36: Happy
Nagising ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Isang panyo na lang pala ang gagawin ko at tapos na ako. I checked the time and it's already 12:00 am, it's Saydie's birthday!
Izzy:
Happy birthday.
Sent.
Bahala na siya kung babasahin niya o hindi. Pero sana ako ang pinakaunang tao na bumati sa kanya. Ang panget na ng kamay ko, kakagawa nito. Okay lang, basta para sa kanya. Sana magustuhan niya. Teka hindi ko nga alam kung saan siya hahanapin ngayon?
Alam kong hindi siya umuwi kagabi, hindi ko alam kung saan sila pumunta.
Pero dati nag-usap kami ni Saydie na tuwing birthday niya ay kailangan niyang umuwi sa kanila. Ang tanong ngayon, anong lugar sa San Jose. Hindi ko alam. Paano kung ibigay ko nalang 'to after her birthday, pero kailan siya babalik dito? Hindi kami magkikita ngayong christmas break kasi baka umuwi rin siya.
Ano ba!
Kung pumunta na lang ako ng San Jose?
Napatayo ako at napasilip sa bintana. Umuulan pa naman. Napahikab ako dahil inaantok pa ako.
Tinapos ko muna ang isa at natulog ulit.
Nang magising ako ay agad akong naligo at pumili ng damit na susuotin.
"Okay na 'to," sabi ko.
I just wore a pink crochet halter top paired with a beige blazer, split hem jeans and black heels. Tinali ko lang rin ang buhok ko. The color of my hair is already fading kailangan ko na ulit paayusin 'to. I messaged Christian yesterday at hinihintay ko ang reply nito sa SoCiant. Bahala nalang naging makapal nalang ang mukha ko. Hindi ko kasi alam saan hahanapin si Saydie ngayong birthday niya.
Tapos ko na ring natupi ang mga panyo. Nilagyan ko muna ng colored tissue paper tapos isinunod ko na ang mga panyo. Sana magamit niya 'to 'no?
Lumabas na ako at bitbit ko na ang birthday paper bag. Maliit lang na shoulder bag rin ang dinala ko.
Wala talagang tao sa room niya. Saan kaya sila pumunta? Wala naman kasi siyang bagong posts.
Ang huli niyang mga uploads ay yung mga pictures namin.
Christian:
Uuwi yan bukas. Gusto mo bang pumunta? Sa bahay naman siya palagi nagpapahanda. :D punta ka dito ng San Jose.
Kagabi pa pala itong message niya. Sa dami kasi naming group chat sa school at messages pa nila Gaile. Tapos kay Saydie lang naman ang hinihintay ko kaya ngayon ko lang 'to nabasa.
Izzy:
Saan ba ang sainyo? Sasakay lang naman ako ng bus papunta diyan?
Sent.
Dumiretcho ako sa south terminal na tapat lang ng Waltz mall. Pero bago ako dumiretcho doon ay bumili muna ako ng chocolate cake at pinalagyan ko nalang rin ng Happy birthday Saydie. Effort na 'to. Ewan ko nalang kung hindi pa niya ako pansinin.
Nang makasakay ako ng bus papuntang San Jose ay sakto namang nagreply na si Christian.
Christian:
Chat mo ako kung nakasakay ka na kunin nalang kita sa terminal.
Izzy:
Nakasakay na ako. Salamat.
Hindi ko nga alam kung alam ba nilang hindi ako pinapansin at kinakausap ni Saydie. Kinakabahan tuloy ako baka ayaw niya akong makita at masira ko lang ang araw niya ngayon. Hindi ko kayang magalit na naman siya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/352294040-288-k828808.jpg)