ah Senior high friends?"

"Oo, gusto mo sumama?"

"Pinapauwi agad ako ni mama eh," sagot niya at tumango lang ako bilang sagot.

"Ingat ka," sabi ko. Wala na rin naman kasi kaming babalikan sa school. Malapit na ang christmas break. Ang bilis ng panahon. I passed all of my subjects thank God. Kahit sobrang nahirapan ako.

Nakita ko bigla si Saydie pagkalabas namin kaso kasama niya si Karylle. Nakayakap pa sa braso niya. Paano kung pinipilit ko nalang talaga ngayon ang sarili ko? Paano kung iba na ang gusto niya? What if she already gets over me?

Mukha naman kasing maayos siya. Mukha naman siyang masaya. I miss her so much but I'm not sure if she's feeling the same way.

Ang lakas niya, kayang kaya niya akong hindi pansinin.

I know I made her mad by dancing with another guy but I was also mad about her. Confuse rin ako. Sa totoo lang hindi ko lang naman kasalanan 'to. She never courted me, she never said she has feelings for me.

Ang alam ko gusto niya ako. Pero sa anong paraan? Hindi ko alam.

Sana alam niyang kung gaano niya ako nakukuha sa lahat ng ginagawa niya para sa akin. Sana alam niyang masaya ako sa mga sandaling iyon.

Lumakad ako sa likuran niya. Papunta rin yata sila sa sakayan.

Humiwalay lang ako sa kanila nang makakita ako ng taxi papuntang party fun.

Nang makarating ako ay nakita ko agad sila Gaile at Josh. Silang dalawa lang ang nandito. Sila lang rin naman ang kailangan ko ngayon. Yinakap nila agad ako pagkarating ko at nag-order agad ng maiinom si Gaile.

"Girl, hindi mo kailangan ng torpe," sabi ni Josh.

"Tama, kasalanan niya 'no, kahit nga kami iniisip namin na baka hindi ka lang nag-iisang nilalandi niya," sabi ni Gaile.

"Dapat nanligaw kasi muna siya, label muna kasi." Dagdag pa ni Josh.

"Wag mo na siya isipin, wala kang problema, oo nandon na tayo baka sa kilos lang niya talaga pinakita sayo lahat, dahil baka hindi siya magaling magsalita. Pero naman kung gusto ka talaga niya, tatanungin ka niya hindi ka niya hahayaang malito," sabi ni Gaile.

"Kung ayaw ka niyang kausapin eh di wag, marami pang magaganda diyan o di kaya mga pogi! Pwede tayong maghanap ngayon!" sabi ni Josh.

Sa dami ng sinasabi nila, isa lang ang iniisp ko ngayon. Birthday na bukas ni Saydie. Kailangan ko pa palang tapusin ang tatlong panyo para walo na lahat. Kailangan ko palang umuwi agad ng maaga.

"Girl?" Napalingon ako kay Gaile.

"Oo tama kayo, pero gusto ko siya. Gustong gusto. Hindi ko alam kung magkakagusto pa ba ako sa iba," sagot ko.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil siya lang ang nakikita mo ngayon," sabi ni Josh.

May point rin naman sila. Pero at least may ginagawa ako para magkabati kami ulit, kung ayaw niya talaga wala na akong magagawa.

Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon